Cha
(Ito yung nangyare kay Cha pag kaalis niya sa Resort ng mga Torres)
Batangas | 8 am
I woke up with the sunlight on my face. Hay, I missed Batangas so much! Yep, Batangas ang province ko.
Agad agad naman akong bumangon, nag hilamos at nag ayos. 5 days lang ang meron ako at babalik na ako sa Taft. Dumito muna ako para makahanap ng internal peace, para mas madali maka move on. Para makaiwas na rin sa stress at para mabisita ko din sina Mama. Minabuti ko rin na wag muna mag paramdam sa kahit kanino, at ang social media accounts ko ay dineactivate ko na muna. Me time muna ika nga nila.
"Goodmorning, Ma!" Bati ko kay Mama. Hawak hawak niya ang iPAD niya. Siguro kakatapos lang nila mag facetime ni Papa. LDR ang peg ng teenagers ng Batangas.
"Goodmorning naman, anak! Halika at ipinaghanda na kita ng paborito mong almusal." Sumunod naman ako kay Mama sa hapag kainan namin at nag simula na akong chumibogs.
"Mama, san si kuya Thomas?" Oo, may Kuya ako.
"Nako, ayon nasa basketballan kasama ang mga kaibigan niya. Kanina ka pang hinihintay gumising ng kuya mo kaso nainip. Aba, miss na miss ka niyan. Nitong mga nakaraan kasi anak ay hindi ka masyado tumatawag sa amin."
"Wag ka ng mag tampo, Ma. Alam mo namang graduating ako diba? Ganito din naman noon si Kuya. Kaya nga pati ako umuwi kasi, miss ko na din kayo, Ma. Saka alam mo na, diba?"
Niyakap naman ako ni Mama.
"Anak, okay ka na ba talaga? Kung may problema ka, andito lang ang Mama ha?" Sagot naman ni Mama at niyakap niya ako. Niyakap ko din siya.
"Sali naman ako sa group hug ng magaganda!" Napalingon kami ni Mama sa boses. "Kuya!" Tumayo ako at sinalubong ko siya. Wala kasi siya dito kahapon nung dumating ako. Nag over time daw kasi sa trabaho. "Chacha na miss kita bunso!"
"Na miss din kita kuya Thomthom!" Sagot ko at nag yakapan kaming mag kakapatid habang lumulundag.
"Osiya kayong mag ka patid, kumain na."
Kumain na nga kami ni Kuya gaya ng sabi ni Mama. Nag kwentuhan kami, nag asaran. Si Kuya na rin ang nag ligpit ng aming pinag kainan. Umalis naman sila ni Mama kasi mag go-grocery daw sila.
Habang wala sila ay naglakad lakad ako. Tutal wala din naman akong magawa sa bahay ay lumabas na lang muna ako. Para makasagap ng sariwang hangin.
Andito ako sa may tabing dagat. Huhuhu na miss ko ang tabing dagat na to. Dito kami nag lalaro ni kuya noon. Sanctuary ko na ata talaga ang mga tabing dagat.
Naiisip ko na naman si Errol. Oo, maaaring hindi naging kami pero ang tagal ko na din kasi siyang kasama. Akala ko kilala ko na siya. Hindi ko akalain na magagawa niya yun. Minsan kasi hindi na yung alaala ng isang tao o yung tao mismo yung nakakapag pasakit ng puso. Yung idea na niloko ka yung sobrang sakit talaga.
Kumuha naman ako ng shell at ibinato ito sa dagat. Dito man lang, mailabas ko ang sama ng loob ko. Kunware, si Errol at Mags yung dagat. Patuloy pa rin ako sa pag bato, malakas at iba iba ang direksyon.
"Alam mo, kung nakakaramdam ang dagat, marahil nasasaktan na yan. Ang hard mo mamato."
"Kaloy?!" Tawag ko sa boses na bigla na lang sumlpot, "Chacha!"
"Kaloy!? Kaloy! Kaloy OMG!" Nagtatakbo naman ako kay Kaloy at nagyakapan kami. "Na miss kitang nguso ka!" Bati ko sa kanya. "Ang yabang mo namang Indian Mango ka!" Sagot naman niya sa akin at kaming dalawa ay napatawa sa kalokohan namin.
Siya si Kaloy. Childhood bestfriend ko yan. Actually, namin ni Errol. Si Errol kasi kaklase na namin dati. Kaso nga lang si Kaloy hindi nag Manila. Tsk enough of Errol. Its Kaloy-Chania moment today!
"So kamusta naman ang buhay buhay natin diyan Chania Abdul Qaiyum a.k.a Chacha slash innjan mango?" Pa ngungumusta niya nung matapos ang yakapan with lundagan portion namin. Nakaupo kaming dalawa ngayon dito sa may tabing dagat.
"Okay naman ang lyf lyf ko Karlos Montalbo a.k.a Kaloy slash nguso.... Yung sayo?" Nguso ang panloko ko sa kanya kasi ang kissable ng lips niya. Pero bumagay naman to sa matangos niyang ilong at expressive niyang mata. "Pa brace brace ka na lang ah."
Binatukan naman niya ako. "Sira! Siyempre para goodbye ugly teeth! Hahahaha sinungaling ka." Sagot niya at nagulat ako. "Huh?"
"Nako, mag tatampo na talaga ako. Porke't nag Manila ka at matagal ka ng di umuuwi ay nag sisinungaling ka na. Baka nakakalimutan mo Chacha na ako ay childhood bestfriend mo lang naman at bawat hininga't utot mo alam ko ang ibig sabihin." Nakooo, nag tampo pa nga.
"Wow, di ako na inform na paborito mo pala si ate Vi ha, Kaloy."
"Tsk wag mo nga ibahin ang usapan. Napauwi ka tapos pati ang dagat pinag didiskitahan mo. So anong atin?" Tsk. Wala akong takas kay Kaloy. Bestfriend ko nga talaga to.
At dahil na no choice ang lola mo, ikinuwento ko na kay Kaloy ang lahat.
"Grabe naman si Errol! Nako pag umuwi yan dito, susuntukin ko talaga yan e! Nako tapos subukan niyang isama yung babae niya! Aba e talagang lulunurin ko ang hipon na yun sa sprite para maging ganap na nilasing na hipon siya tapos gagawin ko siyang tempura at ipamimigay ko siya diyan sa manginginom sa kanto!"
"Grabe ka naman mag react Kaloy! Kala mo ikaw yung nasaktan? E daig mo pa ako e! Galit na galit ka teh? E ako nga kalmado pa nung kinompronta ko sila tapos ikaw hindi mo mismo nakita e warla ka na diyan!"
E kasi naman sigaw na sigaw na sa galit tong si Kaloy! Buti na lang walang ibang tao dito. Kung hindi, iiwan ko talaga to dito tapos kunware hindi ko kilala.
"E naiinis ako e! Naiinis ako sa kanya! Saka bakit ba? Kanya kanyang react yan noh!"
Bigla namang dumilim ang kalangitan at kumulog ng malakas. Uulan pa ata. Nagkatinginan naman kami ni Kaloy.
From highblood face ng lolo mo to ngiting ngiti plus eyebrows na nag wi-wiggle real quick.
"Just like the old days?"
"Just like the old days!"
Kinuha niya ang kamay ko at inalalayan ako sa pag tayo. Kasabay non ay ang unti unting pag buhos ng ulan. Na miss ko yung pag ligo ligo namin ni Kaloy sa ulan. Hay, blessing in disguise ba yung panloloko nila sa akin? Para lingunin at balikan ko ang aking pinang galingan? Nah, for now wala muna akong ibang iissipin. I want to enjoy life and enjoy the little things.
Ligo sa ulan it is! Wahoooooo!