Heto na guys! Maraming salamat sa mga naghintay. I will do my best na maupdate ang kwentong ito at least once a week para umusad naman tayo J Enjoy!
Hindi ko alam kung dapat ko bang ikabahala o isawalang bahala lang ang ideyang hindi man lang ako nakaramdam ng kahit anong takot nang marinig ko ang huling binigkas nito patungkol sa istado ng kalusugan ko ngayon. Sabihin man nito o hindi alam kong wala maayos na kondisyon ang kalusugan ko.
Of course I will surely know it. It's my own body we are talking about here. Alam ko kung kaylan ito humihina at kaylan ito lumalakas. And based on my observation, lately sunod-sunod na ang nararamdaman ko paninikip sa dibdib.
Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago ko muling tinitigan sa mata ang seryosong-seryo kong doktor.
.
"You don't need to say it. Alam ko kung hanggang saan lang aabot ang katawan ko, Doc." Pabirong sabi ko dito na ikinasimangot nito.
"Crazy." Umiiling na sambit nito sa akin. "Don't forget your princess is routing for you, fucker."
Now she's using my Princess over me. I know that they knew that my princess is really a game changer and sometimes no let me correct it all the time every time they use her name over me nagsisimula narin akong nakakarandam ng takot hindi para sa kondisyon ko kundi para sa prinsesa ko kung sakali.
Hindi ko napigilang pumikit ng maramdaman ko ang kakaibang sakit na bumalot sa buong pagkatao ko when suddenly the crying face of my princess came into my mind. Bumigat ang aking paghinga. No. No. I can't leave her.
"I want to live. I want to live." Hindi ko na namalayang makailang ulit ko na palang naibibigkas ang mga katagang yun hanggang sa maramdaman ko nalang ang paghawak ng kamay ni Robles sa mga kamay dahilan upang mapamulat ako mula sa pagkakapikit.
"I wanted to live." This time I said it again looking straight into her eyes with full of determination into my words. "Help me." I hopelessly said to her.
Tipid itong ngumiti sa akin at marahang tumango. "We will do everything. For now be a good patient and do all the things that I wanted you to do and avoid all the things that I wanted you to avoid. Clear?"
Hindi na ako nagsalita pa at tumango nalang bilang pag sang-ayon.
Hindi narin ako nagtagal pa clinic ni Robles and now here I am all alone in my car. Dahil wala naman akong kongkretong plano for this day ay hindi ko na alam kung ano na ang susunod kong gagawin ngayon. Kung uuwi naman ako agad sa apartment kung saan kami tumutuloy ni Alena ay tiyak mababagot lang ako since mag-isa lang ako doon dahil wala si Alena. Hindi ko rin mahagilap si Dara sa ngayon dahil abala raw ito ngayon sa pagbisita sa mga negosyo ng pamilya nito sa ibang bansa.
Tsk. I'm literally all alone for now. Where to go, Bullet Shayne?
I was about to move my car when my phone beep. And when I grabbed my phone to check who texted me hindi ko napigilang ngumiti nang mabasa ko kung saan galing ang text.
From: Alena James <3
Hey my beautiful knight. Magsisimula na ang mini program dito. I need to pay attention muna dito okay? I'll text or maybe call you later. Take care for me, please? I love you and I miss you so much. I wish you were here. See you the soonest L
"I wished you were here too, princess." Mahinang bulong ko habang nagtitipa ng sagot dito.
To: Alena James <3
Enjoy princess. I miss you and I love you so much too. Looking forward to be with you again. I love you forever.
Pagkasend ko ng replay ko kay Alena ay agad kong itinabi ang cell phone ko at agad na pinausad ang sasakyan ko papunta sa kung saan. Bahala na.