Twenty Three

14 0 0
                                    

Third Person's

Nagsimula na nga ang game. Pinaikot na ni Vienne ang bote. Ang una namang tinapatan ay si Ej.

"Ej! The chosen one!" Panimula ni Vienne. Napatawa naman sa kanya ang kanyang mga kasama. Bumunot si Ej ng papel at nag shot na. Binasa na ni Ej ang tanong, "kapag ba ang butterfly nawalan ng pakpak at hindi na ito nakalipad, butterfly pa rin ba ang tawag?" Pagbabasa ni Ej sa tanong. "Ano ba namang tanong to!? Sinong gumawa!? Parang tae lang e!" Reklamo ng dalaga.

"Sagutin mo na lang!" Reklamo ni Vienne. Napa buntong hininga naman ang dalaga. "Edi butter na lang wala ng fly..... Butter cream..." Pag jo-joke niya. Poker face lang naman ang mga kasama niya. "Sabi ko nga waley e."

"Hayaan mo na, warm up lang yon, warm up." Dagdag ni Vic. Kinilig naman ng very light si Ej dahil pakiramdam niya ay sinagip siya ni Vic sa kahihiyan. "Oh bunot kang bago, wag ka na lang mag shot." Sabi naman ni Jr. Bumunot ng bago si Ej.

"Dare to e.. Ahm, lumabas ng bahagya sa cottage at sumigaw ng Hi babe! Ang unang lalakeng lilingon ay kailangang i-beso." Pagbabasa ni Ej. "Seryoso papatayin ko gumawa neto!" Agad namang lumabas si Ej at sumigaw ng hi babe! At ang lumingon ay......

Isang matandang lalakeng Arabo......

"Seriously!? Hoy hindi ko kayang bumeso don no! Hell no! Baka mamaya amoy shawarma na akems! Shot na lang ulit, shot!" Reklamo ni Ej at nag shot siya ng panibago... Nag shot siya sa baso na pangkape. Kapag hindi nagawa ang dare ay sho-shot ng ganun karami. Jk. Sa shot glass lang, kayo naman.

At dahil si Ej ang huling tinapatan ay siya ang nag paikot. "Miks! Wahahahaha!" Bumunot naman si Miks sa fish bowl at nag shot na. "Mahal mo o mahal ka?" Pagbabasa niya sa tanong. Natigilan naman si Jr sa tanong. Animoy iniintay niya ang magiging sagot ng dalaga. Pakiramdam niya, kahit papaano ay sumasakto sa kanila ang tanong. Parang "Jikko o Jr?"

"Ahmmmm. Ano kasi e...." Panimula ni Miks. Kinakabahan naman si Jr pati narin ang kanilang mga kaibigan. "Woooh teka papaano ko ba to sasagutin? Grabe nahihirapan ako..." Dagdag niya at nag punas pa siya ng pawis. Napapalip bite na lamang ang dalaga sa kaba. "Mahal mo o mahal ka?" Huminga siya ng malalim. "Eto na.... Eto na talaga...." Sa sobrang suspense ay nakaabang na lamang sa isasagot niya ang mga kaibigan niya. Nakanganga sa kanya ang lahat at tutok na tutok sa isasagot niya. "O.... O ang aking sagot...... Wahahahahahaha!" Napababa naman ang balikat ng mga kasama niya sa sobrang dismaya.

"Punyeta ka Mikaella." Saad ni Kira, nag peace sign lamang sa kanya ang dalaga. Pinaikot ni Miks ang bote at ang tinapatan naman ay si Vienne. "Viennevenido me amigo!" Bumunot ang binata sa fish bowl at nag shot.... "Bakit pa kailangan mag brief kung maliit lang naman ang bird?" Pagbabasa niya sa tanong. "Ang weird! Hala ewan! Ahmm e bakit may mga babaeng nag ba-bra kung wala namang ba brahan? E di sana nag band aid na lang!" Nag shot na lang ulit ang binata at pinaikot ang bote.

"Ate Viiiiic!" Bumunot naman si Vic at nag shot. "Bakit kailangan pang may design ang bra e hindi naman makikita?" Pagbabasa niya sa tanong. "Siyempre, para maganda tingnan kapag nakabilad! Wahahahahaha!" Tawa niya at nahawa naman sa tawa niya ang kanyang mga kasama. Pinaikot nila ang bote. Si Jr at Kira na lang ang hindi natatapatan.

"Jr mah bruh!" Si Jr na nga ang tinapatan ng bote. Pinag isipan ng binata kung maalin sa dalawang papel ang bubunutin niya. Dahil may isa pang dare na natitira. Ayaw pa naman ng binata ng mga dare na ginawa ni Vienne. Oo, si Vienne ang nag gawa ng mga papel sa fishbowl.

Sa wakas ay nakabunot na ang binata. Nag shot siya at huminga ng malalaim. "Naknampucha! Dare! Viennevenido papatayin kita kapag kagaguhan tong dare!" Sigaw ni Jr. "Isuot ang pinaka sexy mong outfit at akitin ang unang lalakeng titingin sayo." Pagbabasa niya sa nakasulat. "Ano ba naman to Vienne!? Ulit!" Reklamo ni Jr.

"Hep! Hindi na pwede! Iisa na lang yung papel. E di wala ng sasagutin si Kira! Unfair!" Reklamo ni Vienne. Dahil wala ng choice, umakyat si Jr sa taas at humiram ng damit kay Miks. Matapos ang limang minuto ay lumabas si Jr......

Na naka bra, spandex, at may flower pa sa tenga. Nilagyan din siya ni Miks ng lipstick at light make up.

"Hi Everyone! My name is Danika Madlangtuta Bagong Gahasa Sherepsherep!" Pag papakilala ni Jr sa kanyang sarili at nag pose.

Lumabas siya at nag walling sa pinto ng cottage nila. Hindi naman makahinga ang kanyang mga kasama sa katatawa. May Amerikaning gwapo naman ang lumapit kay Jr.

"Uggh! Sana pala ako nalang nakabunot nun!" Reklamo ni Kira, sinamaan siya ng timgin ni Vienne. "Hoy anong sana ikaw!? Landot!" Sigaw ni Vienne sa dalaga.

"Dayuuum girl. Lookin hot huh." Sabi ng kano kay Jr. Nag lip bite naman si Jr at nag pout. "U so gwapo naman. Ur so handsome. Aha ha ha ha." Agad naman siyang niyakap nung kano at hinawakan sa pwet. "Ay u so mabilis ha! Help! Putangina niyo tulungan niyo ko minomolestya na ako oh!" Sigaw ni Jr sa mga kasama niyang naka dungaw sa bintana. Binelatan lang naman siya ng mga ito.

"Ay ay... Bye bye. U handsome maderpaker. Mwakps!" Pag papaalam ni Jr sa kano at nag lakad habang kumekendeng kendeng. Nang makapasok siya sa cottage ay agad siyang tinawanan ng kanyang mga kasama. Sinabunutan naman niya si vienne.

"Infairness Gandara Park ka ha!" Sabi ni Ej sa binata. "Siyempre naman mamah! Uhhm pak!" Sagot naman ni Jr at bahagyang pinalo ang kanyang pwet. At bilang si Kira na lang ang natitira ay binunot na niya ang natitirang papel at nag shot.

"Dare to.. Teka dare to akala ko ba isang truth at isang dare yung naiwan sa bowl!?" Tanong ni Kira, "sorry napasarap ata ako sa pag gagawa ng dare." Sagot naman ni Vienne kaya inirapan siya ng dalaga. "Lumabas at humanap ng isang magiging kliyente.... Tanungin ito ng, Sa mga nangyayareng kaguluhan ngayon sa mundo, may pag asa pa bang lumaki ang pasas? At kapag hindi ito masagot ng kliyente ay sabihin na, Oo. Dahil una muka siyang tae ng kambing, pangalawa dahil muka siyang patay na langaw. At pagkatapos ay gayanin ang tunog ng kambing at ipagaspas ang mga braso na parang lumilipad na langaw habang pabalik sa cottage."

"Ano ba naman to Vienne!? Linteeeeeek!" Reklamo ni Kira at lumabas. Hindi alam ng dalaga ang gagawin.

Naghanap siya ng kliyente at isang matandang lalake ang kanyang nakita.

"Manong." Tawag ni Kira sa matanda.

"Oh, hija."

"Pwede ho bang magtanong?"

"Ay sige! Basta ga ikaw, ay kaganda mong bata e."

"Ahaha ay gay-on ga ho? Ay salamat ho, kung gay-on!" Sagot ni Kira sa matandang Batanguenio. Natuwa ang dalaga sa pag gaya ng punto ng matanda.

"Ay ano ga ang iyong itatanong?" Tanong ng matanda. Lumingon si Kira sa mga kasama niya at kita niyang nag pipigil ang mga ito ng tawa.

Bumuntong hininga ang dalaga. "Sa mga nangyayare pong kaguluhan sa mundo...." Pag sisimula niya. Tumingin siya sa matanda at mukang interesado ito. Lolo sorry huhuhu sa isip isip ni Kira. "May pag asa pa po bang lumaki ang pasas?" Pag dugtong niya.

Muka namang nadismaya sa kanya ang matanda. At dahil lulubog na siya sa kahihiyan ay hindi na niya ito inintay na sumagot. "Oho Lolo. May pag-asa pa. Dahil una muka siyang tae ng kambing at pangalawa, muka siyang patay na langaw."

Muka namang na wirduhan sa kanya ang matanda "hala! Ang batang ito yata ay naka droga! Ikay lumayas sa harapan ko! Ay ako pa ang iyong pinag tripan! Ay hindi nakakatuwa ha! Ang mga kabataan nga naman ngayon ay mga nag aadik na! Ikaw ay humayo sa simbahan hija, manalangin ka at ng patawarin ka ng Diyos Ama!" Sagot sa kanya ng matanda.

"Ay lolo, Buddhist ho ako e." Pang gagaya ni Kira sa punto ng matanda. "Ay siya sige ho, akoy aalis na." Pag papaalam niya at ginaya na niya ang tunog ng kambing at ipinagaspas ang kanyang mga braso at kamay.

Pag kabalik niya sa cottage ay pinagtawanan din siya.

"A-ah ay ka fierce ni Lolo!" Sabi ni Ej.

"Ay nag litanya e! Ay siya Amen!" Sabi naman ni Vic.

Nang sila ay matapos sa kanilang laro ay nag si ligo sila at napag pasyahan na mamasyal na lamag ulit dahil bukas ay babalik na sila ng Maynila.

Its ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon