Thirty One

14 1 1
                                    

Cha

Tanghali pa lang ay ready na ako. Nakaligo na, nakabihis na. Habang iniintay ko ang oras ay nanood na lang ako ng tv.

"Oh bakit bihis na bihis ka?" Tanong sakin ni kuya Thomas.

"Ahh. Isasama kasi ako ni Kaloy mamaya sa bayan. May mga palaro daw e. Saka first time kong ma experience yon. Lam mo naman, tagal kong di umuwi e."

"Cha, bakit hindi na lang kayo ni Kaloy?" Nasamid naman ako sa sinabi ni Kuya. "Kuyaaa! Ano ba namang tanong yan!"

"Sasagot ka lang naman e."

"E kasi kuya mag bestfriends kami. Saka hindi niya naman ako gusto."

"Kung alam mo lang." Pabulong niyang sabi.

"Ha? Ano kuya?"

"wala wala. Sabi ko ano namang masama kung mag bestfriends kayo?"

"Baka mag ka sakitan lang kami. Sayang ang friendship. Tulad nung dalawa kong kaibigan. Mag bestfriend sila tapos nug nag hiwalay, ayon parang aso't pusa." I'm talking about Miks and Jikko.

"E bakit mo ba iisipin na mangyayare sa inyo yung nangyare sa kanila? Iba sila, iba kayo. Hindi kayo parehas ng kapalaran. Saka sa tingin ko naman si Kaloy yung tipo ng tao na iintindihin ka, hindi ka iiwan. Bestfriends nga kayo diba? Dapat kilala niyo na ang buhol ng bituka ng isa't isa."

"Hay nako kuya. Bakit ba na mo-mroblema ka sa isang bagay na hindi naman mangyayare?"

Maya maya lang ay dumating na si Kaloy. Dumiretso muna kami sa simbahan.

Nung kinanta na ang Ama Namin ay nag hawak kami ng kamay. Buong kanta ay para akong nakahawak sa poste ng kuryente.

Nang matapos ang misa ay dumiretso na kami sa bayan at kumain.

"Tara dun, Cha! May mga palaro dun! Gusto mo sali tayo?"

"Ogag ka ba!? Paaakyatin mo pa ako sa kawayan! Ikaw na lang!"

At yun nga, umakyat sa kawayan si Kaloy. Aba, nanalo! Hindi lang pala pam basketball to e.

"Woooh kapagod!" Pinunasan ko naman ng panyo ko ang muka niya. "S-salamat."

Pagkatapos nun ay mayroon namang paagap.

Ang cute ng maagap. May maliliit na stuffed toys sa loob ng plastik tapos yun yung pag aagawan dun.

Sumali ako, kaso hindi naman ako makakuha kasi ang lalaki ng kasali. Gusto ko pa namang makuha yung pagong na stuffed toy :(

Kaloy

Kasali si Cha sa pa agapan. Pero hindi naman siya maka agap kasi ang tatangkad ng kalaban niya.

"Cha!" Tawag ko sa kanya. Lumapit naman siya sa akin ng nakasimangot. "Nakakainis naman Kaloy! Hindi ako makakuha! Gusto ko pa namang kunin yung stuffed toy na pagong para maisama ko siya sa Manila. Para may kasama ako sa dorm."

Pagong.

Gusto niya daw nung pagong.

Ako'y isang pagong. Gusto mo ba ako?

"Osiya siya wag ka ng umiyak doyan! Ako na ang kukuha!"

"Yehey! The best ka talaga Kaloy!"

Agad agad naman akong sumali at yun. Nakuha ko ang pagong.

"Yeheeey! May maiisama na ako sa Manila! Thank you sa pagkuha mo kay Fiesta ha, Kaloy?" Then she gave me a sweet smile.

"Sino si Fiesta?" Tanong ko.

"Etong pagong. Fiesta kasi fiesta ngayon. Hahahaha."

"Ang weird mo." Sabi ko at pinisil ko naman ang ilong niya.

Nang makalipas ay kumain naman kami kung saan saan. Lahat ng ituro niya ay binili namin. Nanalo kasi ako ng 1000 sa pag akyat ko sa kawayan.

"Saka cotton candy, please?" At ibinili ko siya ng cotton candy.

"Thank you. Kung alam ko lang na may ganito pala pipilitin kong umuwi ng madalas. Ang dami dami kasing gawain e. Tri sem pa kami." Pag sisimula niya ng kwento nung makarating kami sa park. Sinusunuan niya ako ng ctton candy at sinusubuan ko naman siya ng kwek kwek. "Diba graduate ka na, Kaloy? So anong plano mo?"

"Mag tatayo ako ng business ko. Restaurant siya. Kukunin ko ding chef si Mama at si Tita. Gusto kasi ng mama mo mag trabaho ulit e. E masarap siyang magluto kaya kinuha ko na lang ding chef. Para mag kasama sila ni Mama. Para may bonding yung bffs."

Nakatapos kasi ako ng Entrepreneurship pero passion ko din talaga ang pag luluto. Nag mana ako kay Mama Lucia ko. Si Mama naman, bestfriend din ang mama ni Cha, si Tita Linda.

"E anong pangalan ng resto mo?"

"Hmmm. Green tongue."

"Green tongue? Bakit green tongue?"

"Naisip ko lang. Kasi diba kapag green thumb mahilig mag tanim? O e di kapag green tongue mahilig kumain."

"Aww I see. Ang witty mo talaga."

"Tss. Di naman. Kelan nga pala ang balik mo sa Manila?"



Cha

Manila. Nakakalungkot, babalik na naman ako sa Manila. But okay lang, andun naman sina Kira e. And I'm happy na din. I may not have totally moved on but I'm getting there.

"Sa isang araw na nga e. Ang bilis."

Napayuko na lang kaming parehas. Hindi sapat ang 5 days sa 4 years na hindi ko pag uwi dito.

"Kaloy..." Lumingon naman siya sa akin. Ang gwapo niya pala talaga. "Pwede, favor?"

"Oh ano yun?"

"Pwedeng turuan mo ako mag luto bukas?"

"Luto?" Napatawa naman siya. "Wag mo akong tawanan, Karlos! Hindi porke't magaling ka e aapihin mo na ako!"

"Hahahaha! Oo na po, oo na."

Nakaupo lang kami ng biglang may pumatak sa braso ko.

"Kalooooy! Bakit mo naman ako nilawayan!?"

"Hindi kita nilawayan! Umaambon na! Tara silong tayo dun!" Turo niya sa gazebo at hinhila ako papunta dun.

"Wag na tayong sumilong! Maligo na lang tayo sa ulan! Simula nung nag Manila ako, kakahapon na lang ulit ako nakaligo sa ulanan."

"Sigurado ka? Baka mag kasakit ka niyan!"

"Hindiiii! Tara na. Let's enjoy the little things together."

"sige sabi mo e."

At nag simula na kaming mag habulan ulit sa ulanan. Haay napakasaya talagang kasama nitong si Kaloy. Nakakalimutan ko lahat ng problema tapos kahit yung mga simpleng bagay na a-appreciate ko kapag kasama ko siya.

"Enjoy the little things... Together?" He asked.

"Together." I answered then flashed my sweetest smile.

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon