Cha
Its almost midnight at alam kong tulog na ang girls.
Si Kira matutulog na nga lang swag pa. Si Ej naman, best in nganga. Tapos si Miks, pang America's next top model. Ngayong midnight ay may sudden realization ako: ang swerte ko sa mga kaibigan.
Bakit?
Kasi kahit alam na nila na nag tataksil sa akin si Errol ay mas pinili nilang wag akong saktan. Oo, alam ko. Narinig ko ang usapan nila. Hindi sa gusto nilang mag muka akong tanga. Para sa akin ay tama lang ang ginawa nila. Dahil hindi naman sila sigurado. Kahit ako. Tamang haka haka lang. Ayaw nilang masaktan ako ng dahil sa maling akala. How I pity and at the same time admire these girls. Ginagawa nila ang lahat wag lang akong masaktan. Gusto kasi nila, ako na mismo yung makakakita. And to be honest, yun din ang gusto ko. Wala ng chenes chenes, walk out na lang siguro. Alam kong masasaktan ako pero I know, they got me. They got my back. They always do naman.
Since hindi ako makatulog at idagdag pa ang nakakarinding hilik ng mga ito ay lumabas na lang ako. Mag papahangin na lang siguro.
Kakaunti na ang mga tao dito sa labas. Siguro andun yung karamihan sa may bar. May iilan ilan na naglalakad lakad sa tabing dagat gaya ko at may iba naman na pinapakiramdaman na lang yung paligid.
Nung mapagod ako ay naupo ako sa duyan na nandito sa coconut tree. Yep, the same spot where I witnessed Kira and Vienne's harutan earlier. Sanctuary ko na ata to e.
As I sit there, may couple sa di kalayuan. Actually sa susunod na coconut tree na may ilang dipa lang ang layo sa akin. Nakaupo din sila sa swing just like me. Tho I can't see their faces, halata naman sweet at mahal na mahal nila ang isa't isa.
"Mahal na mahal kita babe. After all this years ikaw pa rin. Ikaw lang talaga."
The guy spoke. Is it me or may kaboses siya? Tsk. I don't want to overthink since mali na nga tong ginagawa ko. Nakikinig ako sa sweet nothings ng love birds na ito.
"Ramdam ko naman babe e. Na ako padin. Kailan mo sasabihin sa kanya?"
"As soon as makabalik ako sa Manila."
Sagot naman ni kuya guy kay ate girl. Grabehan para akong nakikinig ng drama sa radyo. But is it really me or may kaboses talaga sila!? Ugh nag o-overthink ka na naman, Chania!
"I love you, Mags."
"I love you, Errol."
After hearing those, I was frozen for a moment. Bigla namang nag fireworks. It means 12 am na. Yun ang sabi sa akin nina Vienne e. Once the clock struck 12, may fireworks. Too bad my squad won't be able to see this. May bukas pa naman. But still, too good because they won't see me.... On my weakest point.
Patuloy lang ang fireworks. I faced the couple. Confirmed! Sila nga. I was right all along. Kaboses nila dahil sila mismo sina Errol at Mags. I don't know but something inside me had the guts to stand up infront of them..... Habang nag hahalikan sila.
"CHA!?" Sigaw ni Errol.
"Yes, the one and only Errol. Nakakaabala ba ako?" I asked them.
"Oo. Look Cha, wag ka ng mag balak gumawa ng scene dito!" Sigaw ni Mags. "Mag mumuka ka lang eksaheradang babae na humihingi ng awa at pagmamahal sa isang lalake. But sorry miss, akin lang si Errol. Akin!" Dagdag pa niya. "But dun ka naman magaling diba? Abangers ka e."
I slapped her. I slapped the bitch's face. She slapped me back. Too bad I forgot that Mags is a trashy one. Hindi to mag papatalo. Kapag bitch nga naman.
"Putangina mo Mags. Ahas ka. Wala akong balak gumawa ng eksena dito. I'm not like you, classy ako." Mahinahon kong dagdag. "You're nothig but a trashy bitch who can't fucking move on. And excuse me, sayo na si Errol. Like I give a god damn fuck about that stupid dickhead! Magsama kayo. Isa lang maiibigay ko sa magiging anak niyo. Awa. Nakakaawa siya kasi kayo yung magiging parents niya. Mga taklesa. And oh Errol, you don't need to go back to Manila to say those things to me. Binawasan ko na yung agony mo. Being the kind girl I am, I don't want to prolong someone's agony. Magsama kayo. Ciao."
I answered then I walked out. Huhuhu putangina ang galing ko! I remained composed and classy despite what happened! Lam mo yong iyak na iyak na ako! Pero walang lumabas kanina! Buti nakisama sila. Jusko. Salamat po! After all matatapos na ang agony naming lahat. Mag momove on na ako kahit ang sakit sakit.
As I walk towards our cottage ay tumigil na din ang fireworks.
"Cha wait!" Sigaw ni Errol at pinigilan niya ako gamit ang paghawak sa braso ko. Good thing again, its dark. Hindi niya makikita ang luha ko.
"Hmm yeah?" I answered na parang walang nangyare.
"I- i need to explain! Mahal kita pero mas mahal ko siy---"
"No need to talk shit Errol. I've seen enough. Do you think I care? Do you think I'm broken? Do you think I'm giving a flying fuck? Well think again. Nakita mo ba akong umiyak? No. Errol, you know me. I cry over the things that are special and that matters the most to me. Uulitin ko, nakita mo ba akong umiyak? Hindi. Ibig sabihin, you're not special. Seriously speaking, itinurn over pa nga kita sa rightful owner mo e. Like parang pet ka lang. Hahaha. Go, balikan mo na si Mags. Sa kati ng babaeng yon, baka pag balik mo may ibang kumakamot na don."
I answered then start to walk again. Huhuhu I fucking lied. Duuuh umiiyak na nga ako e! He's special! But sinaktan niya ako, so I definitely have to move on. I can and I will. I just need a break.