Chapter 37

3.6K 151 30
                                    

Nanlalamig ang katawan ko habang nakatingin sa tahimik na umiiyak na si Bullet. Gusto ko siyang lapitan pero natatakot ako, natatakot ako na baka pag-ginawa ko ‘yon ay mas lalo ko lang siyang masasaktan. Alam kong nasasaktan siya dahil sa sobrang pagmamahal sa akin. Pagmamahal na kaya ko namang suklian pero duwag akong ipakita. Naiipit ako sa isang sitwasyong hindi ko alam kung papaano panghahawakan. Takot ako. Natatakot ako. Lahat kami nasasaktan na ng dahil sa’kin. Nang dahil sa pagiging makasarili ko. Wala akong magawa kundi ang ikuyom nalang ang aking mga palad at yumuko. Ayaw ko siyang nakikitang ganito. Ayaw ko.

“Hanggang kelan ka ba iiyak? Hanggang kelan ka ba magpapaka-tanga sa kanya Shayne?” Lyn said behind. I can even heard her sobbing. I know its hard for her too seeing her friend, her best friend in her weakest point. “Pakiusap tama na. Sobra kanang nasasaktan.” Pagsusumamo nito kay Bullet pero umiling lang ito. Bullet..

“Hangga’t kaya ko, Dara.” Sagot naman ni Bullet. Huminga ito ng malalim bago dahan-dahang tumayo at tumingin sa akin. She slowly walked towards me with her sad smile painted on her lips. Huminto ito isang hakbang lang mula sa kinatatayuan ko. Pagkatapos ay naramdaman ko ang paghawak nito sa chin ko’t dahan-dahan nitong inangat upang magkasalubong ang mga mata naming dalawa. Kasabay nun ay pagpatak ng mga luha ko.

“Shhh, don’t cry. Please.” She said while she’s wiping my tears away using her thumbs. Mas lalong lumakas ang pagtulo ng mga luha ko nang ipinag-dikit niya ang mga noo namin at buong pagmamahal akong hinalikan sa pisnge. “Kaya ko pa naman eh. Kaya ko pa.” Sabi pa nito sa akin bago humiwalay. She hold my hands tightly with hers and smiled. Tumingin ito sa aking likuran kung nasan nakatayo parin si Lyn. “I’m sorry..” She sadly said to her before she turned her back to us and walked away pabalik sa loob ng kubo.

Nang makapasok na ito ng tuloyan sa loob ay naramdaman ko naman ang paglapit sa akin ni Lyn mula sa likuran at bumulong.

“Ang swerte mo, Ale, ang swerte mo’t may isang taong kayang masaktan para sa’yo.” Bulong nito sa’kin mula sa likod. “Ang tanga mo lang at nagbubulagbulagan kang makita iyon.” She tsk. “Sana hindi ka magsisi. Dahil oras na magising ka sa katotohanan sinasabi ko sa’yo ngayon Alena, mas doble pa ang sakit na mararanasan mo kesa sa kanya.” Huling sabi nito bago siya tahimik na naglakad pabalik ng kubo.
Ilang oras din ang inilagi ko sa labas, dalawa o tatlong oras siguro. Nakaupo lang ako sa duyan at tahimik na nagmumuni-muni. Mas dumami pa ata ang mga katanungan sa isip ko na gusto kong mabigyan ng kasagutan. Bawat salita nila ay may laman. Iwan ko, hindi ko na alam kung saan ako magsisimula. Nakakapagod na. Gusto ko nang matapos ‘to. Ayaw ko na.

Nang maramdaman ko nang hindi ko na kaya ang lamig sa labas ay tsaka ko palang naisipang pumasok sa loob. Muli ay kinabahan na naman ako. Iisang silid nga lang pala ay gagamitin namin ni Bullet. Nang nasa harap na ako ng pinto silid, I let out a heavy sigh para naman kahit papano ay maibsan ang kabang nararamdaman ko. Pagkatapos nun ay dahan-dahan kong pinihit ang seradura’t maingat na tinulak ang pinto. Hindi muna ako pumasok sa loob. Instead, sinilip ko muna ito kung natutulog na ba ito. Pero ganun nalang ang gulat ko ng makita ko itong naka-upo sa isang upuang nasa gilid. Wala itong imik habang nakatingin sa gawi ko. Damn! I thought she’s asleep already. ‘Di ko na tuloy alam kung tutuloy pa ba ako sa loob o aatras nalang. Bago pa man ako makahakbang pabalik ay nagsalita ito.

“Pasok ka.” Parang pagod na pagod ang boses nito. Bahagya pa akong natigilan at tumitig sa kanya. Madilim sa loob dahil nakapatay na ang ilaw, pero dahil nakabukas naman ang bintana ay malayang nakakapasok ang ilaw na nagmumula sa buwan dahilan upang maaninag ko ng maayos ang magandang mukha nito.

Nagdadalawang isip man ay humakbang ako hanggang sa tuloyan na akong nakapasok sa loob. “Come, umupo ka dito.” Sabi pa nito sa akin habang itinuturo ang kama. Tumango naman ako’t sumunod. Nang makaupo na ako ay utomatikong yumuko ako. Hindi ko kasi kayang titigan ang malungkot na mga mata nito. Pakiramdam ko pinupunit ang puso ko tuwing nakikita ko ang napaka-gandang mga mata nito na nababalotan ng lungkot.

Ilang minuto ring walang nagsalita sa aming dalawa, wari ba’y nagpapakiramdaman pa kaming dalawa sa isa’t isa, hanggang sa lumuhod ito harapan ko’t masuyong hinawakan mukha ko. “Look at me, Alena. Please look at me.” Pagsusumamong sabi nito sa akin pero umiling ako. Ayaw ko, ayaw ko nang makita itong nasasaktan. “Pakiusap mahal ko.” Sobrang hinang bulong nito sa hangin. Ayan nanaman, heto nanaman yung sakit. Yung sakit na anim na taon ko nang dinadala. Pumikit ako ng mariin bago ako nag-angat ng tingin at sinalubong ang mga mata nito. Agad ko namang kinagat ang ibabang labi ko upang pigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Pero hindi ee, hindi ko parin napigilan. Tumulo parin sila’t trinaydor ako. hindi naman nagsalita si Bullet. Tahimik lang siyang nakatitig sa mga luha ko.
Ilang sandali pa’y hinila niya ako’t niyakap. I hide my face on her neck, dun ako umiyak ng umiyak. Mas lalo pa akong napahagolhol ng mas hinigpitan niya ang pagyakap sa akin.

“Bakit ganito Bullet? Bakit ang sakit sakit magmahal ng totoo? Bakit?” Tanong ko sa kanya habang umiiyak parin. Wala akong nakuhang sagot dito, sa halip ay isang masuyong halik sa leeg ang natanggap ko mula sa kanya. Just like the old times. How I wish I can bring back the old times. The old us. Yung walang sakit, yung purong pagmamahal lang.

Dahan-dahan niya akong inihiwalay mula sa pagkakayakap sa kanya’t hinawi ang mga luha ko sa pisnge. I’m a bet glad that she didn’t cry this time. O baka naman wala na siyang maiiyak? I don’t know.

“Let’s have a deal. You want answers, right?” Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. “I’ll give it to you, lahat-lahat sasabihin ko sa isang kondisyon.” Hindi ako nagsalita at hinintay ang sasabihin pa nito. “Hayaan mo akong ipakita’t iparamdam sa’yo kung gaano kita kamahal. Hayaan mo akong maging masaya ulit kahit hanggang bukas lang. Pangako bago matapos ang gabi bukas ay makukuha muna ang mga sagot na gusto mo, basta iparamdam mo ulit sa’kin ang pagmamahal mo na anim na taon kong hinahanap-hanap and after that I promise everything will be okay. Isang araw, Alena, isang araw lang ang hinihingi ko sa’yo.” Kinuha niya ang isang kamay ko and place it on top of her left chest. I can totally feel her heartbeats. “Make this heart alive again. Fill this heart happiness. Make this heart learn to love again in just a single. That’s all I asked for you. Hayaan mo akong maging masaya kahit sa huling pagkakataon. Hayaan mong may ngiti sa mga labi ko bago kita bitawan.”

Alena's Painful Revenge (gxg) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon