Twenty Nine

13 1 2
                                        

Cha

"Ang bigat mo na Chacha! Ano bang pinag kakakain mo sa Manila? Ke payat payat mo nga e ang bigat bigat mo naman! Dala dala mo ba sa katawan mo yung aparador ng bahay niyo?" Tanong sa akin ni Kaloy. Naka piggy back ride kasi ako sa kanya. Dahil habang naliligo kami sa ulan ay naghabulan kami. E ayun naka apak ako ng basag na shell.

"Dami mong satsat! Lumakad ka na lang. Bilis!" Pag mando ko.

"Opo, mahal na donya!"

"Facundo, madali ka! Ihing ihi na ako!"

Napatawa naman kami parehas sa mga kalokohan namin.

Nang makarating kami sa bahay ay nandun na si Kuya at si Mama.

"Jusko kayong dalawa! Nag tampisaw na naman kayo sa ulanan ano! Ay siya mag kape ka muna dito Kaloy hijo. Thomas! Thomas!"

"Bakit po, Ma?" Pag labas ni Kuya kasi tinatawag siya ni Mama. Agad naman niyang nakita na nandito si Kaloy at basa kami parehas. Nginitian ako ni kuya ng nakakaloko. Ughhh -___- aasarin na naman ako ni kuya kay Kaloy. Crush ko kasi si Kaloy noon. Noon nga lang ba, Cha? Uuugh landi ko!

"Pahiramin mo nga muna ng damit itong si Kaloy at baka sipunin!"

"Sige ho Ma. Bayaw, lika dito pili ka ng damit."

Binato ko naman si kuya.

"Hoy anong bayaw!" Nakakainis! Nag sisimula na naman si Kuya.

"Tsk. Sa sobrang gwapo ko Chacha gusto na nilang mapangasawa mo ako." Panloloko naman ni Kaloy.

"Hangin mo, toy. Mag palit ka na at lumayas ka na rito Facundo."

Agad namang sumunod si Kaloy kay Kuya Thomas. Pero aaminin ko, mas gwapo nga ngayon si Kaloy kumpara nung bata kami.

"Oh baka naman matunaw si Kaloy niyan, anak."

"Maaaaa!"

Pati ba naman si Mama!?

Matapos nun ay naligo ako at natulog muna. Nanakit ang katawan ko sa habulan namin ni Kaloy kanina.

"Chacha. Chacha gising."

"Ba-bakit Kuya?"

"E kasi simula na ng liga mamaya. May laro kami ni Kaloy, gusto mo bang manood?"

Oonga pala. Palaging mag ka team si Kuya at si Kaloy sa mga liga.

"Oo sige! Teka maliligo lang ako ulit."

After an hour ay nasa may covered court na kami. Dito ako nakatayo sa bench ng team nina kuya. Kasali sila ni Kaloy sa first five. Tinatawag din silang dynamic duo kasi magaling na point guard si Kuya at magaling naman na center si Kaloy.

"Woooooooh!! Go dynamic duo!" Pag chi-cheer ko! Dikit kasi ang laban. 4 lang ang lamang nila.

Ayan nag tie na. -________- last 30 seconds na! Napatayo na ako sa kaba.

Agaw ni Kuya ng bola. Tapos nag senyasan sila ni Kaloy.

20 seconds.

Umikot si Kuya at ginagawa ang play niya. Nag a-anticipate naman sa kanya ang team mates niya. Woooh so pogi naman this captain ball!

10 seconds.

Nalinlang ni Kuya Thomas at ng isa pa nilang point guard ang kalaban nila. Naipasa naman nila agad ito kay Kaloy.

5 seconds.

Nag mamadali si Kaloy na i-dribble ang bola. Ingat na ingat para makaiwas sa kahit anong violation.

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon