Chapter 44

3.2K 143 20
                                    

Mabilis kong hinawi ang ilang butil ng luha na malayang dumadaloy sa aking pisnge gamit ang aking mga kamay. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga just to relax myself. Tonight is the night where our deal gonna end. Imbes na magmukmok dito sa loob at umiyak then I better go out there with her and make the most out of it. We still have time. The night didn’t end yet that only means that our deal is still on.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis akong pumasok sa loob ng silid na inuukupahan namin dalawa upang kumuha ng jacket na maipanlalaban nito sa lamig. I knew very well how the weather here in my province is different in the city. At this time ay alam ko na na sobrang lamig sa labas. Pagkatapos kong makakuha ng isang jacket ko na alam kong magkakasya sa kanya ay mabilis akong lumabas ng silid at dumiretso papalabas ng kubo. And as I totally stepped out the cold wind instantly welcomed me. At dahil sanay na sanay na ako sa ganitong klima ay hindi ako nakaramdam ng kahit anong lamig sa katawan.

Hindi muna ako kumilos at nakiramdam saglit sa aking paligid. Maliban sa mga huni na nagmumula sa insekto at ang maya’t mayang paggalaw ng mga sanga ng mga puno ay wala na akong iba pang narinig sa aking paligid. Alas syete pa lamang ng gabi ngayon ngunit wala na akong nakikita ni isang tao na naglalakad sa paligid. Malayong-malayo sa lugar na nakasanayan kong makita sa syudad. Dito sa probensya ay maagang nagtatapos ang araw ng mga tao. Hindi tulad sa maynila na sa ganitong oras ay marami kapang magagawa. Bar hopping, window shopping, clubbing, and any other establishment na pang gabi. Those sinful places are the places na wala dito.

Muling umihip ang isang malakas na simoy ng hangin na siya namang nagpatapos sa akin mula sa pagmamasid sa paligid. Mabilis na kumilos ang aking mga mata at agad na hinanap ang nag-iisang tao na inalayan ko ng aking puso. Nang hindi ko siya mahagilap ay dahan-dahan na akong nagsimulang maglakad habang ang mga mata ko ay patuloy parin sa pagmamasid sa paligid. Hanggang sa tuluyan na akong dinala ang aking mga paa sa likurang bahagi ng kubo. Mula dito ay natatanaw ko na ito. Hindi ako agad na lumapit sa kanya at maingat na nagtago sa isang puno na ‘di kalayuan sa pwesto nito. Nais ko kasi muna itong pagmasdan mula sa malayo kahit papano. I miss doing this. Watching her from a far. Habang tahimik ko itong pinagmamasdan ay may isang mabining ngiti ang sumilay sa aking mga labi. Watching her from here gives me a chance to see her beauty. Not until I saw her face nang bigla itong nag-angat ng ulo nito mula sa pagkakayuko. Mabilis napawi ang aking ngiti nang makita ko ang sunod-sunod na pag-agos ng mga luha nito sa kanya pisnge. Ilang sandali pa ay narinig ko narin ang mumunti nitong mga hikbi na halatang kanina pa nito pinipigilan.

God, what happened? Wala sa sarili kong nabitawan ang jacket na hawak ko at hindi na ako nag-atubili at nagdalawang isip na lumapit na ng tuluyan dito. She didn’t even recognize my presence when I totally standing right in front of her. Parang may tumutusok-tusok na mga karayom sa aking dibdib nang malapitan ko ng nakita ang kanyang mga luha. God. How I hate this scenario.

Nanginginig ang mga kamay kong hinawi ang mga luha nito sa kanyang mga pisnge. Halata ang pagkagulat sa mukha nito dahil dun. I can totally feel her body trembled.

“Why are you crying?” I asked her in a low voice. Habang ang mga daliri ko naman ay abala sa paghawi sa mga luha nitong walang humpay parin sa pag-agos mula sa kanyang mga mata.

Umiling ito at habang patuloy parin ang pag-iyak. Pagkatapos nun ay mabilis niya akong niyakap ng mahigpit. “I’m sorry. I’m so sorry, Bullet.” Her voice was shaking while saying it. “I’m so sorry.” She said that over and over again and cried in my shoulder. Ramdam na ramdam ko sa bawat hikbi nito ang bigat na kanyang dinadala. I know how deep the damage is already made to the both of us. Too bad at wala akong magawa upang pawiin ang pinsalang iyon na ako mismo ang gumawa.

I wrapped my arms around her body and hug her so tight. Paulit-ulit ko ring hinahalikan ang kanyang bohok and whispered lightly to her ear the words ‘it’s not your fault’ pero tuwing sinasabi ko iyon ay paulit-ulit lang itong umiiling at mas lalong lumalakas ang kanyang pag-iyak sa aking bisig. I closed my eyes and feel her embrace to me. Maybe, maybe this would be the last time I will be able to feel this kind of embrace from her. Dahil alam ko bukas, wala na ito. Wala ng ganito. Wala ng Alena na hahabolin ko. Kaya naman habang nandito pa siya sa bisig ko alam ko ramdam ko na kaylangan ko ng sabihin sa kanya ang lahat. Ang lahat-lahat. I think is about time to give this relationship a closure. A closure that I hope would lead the both of us to the word move-on.

Labag man sa aking kalooban ay ako na mismo ang kumalas sa aming pagyayakapan. Ramdam ko ang munting pagtutol ni Alena doon pero wala itong nagawa nang humakbang ako para dumistansya dito. I sighed heavily and put my hands under the pocket of my jeans and looked up to the dark sky. Ayaw kong tumingin dito dahil baka magbago pa ang isip ko at hindi ito payagang umalis sa aking sistema.

“Go ahead. Ask me the things that you wanted to know from me.” Sabi ko habang nakatingala parin sa kalangitan. “Itanong mo na lahat, Alena dahil ito lang ang una at huling beses kong sasagutin ang mga bagay na gumugulo sa isip mo sa loob ng anim na taon.” I added and as a cue, my tears started to fall from my eyes. I think this will be the most hurtful night of my entire life. The night wherein I already decided to let the girl I love go. To finally let her go.

Alena's Painful Revenge (gxg) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon