Chapter 48

3.3K 118 14
                                    

Dalawang linggo narin ang nakalipas mula noong tawagan ako ni Alena. Mula no’n ay hindi na iyon nasundan pa ng kahit isang tawag man lang mula dito. Aaminin ko sa loob ng dalawang linggo ay nakakaramdam ako ng lungkot. Halos buong araw rin akong nakatutok sa cellphone ko, umaasang tumawag ulit ito sa akin. Nagkaroon narin ako ng ideyang nasa labas ngayon ng bansa si Alena ayon narin sa numerong ginamit nito sa pagtawag sa akin. Hindi ko na nga mabilang kung maka-ilang ulit ko na sinubukan kontakin ang numerong iyon pero laging out of reach.

Pero kahit gano’n ay pinang hahawakan ko parin ang sinabi nito sa akin. Na oras na magtino ako ay ito na mismo ang kusang magpapakita sa akin. Damn! Sa tuwing naaalala ko ang sinabi niyang ‘yon ay nabubuhayan ako ng loob. Na hindi magtatagal ay magkikita ulit kami. And this time wala nang aalis. Wala nang mang-iiwan. Na magiging masaya na ulit kami. Kaya nga simula no’n never na ulit akong pumasok sa mga bar. Sinusunod ko na ang lahat ng payo sa akin ng doktor ko. I even drink my medicine on time na hindi ko talaga ginagawa noon. Minsan nga napaisip ako, buti’t buhay pa ako at humihinga ngayon. Sa tigas ba naman ng ulo ko lahat ng bawal ginagawa ko. On the other hand naisip ko rin na siguro hindi ko pa talaga oras. Na siguro gusto pa akong makita ni Lord na sumaya. Na maging masaya.

Kaya naman ngayon heto’t bumabawi ako. Susundin ko na ang lahat ng bilin sa akin na makakabuti sa kalagayan ko. Na gagawin ko ang lahat humaba lang ang buhay ko. Kasi alam ko na lahat tayo may karapatang sumaya. Na kahit pakiramdam ko isa na marahil ako sa pinakamalas na tao sa mundo dahil sa sakit na meron ako ngayon ay may karapatan parin akong sumaya.

Naalala ko pa dati, gabi-gabi kong iniiyakan ang sakit kong ‘to. Awang-awa na nga ako sa sarili ko. Madaming katanungan ang tumatakbo sa isip ko lalo na pag nag-iisa na lamang ako. Kung bakit ako pa? Bakit ‘di nalang sa iba? Pakiramdam ko life is so unfair to me. Very unfair. Lahat kasi ng nangyayari sa buhay ko ngayon ay konektado sa sakit na meron ako. Lahat ng maling desisyon ko noon ay nagawa ko dahil din dito.



Minsan nga nasasabi ko pa sa sarili ko, ano bang nagawa kong kasalanan? Mabait naman siguro ako. Hindi naman ako nang-iinsulto sa mga taong nakapaligid sa akin. Ang mali ko lang naman ay ipinanganak akong lesbiyana. Actually never kong naramdaman na mali ‘yon. Never din naman pinaramdam sa akin ng mga magulang ko na hindi tama iyon. Kasi gusto lang naman nilang masiguro na kahit anong landas ang piliin ko ang mahalaga masaya ako. Iyon lang. They never asked for more but for my happiness.

Pero hindi ko naman hawak ang isip ng ibang tao. Marami parin ang nagsasabing mali ito. Na hindi tama itong nararamdaman ko. And I respect that. Its their own opinion about me being a lesbian and it’s fine. No hard feelings about it.

Really? Okay, I admit minsan masakit. Masakit ang mahusgahan dahil lang sa kasariang meron tayong mga lesbiyana. Mmmm, masakit nga pero sa una lang naman ‘yon. Paglipas ng panahon makakasanayan mo rin dalhin yung sakit. Hanggang sa iyong sakit na ‘yon ang magpapatibay pa lalo sa puso natin at siyang magtutulak sa atin na we need to proved them wrong. Na hindi tayo salot. Ay basta, iyon na ‘yon. Iwan ko ha, pero lately medyo nagiging emotional ako. Lahat nalang ng bagay o mga pangyayari sa paligid ko ay talagang na aappreciate ko na ng bonggang-bongga.

