Chapter 57

2.9K 101 12
                                    

-Alena’s PoV-

Tatlong buwan. Tatlong buwan na ang nakakalipas magmula noong na discharged si Bullet mula sa pagkaka-confine nito sa ospital. Though wala na nga ito doon ay patuloy parin ang medication nito kay Dra. Robles. Dalawang beses sa loob ng isang buwan kung puntahan ito ni doktora para sa check ups nito dahil nga tamad pa sa lahat ng tamad si Bullet na pumunta ng ospital. Nakakaumay na nga daw kasi. Tsk.

“Princess..” napatigil ako sa paghihiwa ng gulay na lulutuin ko nang marinig ko ang pagtawag ni Bullet mula sa aking likuran. ‘Di nagtagal ay naramdaman ko na ang presensya nito sa aking likod. Napangiti pa ako nang ipulupot nito ang kanyang mga braso sa aking baywang at isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg.

“Nagugutom kana ba?” tanong ko agad dito nang maramdaman ko na ang paghalik-halik nito sa leeg ko. I mentally smiled. Just really like the old times, knight.

Naramdaman ko ang pag-iling nito sa akin bago ako hinila paharap sa kanya. Nang tuluyan na kaming magkaharap ay agad naman nitong sinakop ang aking labi at masuyo akong hinalikan. “I love you..” she sweetly said before kissing the tip of my nose.

At dahil nga ‘di hamak na mas matangkad sa akin si Bullet ay kaylangan ko pang tumingala para makasalubong ko ang kulay berde nitong mga mata. And right there I see in her eyes sadness. Ngumingiti nga ito sa akin ng matamis pero iba naman ang pinapahiwatig ng kanyang mga mata. Alam kong may gumagambala ito pero hindi nito masabi-sabi sa akin. Sa tuwing tinatanong ko naman ito ay mabilis itong umiiwas at iniiba ang usapan.

“Eyes can’t really lie..” wala sa sariling sambit ko.

“What?” kunot nuong tanong naman nito sa akin. Marahan naman akong umiling at ngumiti rito.

“Nothing.” I said while smiling at her. Pagkatapos ay hinawi ko ang iilang hibla ng kanyang buhok na nakatabon sa maganda nitong mukha at inipit iyon sa likod ng kanyang tenga. “Nagugutom kana ba, knight?” tanong ko naman nito.

Malapad ang ngiting umiling ito sa akin. Pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit. Nagtataka man ay yumakap din ako pabalik sa kanya. “Mahal kita, Alena. Lagi mong tatandaan yan, ha?” she whispered in my ear.

Heto nanaman. Nararamdaman ko nanaman yung pakiramdam na parang pinipiga yung puso ko. Bahagya ko siyang tinulak papalayo sa akin at tiningnan siya ng masinsin sa kanyang mga mata.

“Bullet, ano ba talagang problema?” pagsusumamong tanong ko dito. Hindi ko na kayang magbulag-bulagan pa. “Please, sabihin mo sa akin. Baka makatulong ako. Ano? May problema ba sa University? O sa kompanya?” I hold her hands tightly. “Tell me, knight.”

Pero tulad ng inaasahan ay umiling lang ito sa akin bilang sagot. “Wala naman, princess.” Liar..

She caress my cheek. “Just stop over thinking to much, princess. Everything is fine. Okay?” hindi man ako kumbensido ay tumango nalamang ako sa kanya. Ayaw ko siyang pilitin baka magdulot lang ito ng stress kay Bullet. Isa pa naman sa mga bawal dito ay ang ma-stress.

Napa buntonghininga na lamang ako at kiming ngumiti muli bago tumingkayad at hinalikan ito sa pisnge. “I love you too, knight.” sabi ko na lamang. “Tapusin ko muna ‘to para makapag pananghalian na tayo.” tukoy ko sa naudlot kong paghihiwa ng mga gulay para gawing pakbet.

Agad naman itong tumalima. “Sige, sige, umm, do’n nalang muna ako sa kwarto natin ha? Babasahin ko nalang muna yung enemail ni Dara sa’kin.” pagpapaalam nito sa akin na agad ko namang sinang-ayunan.

Hinalikan niya pa akong muli sa noo bago ito naglakad papalayo sa akin. Hindi pa man ito tuluyang nakakalapit sa pinto ay tinawag ko ang kanyang pangalan.

“Bullet..” agad naman itong huminto at lumingon sa akin.

“Yes, princess?”

“Always remember I will always be here in case you needed someone to talk to.” I said while biting my lower lip.

Tinitigan niya lang ako bago kiming ngumiti sa akin at tumango. “I’ll surely will.” sagot nito sa akin bago tuluyang lumabas ng kusina at iniwan akong puno ng katanungan sa aking isipan.

--

“Eh baka naman kasi wala talaga siyang problema, Ale. Masyado kalang talaga nag-iisip ng kung anu-ano kaya ka napa-paranoid e.” ani ni Dara sa akin bago tinungga ang alak sa baso nito. Pero hindi e. My instinct says the other way around.

Kasalukuyan kaming nasa mini bar sa loob ng opisina ni Dara sa airline na pagmamay-ari nito mismo. Dito ko sinabi ang lahat ng mga napapansin ko kay Bullet sa loob ng tatlong buwan naming pagsasama. Yup, you read it right, tatlong buwan na kaming nagsasama ni Bullet sa iisang bahay. At sa loob ng tatlong buwan na iyon ay ramdam ko at pansin ko ang mga pagbabago.

Napatingin ako dito nang tapikin niya ako sa balikat. “Stop worrying to much, please. Okay kung hindi ka talaga mapanatag then prangkahin mo siya.”

“I tried. But she kept on denying it.” problemado kong sabi. Natahimik ito sa sinabi ko. “Lyn, wala ba talagang nasasabi na kung ano si Bullet sa’yo?” pangungulit kong muli dito.

Umiling-iling ito. “I’m sorry pero wala talaga, e.”

“Hindi ko na alam ang gagawin ko, Lyn. She’s so near yet too far. At hindi ako mapapakali hangga’t hindi ko nalalaman ang problema niya.” problemadong sabi ko kay Dara na nakatingin lang sa akin. Halatang nag-iisip ito ng malalim.

Nang wala talaga itong maisip ay nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga bago tumayo sa katabi kong upuan na inuupuan nito. Pagkatapos ay umikot ito sa mesa kung nasan ang executive chair nito at palasalampak na umupo. Binuksan nito ang drawer ng magulo nitong mesa at inilabas ang cellphone nito. And then she started dialing.

Kunot noo akong tumitig dito. “Ano’ng gagawin mo?” tanong ko dito.

Tumingin ito sa akin bago inilapat ang cellphone nito sa tenga. “Tatawagan ko nalang si Bullet at ng maitanong ko siya ng diretsahan para naman huminahon na yang kaluluwa mo.” I just frown because of what Lyn said at tahimik na naghintay sa resulta ng gagawin nito.

Ilang sandali pa ay na-kontak din agad nito si Bullet.

“Hoy bruhang sakitin. Ako nga diretsuhin mo. May problema ka ba?” walang paligoy-ligoy na bungad agad ni Dara dito. Medyo napangiti pa ako sa ginawa nito.

“Ano?” tumingin sa akin si Lyn habang nakikinig kay Bullet sa. “Sigurado ka ba?” based on what I am hearing ay halata nang itinanggi na nga nang huli ang tanong ni Lyn dito. “Wala naman. Baka lang nga kasi ano, may problema ka. Alam mo na.” sagot uli ni Lyn sa kabilang linya. ‘Di naglaon ay nagpaalam narin si Lyn dito.

“O, paano ba ‘yan? Wala naman daw problema, Ale.” sabi nito sa akin at pabagsak na binitawan ang cellphone nito sa ibabaw ng mesa.

Malungkot akong ngumiti dito at umiling. “Hindi ko na alam, Lyn.”

Alena's Painful Revenge (gxg) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon