KIRA
What happened last Saturday was a blur. Nakaka stress. Super mega stress pa nung Sunday kasi Cha is starting to feel depressed about what happened. Buti nalang na comfort ni Kuys Errol. Ayon gumaan na ang pakiramdam. Nalintikan kasi, nakainom na noon si Mags.
"Araaaaaaay!" Sigaw ko! Ang sakit sakit. Huhuhu tinamaan ako ng bola sa ulo!
"Ayy miss okay ka lang?! Ikaw kasi hindi ka tumatabi!" Sabi ng isang lalakeng matangkad, maputi at chinito. Oo gwapo siya pero teka tinamaan niya ako ng bola.
"So kasalanan ko pa ba?! Ay sorry ha! Sorry kasi ang tanga tanga ko, di ko alam kung papano lagyan ng direction yung bola!" I answered this demigod sarcastically.
"E para ka kasing naglalakad sa buwan e. Medyo tulala pa! At oh, ang lalim pa ng eye bags! Muka ka tuloy naka drugs!" Dagdag ni tae.
"Aba gago ka ah! Tangang to daming satsat! Bobo! Di maalam mag volleyball!" Siyempre sumagot ulit ako, di ako nag papatalo no!
"Hoy anong bobo!? Captain ako ng volleyball team dito ano! Saka bakit ang init init ng ulo mo ha, may regla ka ba? Baka ikaw ang di maalam mag volleyball!" Sagot ni lalake. Aba pinapainit ang ulo ko.
"Hoy kamagong! Wala akong pakealam kung captain ka! Tangnang to! Saka oo, may regla ako! Mainit ang ulo ko kasi puyat sa thesis at may regla pa! Bakit mo alam yun? Siguro meron ka din ngayon noh at nakikipagsabayan ka sa init ng ulo ko! At ako, hindi maalam mag volleyball? Spell A-s-a." Tumalikod na ako at akmang aalis nang,
"Sus. Arte."
Nag init ang dugo ko sa aking narinig. Kaya't dali dali kong pinulot ang bola ng volleyball na tumama sa ulo ko kanina at ini-spike ko ito sa pag mumuka niya.
"Araaaay!" Sigaw niya at hinawakan ang ilong niya na nag dudugo.
Lumapit naman ako sa kanya at, "Masakit ba?" Umoo naman siya. "E di buti nga sayo!" Sabay pingot ko sa tenga niya. "Ano hindi ba ako maalam? Epyu ka!" At niyapakan ko naman ang paa niya.
Nakarinig naman ako ng mga ooohs sa buong gym. Sa dami ng naandun ay alam kong kakalat agad ito lalo na't sikat ang nakabangga ko. But I' don't even care. *walks away then flips hair*
"Humanda ka saking chinita ka!" Sigaw niya bago pa man ako makalabas ng gym.
Humarap ako sa kanya at ngumiti ng nakakaloko, "I'm always prepared. Vicious. So bring it on little pussy, all or nothing." Pagkatapos non ay nag flying kiss pa ako sa kanya. Lalo namang nainis si demigod. Wahahahahaha sorry, Bully Kira strikes.
4 pm dumating ako sa dorm. Sobrang nakakapagod. Manic Monday it is. Nakita ko naman si Miks na nakapamewang at nakataas ang kilay. Sila Cha at Ej naman ay tahimik lang.
"Upo." Sabi sakin ni Miks. Umupo naman ako sa couch.
"Woah. Bakit may trial?"
"Shut up." Sabi ni Miks.
"Nay ano po bang kasalanan ko? Wag niyo po akong isusumbong kay tatay Jikko." Pagloloko ko at napatawa naman sina Ej at Cha. Napasabunot naman si Miks sa buhok niya.
"Kingina Kira! Sino na naman bang binully mo kanina sa school ha? Utang na loob graduating tayo dito tapos nambully ka pa! Whats worse e dumugo ang ilong! Kira naman! Sa amin ka ibinilin ni ditse Almira mo! Pero bakit naman kelangan mo pang mambully? Ano, kating kati ba? Bakit!?"
Shet. Nagulat ako. Ang bilis naman kumalat nun. Well sabagy, captain nga pala ng volleyball team yung hayop na kamagong na yun.
"E tinamaan niya ako ng bola sa ulo e! At sinabihang muka daw akong naka drugs! He humiliated me! Pinagkalat pa na may regla ako kahit totoo naman!" I answered back. Nakita ko namang nag pipigil ng tawa sina Cha at Ej. Kanina pa tong mga to ah. Paduguin ko din kaya ang ilong?
"So reason na yun para spikan mo siya ng bola sa muka!?"
"Oo-oo naman. Bakit hindi!?"
Napasabunot na ulit si Miks sa buhok niya, being the eldest, the pressure is on her, I mean, she's in charge.
"Alam mo bang sasampahan ka ng physical injury!?"
"Ano! Ang OA niya naman! Demandahan agad!? E di ako din! Tutal tinamaan din naman niya ako sa ulo ah!"
"Kiraaaaaaaa! Ugggh! Listen, okay. Nothing is impossible. He has connections. Lawyer ang ama ni Vienne---"
"Wait. Sino si Vienne?" Napairap naman si Miks sa tanong ko. What? I got no idea who the fucking hell is Vienne.
"Yung tinamaan mo. Si Vienne. Vienne Torres. Lawyer ang ama at justice secretary ang ina. So ano ha!? Hindi ka parin ba takot?" Miks answered.
Ah so siya si Vienne.
"Takot na. Siyempre, I want to graduate pa din e. Ilang months nalang oh."
"Good, kasi there's a condition para hindi yun matuloy." She added.
"Ano?"
"Mag sorry ka sa kanya bukas sa gym mismo. Ganoong oras. Para madaming makakita. Sincere apology, Kira. Do or die. For your graduation's sake."
What!?
"No way Miks! Hindi ko---"
"Then bid good bye to your toga and say hi to your prison bars." Miks answered me then she went upstairs. Cha and Ej approached me.
"Ano baks, pera o bayong?" Tanong sa akin ni Cha at nag apir naman sila ni Ej.
"Putangina ewan."
![](https://img.wattpad.com/cover/65540116-288-k203596.jpg)