-Alena's PoV-
Pagkatapos nang pangyayaring iyon ay hinang-hina akong pumasok sa loob ng mansyon. Halos kalahating oras din akong naka-tayo sa labas------ doon tahimik lang akong naka-titig sa mamahaling motor nito na naka-parada sa labas.
Damn! I shouldn't feel this way! Please, heart, I don't wanna hurt Joyce.
Laglag ang mga balikat akong naglakad patungo sa kusina. Bigla kasi akong naka-dama nang uhaw. Pagka-pasok ko sa bukana ng kusina ay agad kong kinapa ang switch ng ilaw at pinindot ito, agad namang bumulaga sa akin ang malinis na anyo ng kusina. Napa-buntong hininga na lamang ako at naglakad patungo sa malaking ref. Binuksan ko ito at kinuha ang isang pitchel nang orange juice. Wala sa loob akong naglakad patungo sa island counter at doon inilagay ang orange juice na kinuha ko bago ako kumuha ng malinis na baso at doon isinalin ang orange juice na pagka-lamig-lamig. Hindi paman nauubos ang iniinom ko ng biglang may magsalita sa aking likuran.
"Ba't gising ka pa?" Sabi ng isang malamig na tinig na nagmumula sa aking likuran. Paglingon ko ay nakita ko itong naka-tayo sa tabi ng pinto ng kusina.
Hindi ko alam kong ano ang dapat kong i-react. Sobrang blanko ang isip ko ngayon. Punyeta! Parang umurong ang dila ko habang naka-titig dito. Shit! 'Di ko napigilan ang sarili kong pag-aralan ang anyo nito. Mmmmm, she never change a bet. She's still have this strong aura that only a Bullet Shayne James can do. Only her.
Narinig ko itong nag-tsk nang hindi ko nagawang sagutin ang tanong nito sa akin. Shit!
"Where's Joyce anyway?" She asked me instead while she started walking slowly towards me. Pigil ang paghinga akong nakatitig sa papalapit na si Bullet.
"She's out of the country. For a while." Thank God at nagawa ko itong sagutin. "She's busy handling some of our company branches."
Nagkibit balikat lang ito pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya.
"Okey." Baliwalang sabi nito sa akin at binalingan ang orange juice na nasa Island Counter.
"Want some?" Alok ko dito nang mapansin kong naka-titig ito sa basong ininuman ko. Ngumiti naman ang huli at tumango sa akin. Shit! Ang ganda parin talaga ng ngiti nito. Uggghhh!! Parang gusto kong ihampas ang ulo ko sa island counter dahil sa kabaliwang pumapasok sa isip ko.
Shit, Alena Monteverde! Don't you ever forget that you already have a girlfriend. So, please, just please. Stop flirting around!! Sita ko sa aking sarili.
Tumalikod ako dito at akmang hahakbang upang kunan ito nang bagong baso nang bigla niya akong pigilan. Lihim pa akong napasinghap nang para bang may kung anong kuryenteng dumaloy sa aking kamay na hawak-hawak nito. Shit! This is not good. This is not really really good. Parang napaso kong binawi ang kamay ko dito at ibinaling ang aking mga mata sa ibang direksyon.
"Ayos na sa akin kahit iyang baso nalang na ginamit ang gagamitin ko." Dinig kong sabi nito. Dahilan upang mapa-tingin ako dito. "Wala ka namang sakit, diba?"
Hindi ko na nagawang mak-pagsalita nang bigla nalang itong humakbang papalapit sa akin at ito na mismo ang nagsalin ng orange juice sa basong inoman ko. Habang naka-tayo ako sa harapan nito. Kung titingnan kami sa ay parang naka-yakap ito sa akin dahil nasa likuran ko ang island counter kung saan naka-lagay ang pichel ng orange juice at ng basong ginamit ko.
Bwesit! Heto nanaman ang bilis nang tibok ng puso ko. Ang tibok na sobrang pamilyar sa akin.
"Bullet, b-baka may makakita sa atin." Hirap na hirap sabi ko dito at bahagya itong itinulak. 'Di ko mapigilang mautal dahil sa amoy nang pabango nitong nanunuot sa aking ilong. Ang amoy na hinahanap-hanap ko noon, noong kami pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/59480849-288-k623862.jpg)