Mahina akong napahagikhik at napa-iling habang nakaupo sa isahang upuan dito sa labas ng balkonahe sa mansyon namin na kung saan tanaw na tanaw ko sa aking harapan ang malawak na harden kung saan nakikita ko na ang unti-unting pamumukadkad ng mga pulang rosas na alagang-alaga ng aming mahal na hardenero na si Mang Carding. Pumikit ako habang dinadama ang presko at sariwang hangin na dumadampi sa aking balat. Pasalamat talaga ako at nasa mataas na bahagi ng village nakatayo ang mansyon na ‘to at napapalibutan pa ng mayayabong na mga puno ang paligid. Yeah baby, fresh air is everywhere.

At nang nakontento na ako sa paglanghap ng sariwang hangin dito ay tsaka palang ako nagdisesyon na pumasok na sa loob. Nang tuluyan na akong nakapasok ay agad naman nahagilap ng aking mga mata ang iba’t ibang klase ng alak na naka-display sa isang gilid dito sa second floor. Ramdam ko ang panunubig ng aking bibig. Sa loob ng dalawang linggo na hindi nakakatikim ng alak ay medyo nakaramdam ako ng pangungulila dito. Medyo lang, ha.

Bahagya kong inalog ang ulo ko upang pigilan ang sarili ko wag matuksong tumikim ng alak. Shit Bullet. Hold it! Ramdam ko ang pamamawis ng aking noo habang nakatitig sa mga bote ng alak na tela ba inaakit ako. Bwesit, ang hirap nito.

Kaya naman bago pa ako matuksong uminom ay mabilis akong tumungo sa isang silid at kumuha ng isang garbage bag bago muling bumalik kung saan nakalagay ang mga alak. Pagkarating ko do’n ay mabilis kong binuklat ang dala kong garbage bag at isa-isang inilagay sa loob ang mga bote ng alak na naroon. I need to get rid of you. Sabi ko pa sa isip ko habang patuloy ang paglalagay ko sa mga bote sa ilalim ng garbage bag. Nasa ganoong eksena ako nadatnan ni Dara.

“What the hell are you doing?” Halata ang gulat sa mukha nito habang nakatingin sa garbage bag at bumalings a kamay kong may hawak pang bote.

“Eliminating all the things that not good in my health.” Sagot ko naman bago nagpatuloy sa aking ginagawa.

“And you’re going junk that?” Tumango ako bilang sagot.

“Yup. For the sake of my health.” Baliwalang sagot ko pa dito ng hindi ito tinitingnan.

“Where are you going to junk that?”

“Garbage of course. Saan pa ba?” Narinig ko ang malutong na pagmumura nito.

“Crap, Shayne. Those liquors that you’re going to throw are expensive!” Sabi pa nito pero hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy parin sa paglalagay ng mga bote sa hawak kong garbage bag. Hanggang sa nagawi na ako sa alak na alam kong paboritong-paborito ni Dara. Akmang kukunin ko na iyon ng may pumigil sa kamay ko. “Okay, if ayaw mo na sa mga yan, wag mo na itapon, akin nalang. Sayang e.” Sabi nito sabay agaw sa garbage bag na hawak ko at bahagya akong hinila papalayo.

“Ang kuripot mo.” Sita ko pa dito.

“Aba, sayang naman ang mga ‘to kung itatapon mo lang.” Sagot pa nito sa akin. Akmang magsasalita pa ako nang pagtingin ko dito ay bigla nalang nagdilim ang paningin ko. I cussed instantly at napahawak sa upuang malapit sa akin upang hindi ako matumba.

“Shayne? Are you okay?” Dinig ko pang nag-aalalang tanong sa akin ni Dara.

Mabilis naman ang ginawa kong pagsagot ng “Oo.” Kahit na sa totoo ay nahihilo talaga ako at sobrang dilim ng paningin ko. Shit! Ano ba ‘tong nagyayari sa akin? Damang-dama ko pa ang bilis ng tibok ng puso ko.

“Sigurado ka? E, ba’t ang putla-putla mo?”

Hindi ko na nagawang sumagot nang tumayo ako ng tuwid ay bigla nalang naghina ang mga tuhod ko at bumigay. Akala ko talaga sasalampak na ako sa tiled floor nang maramdaman ko ang pagpulupot ng isang braso sa katawan ko upang hindi ako tuluyang matumba. And then the last thing I remembered is when I heard Dara cussing loudly as she asked some help from someone. After that everything went black.

Alena's Painful Revenge (gxg) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon