I dunno what to say. I feel like I was the only one who didn’t know about something in Bullet. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip kung ano ba talaga ang tinutukoy ni Lyn. But one thing is for sure, konektado ito kung bakit kami humantong sa ganito ni Bullet. Isa sa rason kung bakit mas lalo akong naiintriga sa bagay na ‘yon.
Magulo at puno ng mga katanongan ang isip ko ng mapagdesisyonan ko nang pumasok sa loob ng kubo. Sobrang bigat ng pakiramdam ko na ‘di ko mawari, pakiramdam ko unti-unti nang mabibigyan ng kasagutan ang lahat ng mga katanongan sa aking isipan na mahigit anim na taon kong dala-dala. Tahimik akong naglakad at pumanhik sa tatlong baitang sa kubo nila Bullet. Nabigla naman ako’t kinabahan ng pagpasok ko ay agad kong nakita si Bullet na naka-upo na sa hapag-kainan. Halatang may hinihintay ito dahil hindi pa nito ginagalaw ang pagkain sa plato nito, habang sila Lyn at iyong babaeng kasama nito na napagkaalaman kong doktor ay tahimik na nagsimulang kumakain.
Gusto kong maiyak habang nakatingin sa naka-yukong si Bullet. Damn, she looks so weak. I swear, she really is. Namumutla ang kanyang mga labi, walang kabuhay-buhay ang kanyang mukha. Taliwas sa Bullet na kilala ko. I hold my tears. I know she’ll be lonely too if she’ll see me crying. God, I wanna hug her right now but I don’t want to make a drama while Lyn is here. Baka iba ang isipin nito, knowing that she’s mad at me.
Ilang sandali pa ay nag-angat ng tingin si Bullet, sakto pang sa gawi ko ito tumingin dahilan upang magkasalubong ang aming mga mata. Dahan-dahang sumilay ang isang matamlay na ngiti sa kanyang mga labi habang nakatitig sa’kin.
“You’re here. Come let’s eat together.” She lowly said to me with a weak smile. Nakita kong natigilan ang dalawang kasama nito sa hapag at napatingin sa akin. Ngumiti naman yung babaeng doktor habang si Lyn ay walang pakialam na bumalik sa pagkain. I smiled back and nod. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa mga ito at umupo sa katapat na upuan ni Bullet. I try my best to hide my emotions and lighten up my mood in front of her.
“Ba’t ‘di ka pa kumakain? Tsk, kaw talaga, you need to eat na to gain again your energy.” Pinasigla ang boses kong sabi dito habang nagsasandok ng kanin at inilagay sa plato ko. Tumingin naman ako dito at ngumiti.
“Nah, I just want to eat my meal with you. The food will be more delicious when you’re around. I enjoy it more.” Sabi naman nito sa akin bago nagsimulang sumubo ng pagkain. Natigilan ako. Paano nalang kaya kung bumalik na ulit kami sa orihenal naming mga buhay? I snapped out when Bullet called my attention. “Are you okay?” Puno ng pag-aalalang tanong nito sa akin. Damn it, Bullet, ako dapat ang magtanong niyan sa’yo. Okay ka lang ba? Anong dahilan ng mga nagyari sa’yo kanina? But instead to ask those question to her I just smiled and nod again.
“Yeah, may biglang naisip lang ako. Pero hindi naman importante naman siya ganoon ka importante.” Sagot ko naman dito at nagsimula naring sumubo ng pagkain. Marahan naman itong tumango at ibinalik na ang atensyon sa pagkain. Hagga’t maaari ayaw kong tumingin sa mga mata nito. Knowing Bullet, she knows me very well that she might read my actions.
After dinner ay nais pa sanang makipag-usap sa’kin ni Bullet na gusto ko rin, kating-kati na kasi akong itanong dito ang lahat. Pakiramdam ko ‘di ko na kayang pataposin ang gabing ito na hindi nalalaman ang lahat. I am so eager to know the truth that I’ve been seeking for how many years. But sadly hindi pumayag si Doktora Jane na napagkaalam kong personal doctor ng pamilya James. She said Bullet needs to rest, and I agreed on that. Labag man sa kalooban ni Bullet ay wala itong nagawa kundi sundin ang sinabi ng doktor nito’t pumasok nalamang sa loob ng kanyang silid upang makapag-pahinga. She just says her goodnight to us and kissed me on my lips. Wala rin akong magawa kundi ang tingnan nalamang itong pumasok sa silid. Nang mawala na ito sa paningin ko ay mabilis namang tumayo si Lyn na naka-upo sa katapat kong upuan at lumabas ng kubo. Hindi naman ako nag-atubiling sundan ito.
“Lyn..” Tawag ko dito habang sinusundan itong naglakad patungo sa likod bahay kung saan meroong duyan. Tumigil naman ito’t tumingin sa akin.
“What?” Magkasalubong ang mga kilay na tanong nito sa’kin. “Ba’t ba sunod ka ng sunod sa’kin!? Pwede bang pumasok nalang sa loob at magpahinga nalang din. Gusto kong mapag-isa ngayon.” Dagdag pa nito bago tumalikod sa’kin at muling naglakad.
“Lyn, I want some answers. At alam kong ikaw lang ang makakabigay sa’kin nun.” Habol ko naman dito.
“Answers. You want some of answers..” Tumango ako. Lumingon ito sa’kin at nag smirk. “don't you think it to late for you to have those answers? And besides, sino ka ba sa buhay ng kaibigan ko para ibigay sa’yo ang mga sagot na nais mo? Isa kalang namang babae sa nakaraan niya na walang ibang nais gawin kundi ang makapag-higante at saktan siya. Pagsinabi ko ba sa’yo mababago ang lahat? Hindi, Alena. Walang magbabago.”
“But I still think I deserved to know. Bullet was special to me and----”
“Was. Past tense. Tapos na at dapat ng kalimutan.” She cut me off. “Okay, let me ask you first, after this sasabihin ko na sa’yo ang alam ko KUNG magugustohan ko ang isasagot mo. Kaya mo ba?” She challenge me. Nanginginig ang mga kamay ko habang naka-tingin ako dito. Kinakabahan ako, alam kong hindi basta-basta ang itatanong nito sa’kin. Kaya ko bang sagutin ang itatanong nito? But I want my answers and this is only the way to get them. Kaya kinakabahan man ay buong tapang akong tumingin sa mga mata nito at sumagot ng...
“Oo. Magtanong kana.” Napansin kong naging malikot ang mga mata ni Lyn na waring may tinitingnan sa aking likuran.
“Okay.” She finally said as she settled her eyes on me. “Isang tanong lang, Ale, and I’m warning you. Answer me honestly dahil malalaman ko rin naman kung nagsisinungaling ka o hindi.” Muli ay tumango ako. She clear her throat. “Kaya mo bang iwan Joyce para kay Bullet?” Parang bombang sumabog sa tenga ko ang tanong na iyon ni Lyn sa’kin. Parang nakalimutan ko kung paano huminga ng maayos dahil dun. Shit, Joyce is involve here! My hands form into fist. “Answer me, Alena. Just yes or no to make it more simpler for you.”
Joyce. Joyce. The woman who make me whole again. The woman who stands by my side all through out the years when I felt so alone. The woman who love me wholeheartedly when I was lost. And I think it would be unfair if I answer.....
“No, I can’t. I love her so much.” I answered as I look down.
“Head up, Alena and says it right into my face.” Lyn demanded. And I obliged. I look at her eyes and say it again.
“No, I can’t. I love her so much.” I bravely said. Lyn just smirked and landed her sight at my back.
“What can you say about her answer? Pasado ba?” Tanong nito sa likuran ko. Bigla akong inatake ng kaba at dahan-dahang lumingon sa aking likuran. And when I finally look back mabilis akong namutla habang nakatingin sa babaeng naka-upo sa sahig habang nakatakip sa bibig nito ang mga palad upang pigilan ang kanyang paghikbi. Nakapikit ito habang walang tigil ang pagdaloy ng kanyang mga luha sa kanyang mga mata.
“Bullet...”