KIRA
Kompleto na ang barkadahan namin. Andito na sina Mervin, Cj, Pam, Joshua, Trisha, Oabi, Mags, si Jane at si..... Teka bakit wala pa yun? Akala ko ba ginawa ni Ej yung plano niya?
"ANONG GINAGAWA MO DITOOOOO!?" Sigaw ni Miks habang papababa siya ng hagdan. I think I know who this devil is. "SINONG NAG PAPUNTA AT NAG PAPASOK SAYO DITO HA? LABAS!"
"ABA TEKA MUNA MIKAELLA, HINDI IKAW ANG NAG MAMAY ARI NG DORM NA ITO! SAKA PINAPUNTA AKO NINA EJ AT KIRA DITO..." Ay tanginis. Binaggit pa kami. Dagger looks naman kaaagd samin si Miks.
"BAHALA KA!" Sigaw ni Miks kay Jikko at umupo na ito.
"Jikkkkkoooooo!" Sabay tayo at akmang yayakap si Ej kay Jikko ng bigla niyang hablutin ang daladala nitong Mojos at Pizza. "Salamat, Jikko."
Niyakap ko muna din si Jikko at pati narin ng iba naming kaibigan. Na miss kasi namin ito. Walang mag aakala na ang kawayang to pala e makakasali sa basketball leagues. Kaya ayon, medyo peymus.
MIKS
Naiiimbyerna ako. Sinasabi kona nga ba't yung dalawang bubwit ang may pakana nito! Well anyways, grace under pressure. Teka, anong pressure? Hindi ako pressured!! Si Jikko lang yan. Jikko Emmanuel Reyes lang yan.
"Ikaw Miks? Hindi mo man lang ba ako yayakapin?" Tanong sa akin ng mayabang na si Jikko.
"No thanks, Jikks. Baka mag ka germs ako." Sagot ko at inirapan ko nalang siya.
"Ang hard mo naman. Parang hindi tayo naging mag ka MU ah."
"Don't you dare say that again, Jikks! Pinag sisisihan ko!" I backfired then I just opened the TV.
"Enjoying?" Ej asked me.
"Tanginamoka leche." Sagot ko. Binelatan lang naman ako ni Ej. Eto na nga ba sinasabi ko sa revenge revenge na yan e.
"So hows your buhay buhay guys?" Jikko then started the conversation. Pinatay ko muna yung tv since interested ako makinig sa friends namin.
"Eto, kahit graduating na, hirap na hirap pa din ako sa course ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at nag dentistry ako." Sagot ni Mervin.
"Ako naman, ayon actress nako sa theater chuva sa school namin. If mabubigyan ng chance kukuhanin daw ako ng ABS CBN." sabi naman ni Cj.
"Talaga, Cj!? OMG! I-hi mo ako kay Paolo Avelino ha!" Dagdag naman ni Kira.
"Mags, Jane and I ayun tambak padin ang thesis. Pero pumunta talaga kami dito kasi miss na namin kayo."
Napansin ko naman na parang may hinahanap si Mags. Ah, I know who.
"Si.... Si.. Errol? Nasaan?" Tanong sa amin ni Mags. Nag katinginan naman kaming lahat. "Wala din si Cha. Magkasama ba sila?" She added. Halos matuyuan na kami ng laway at pakiramdam ko ay naninigas na kami isa isa. Mag ex kasi si Mags at Errol na ngayon naman ay ka date na ni Cha. Si Mags talaga ang nang iwan kay Errol. 6 years ago na ata yun and lahat kami naka move on na at masaya para kay Cha at Errol.
"Prrrt."
"Tangina sinong umutot!?" Tanong ni Ej. Namula naman si Pam. So siguro siya yung umutot. Pero okay na yung mabaho kesa world war diba.
"Teka lang guys ah. May tumatawag sa akin." Pag excuse ni Jikks.
"Iba talaga kapag famous, daming chiks. Jikks the chiks." Sabi naman ni Trisha at napatawa sila maliban sa akin. Pero bakit? 3 years ago na yun oh. Bakit ganito? Ang komplikado.