MIKS
Its Monday and may pasok today. Super sad. :( pero buti nalang makikita ko si Jr mamaya kaya keribels na! #HarotHits ang aga aga.
"Cha okay ka lang? Alam kong Monday ngayon pero para ka naman atang namatayan?" Papano kasi si Cha e ang lungkot lungkot.
"Hindi kasi nag tetext si Errol e. Huhu"
"Sus. Busy lang yun. Tara na sa school!"
Magkakasabay na kaming apat pumunta sa school.
Ilang oras din akong nakipag digmaan sa mga nakaka antok ko subjects and finally! Break na.
Andito kami ngayon ni Jr. Oo ni Jr sa Mcdo near La Salle. Kasama si Kira. Ej and Cha? Ayon hinahunting si Errol. Hindi nag paparamdam kay Cha e.
"Okay ka na ba Jr? Wala ka ng lagnat?"
"Yes, I'm fine beautiful."
"Hay ke lalandi." Reklamo ni Kira habang kinakain yung fries niya.
"Sus! Parang hindi ka naman malandi sa boyfriend mo!" Sabat ko.
"Hindi naman tunayan yun e! Nakakainis ka talaga Miks! Bumawi lang dun sa tao e. Ewan ko ba at bakit nabanggit pa sa inyo yun nung Nido na yun!"
After kasi umuwi ni Kira galing sa condo ni Vienne ay tinawagan kami ni Vienne nung sigurado kaming tulog na si Kira at nag kwento sa amin si Vienne at kilig na kilig pa siya. Nido ang tawag ni Kira dahil nakitaan niya daw ng sandamakmak na supply ng Nido fortified milk si Vienne sa condo.
"Alam mo Kirs, bagay kayo nung kapatid ko." Sabat ni Jr.
"Huh? Pogi ba yang kapatid mo Jr? Saka papanong bagay?" Tanong naman ni Kira.
"Aba oo. Gwapong gwapo! Athlete na, matalino pa. Swak sa panlasa mo! E papaano parehas kayong makulit in a nakakatuwang manner. Saka athletic type kayo parehas tho ikaw mas pinili mong mag focus sa studies. Siya kasi e tinuloy padin pagiging student athlete. Well its in our blood naman. Ako lang din naiba ng landas. Mas nag focus din ako sa studies. Tapos parehas pa kayong amoy babies. Minsan nga, maipakilala kita dun. Para naman hindi siya humohopia dun sa gusto niya."
"Oh? Talaga kuya!? Sige game ako! Dito rin ba siya pumapasok?" Natawa naman ako sa "kuya" ni kira! Aba mabilis ah!
"Oo! Graduating na nga yun e! Mauunahan pa ako. Kundangan at naisipan kong mag engineering, 5 years tuloy." Muntik ko ng makalimutan na 11 months nga lang pala ang agwat ni Jr sa bunso nilang lalake na kumukuha ng BS Entrepreneurship kagaya ng natapos ng ate nila kaya nag decide ang parents nila noong bata pa sila na pagsabayin nalang sila sa pag pasok. Seems like Jr is enjoying din naman.
"Sige kuya! Para naman kapag natapos na yung 18 days na kontrata namin ni pekeng jowa e may for real nako!"
"Minsan nga isama mo si Nido sa mga lakad natin Kira para naman mag kakilala sila ni Jr." Suggestion ko.
"Hmm pwede din. Para naman mahawaan ng bait yung panget na yun!" Natawa naman ako kay Kira. Panget pala ah. Kaya pala kinikilig siya nung umuwi.
CHA
Ilang araw na akong hindi tinetext ni Errol. Sabi niya busy lang daw siya sa organization nila. E bakit naman yung boyfriend nung classmate ko, nagagawa paring makipagkita kay classmate e kung tutuusin nasa same org sila ni Errol.
"I know you're overthinking right now but please, don't." I guess alam ni Ej na kung anu ano na ang tumatakbo sa utak ko. "Besides, mas mataas ang position ni Errol kesa dun sa boyfriend nung classmate mo. He's like one of the pillars of that org and that org won't be the same without Errol. And yung org naman nila ay hindi basta basta." Siguro nga tama si Ej.
"Siguro nga tama ka. Sobrang paranoid lang ako. Sorry."
"Nah. Its okay Cha. Tara shopping na lang tayo para naman malibang ka! Libre ko!" Pag aaya ni Ej. Sumama nalang ako. Unwind na din.
Lakad kami ng lakad. Pasok sa bawat stalls. At bili ng kung anong magustuhan. Iba talaga tong si Ej. Daming pera!
"Woooh! Shop till we drop!" Sigaw ni Ej at itinaas ang mga paper bags na bitbit niya.
"Hahahaha ang dami! Shopping spreeeeee!" Sa gitna ng pag ce-celebrate naming dalawa ay narinig ko ang tunong ng tiyan niya.
"Ooops! Sorry! Nagutom akes! Tara libre ko ulit!" At hinila niya ako.
Nag decide kami na sa Zarks na lang kami since nag crave din ako sa foods nila. Naiwan si Ej sa pila at nag cr muna ako. Pagkalabas ko ng cr ay hindi ko kaagad nakita si Ej ng biglang,
"Ahmm err, Cha, lipat nalang tayo." Aya ni Ej.
"Ha? E nag crave ako sa Zarks e. Diba sabi mo, ikaw din?"
"Oo nga. Kaso I heard na minsan e panis daw food diyan. Tara na!" At hindi naman ako nakapag object dahil hinila niya ako.
Zarks is a fine fast food restaurant. Tapos mag hahain ng panis? Pero who knows. I'll just let Ej since libre naman niya at mas madami siyang alam sa mga ganito. Gala e.