"So, what we'll gonna do now?" I ask Bullet after an hour of silent. Pagkatapos kasi naming gawin 'yong alam mo na thing ay hindi na ito nagsalita pa't kung todo yakap nalang ang ginawa na animo'y linta kung makakapit. Tss, what a sudden clingy, huh.
"Mmmmm, let's just enjoy the whole day, I think. You know, there's lot's of places that I wanna show you." Sabi naman nito sa'kin na tela ba planado na ang lahat. Pagkatapos ay humarap ito sa'kin at ngumiti sabay lahad ng isang kamay sa'kin. "Halika Princess, labas na tayo at nang makapag-agahan na tayo so that we can start strolling around na." She said with all smile. Ngumiti naman ako't malugod na tinanggap ang kamay nito't nagpatianod nalang sa paghila nito sa'kin palabas ng silid.
Paglabas namin ng silid ay agad na bumungad sa'min si Lyn na tela laging may dalaw dahil laging mainit ang ulo. Kasalokuyan itong nakaupo sa isahang upuan sa maliit na sala. May hawak itong magazine habang nakasapat pa ang mga paa nito kaharap na lamesita. Ilang sandali pa ay naramdaman na nito ang presensya namin ni Bullet dahil mabilis itong bumaling sa gawi namin ni Bullet. Mabilis pa sa alas kwatro'ng tumaas ang isang kilay nito sa amin. Pagtingin ko naman kay Bullet ay parang hindi naman ito nasindak kay Lyn dahil ngumiti lang ito at nagkibit-balikat lang sabay hila sa'kin patungo sa hapag kainan. Pagkatapos ay ipinag-hila niya ako ng isang upuan.
"Thank you." I whispered at kiming ngumiti dito. Tumango naman si Bullet sa'kin sabay sabing. "You are always welcome. Sandali lang at ihahanda ko lang ang pagkain natin." Akmang tatayo na ako upang tulungan ito ng mabilis niya akong pinigilan. "Upo kalang d'yan, princess. Diba sabi ko sa'yo na pagsisilbihan kita ngayon? Kaya hayaan mo na ako dito." Sabi pa nito sa'kin bago tumalikod at lumapit sa mga kalderong nasa lutuan. Wala naman akong nagawa pa kundi ang sundin ang nais nito. Habang naghahain si Bullet ay nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagtayo ni Lyn sa kinauupuan nito at dahan-dahan na naglakad papalapit sa'kin. Habang ako naman heto't hindi na mapakali sa kinauupuan ko. Lately, hindi na talaga ako komportable kapag nasa paligid si Lyn.
"Aba, alagang-alaga ka ahh." Ani nito ng makalapit ito sa pwesto ko. Tipid naman akong ngumiti't tumingin sa ibang direksyon. Ugghhh! Her eyes are beautiful there's no doubt about that but I can't stand the coldness of it. Tumingin ito sandali kay Bullet bago muling bumaling sa'kin. Nagulat pa ako ng bigla nitong hinila ang upuang kaharap ko't umupo doon. Dahilan upang magkasalubong ang mga mata namin. Hindi naman ito nagsasalita, basta tahimik lang itong nakatitig sa'kin.
Pagbalik ni Bullet sa mesa ay dala-dala na nito sa magkabilang kamay ang kanin at ulam. Habang inilalagay nito ang mga ito sa ibabaw ng mesa ay napatitig ito sa nakaupong si Lyn na sa'kin parin nakatuon ang tingin.
"Stop staring, Dara. You know it's rude to do that." Sabi ni Bullet dito bago bumalik sa may lababo't kumuha ng plato't kutsara sa lalagyan. "Kakain ka ba ulit?" Tanong pa nito kay Lyn.
"No." Maiksing sagot naman ng huli habang nakatingin parin sa'kin. Ano ba. May dumi ba ako sa muka't wagas itong makatitig sa'kin.
"Dara! I said stop that." This time Bullet's voice has full of authority dahilan upang dito naman bumaling ang mga mata ni Lyn. Pagkatapos ay tinaasan nito ng kilay si Bullet at hindi man lang pinansin ang pagtataas ng boses ni Bullet.
"Kung makapag damot ka naman akala mo pag-aari mo." Irap nito kay Bullet.
"Darlyn!!" This time napatalon ako sa gulat ng biglang pagsigaw ni Bullet. And this time I can totally sense that Bullet is composing her anger towards Lyn. Pagtingin ko dito ay nakita ko ang panlilisik ng kanyang mga mata, kaya naman ay mabilis kong hinawakan ang kamay nitong naka-kuyom at pinisil iyon.
"Hey. Relax Bullet." I said to her. Ramdam ko ang bahagyang pagrelax ng muscles nito pero ang mga mata ay nanlilisik parin. Hindi niya ako binalingan dahil nakatingin parin ito kay Lyn.
"You respect my girl, Darlyn Lim. Don't you ever show that nasty side of yours to her. I don't like it." Sabi nito't hindi pinansin ang sinabi ko.
"Oh well. Ako pa pala 'tong napasama ngayon na kung tutuosin ako 'tong nagtitiis sa'yo sa panahong wala siya. Ako yung kaibigan mong handa kang damayan sa mga panahong tangang-tanga kana! Ako yung saksi kung gaano ka naghihirap habang hinihintay siya. Ako 'yon, Shayne. Ako." Humarap ito kay Bullet na puno ng galit ang mga mata. "Ako yung saksi kung gaano ka nasaktan habang nagpapasarap siya!" She burst-out. "Kaya wag mo akong pagsasabihan ng ganyan. Wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan, kasi ako, ako yung taong araw-araw nasasaktan dahil tanga ka! Ako yung taong iniintindi ka kahit sobra na. Ako yung taong gusto kang suntokin ng paulit-ulit para mataohan ka." Sabi pa nito habang dinuduro-duro si Bullet. Hindi naman nakapagsalita ang huli at napatitig lang ito kay Lyn. "Wag mo akong pangangaralan, Shayne. Dahil higit na kanino man, ako yung mas nakakaalam ng lahat. Ako 'yon." Huminga ito ng malalim bago muling nagsalita. "Hindi ako nanunumbat, Shayne pero.." Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. "nasasaktan kana eh. Nasasaktan na kayo pareho. Tama na. Hindi na pagmamahal ang tawag dito eh." Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa'ming dalawa ni Bullet.
Tumingin ako kay Bullet ng maramdaman ko ang paghawak nito sa kamay ko't pinagsiklop ang mga ito. Diretso parin ang tingin nito kay Lyn.
"Ayaw mo ba ako maging masaya, Dara?" Biglang tanong ni Bullet dito ng walang kaemo-emosyon ang mukha.
"Bakit Shayne, masaya ka pa ba? Ahh, tama. Masaya ka ngayon, oo. Pero mamaya? Bukas? Sasaya ka pa ba? Shayne oo nga't masaya ka pero alam ko na mas lalong alam mo na hindi kana masaya tulad ng dati." Narinig ko ang pagsinghap ni Bullet sa sinabing iyon ni Lyn.
"Hindi totoo 'yan." Mabilis na kontra ni Bullet dito.
"Totoo 'yon!" Sigaw ni Lyn. Damn! Gusto kong mamagitan sa kanila pero wala akong lakas ng loob na gawin 'yon. "Ako pa ba ang lolokohin mo, James!? Ako pa ba?" Akmang sasagot pa si Bullet ng biglang bumukas ang pinto ng silid na inuukopahan nila Lyn at lumabas mula doon si Doktora na halatang bagong gising pa.
"Lim. Keaga-aga at yang matinis na boses mo agad ang bumubolabog sa umaga ko." Sabi ng bagong dating dito. "Ano nanaman ba yang ikinagagalit mo?" Tanong pa nito habang naglalakad papalapit sa pwesto namin.
"Itanong mo d'yan sa pasyente mong may sayad na sa ulo." Masungit na sagot nito bago tumayo at nagmamadaling pumasok sa silid na nilabasan ni Doktora at pabalang na isanara ang pinto.