Saktong isang linggo narin ang lumipas mula nang magising si Bullet mula sa mahimbing nitong pagkakatulog and yet still ay naririto parin kami sa ospital kung saan ito naka-confine. Same room, same ambiance.
“Hayy..” lihim kong pinaikot ang aking mga mata habang kasalukuyan akong nagbabalat ng mansanas para dito nang magparinig naman ito sa akin ng pagkabagot nito.
Gosh, sa mga araw na lumipas mula nang magising ito ay wala na itong ibang bukambibig kundi ang kagustuhan nitong makalabas na ng ospital. But sadly, kahit na nakikita naman namin na ayos na ito at malayo na sa peligro ay hindi parin muna ito pinayagan ni Dra. Robles, ang personal doctor nito dahil under observation pa raw si Bullet.
“Nakakabagot na talaga..” muling pagpaparinig nito sa akin. And this time mula sa pagkakayuko ay nag-angat ako ng tingin dito habang patuloy parin ako sa pagbabalat ng mansanas.
“Stop complaining, will you? Kahit anong pagpaparinig mo d’yan ay hindi parin pwede.” sabi ko dito. Pagkatapos ay sinimulan ko nang hiwain ang mga nabalatan kong mansanas. “Unless your doctor will say so.” dagdag ko pa.
Huling-huli ko pa ang pag-irap na ginawa nito nang marinig nito ang salaysay ko. Tanda ng pagkairita nito. “Tss, isa pa iyong doktor na ‘yon, e...” sinubuan ko ito ng mansanas na agad naman nitong tinanggap. “kung maka-react akala mo naman nasa pilegro parin ako.” ngumunguyang saad nito. And then she faced me. “Look at me, my princess. I am stronger like a bull.” pagmamalaking sabi pa nito sa akin habang pinapakita ang muscle nito sa kaliwang braso.
“I can even carry you around all day long.” napangiti nalang ako sa huling sinabi nito. Paano ba naman kasi kung todo nguso ito na tela ba isang batang hindi nabilhan ng candy.
“Wag ka ngang ngumiti d’yan! Kita mong frustrated na ako, oh.” sita nito sa akin nang mahuli nito ang pagngiti ko.
“Ikaw kasi, reklamo ka ng reklamo. Gusto lang naman namin makasigurado na okay kana talaga bago ka lumabas dito.”
“Okay na nga kasi ako, princess.” pagpupumilit pa nito. “Ba’t ba ayaw niyong maniwala? Even you. Damn, kaya ko na ngang makipagtalik sayo buong magdamag ehh..”
“Bullet!!!” malakas na saway ko dito. God I can totally feel my face burned. “What? E sa totoo naman talaga. You of all people should know that, right?” nagtaas-baba ang dalawang kilay na sabi nito habang nakadikit sa labi nitong ang isang nakakalokong ngiti.
“Your wild moan last night is the----ummm.” mabilis kong isinubo sa bibig nito ang isang hiwa ng mansanas upang pigilan ito sa pagsasalita.
“Shut up.” sabi ko at muling sinubuan ito kahit na may laman pa ang bibig nito. Pinagdilatan niya pa ako ng kanyang mga mata sa ginawa kong iyon pero keber ko naman noh! Kahit kaylan talaga minsan walang preno ang bibig ng babaeng ‘to e. Ang sarap selyuhan.
“Ano, magkakahiyaan pa ba tayo dito?” umiirap na sabi nito. Hindi ko na nagawang sumabat dito nang bumukas bigla ang pinto sa silid na kinaroroonan namin at iniluwa nun ang isa na yata sa pinakamagandang doktor na nakilala ko sa balat ng lupa. Si Dra. Jenalyn Robles na halatang bagong ligo based narin sa basa pa nitong bohok.
“Good morning, lovers.” masayang bati ng bagong dating sa amin. Bumaling pa talaga ito sa akin at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. Mabilis naman akong tumango at ngumiti pabalik bilang tugon dito. Nang tumingin naman ulit ako kay Bullet ay muntik na akong mapasinghap nang makita kong nakatitig pala ito sa akin, habang ang noo nito ay nakakunot nanaman.
“Seriously?” naiiritang saad nito sa akin.
“What?” hindi ko maintindihang tanong dito. Pero imbes na sumagot ay inirapan niya lang ako bago bumaling sa bagong dating at hindi man lang pinansin ang pagbati nito sa kanya.
Hindi nalang ito umimik sa inasta ni Bullet at umiling-iling nalang habang pinasadahan ng tingin ang hawak nitong papel at nagsimula ng magtanong ng kung anu-ano kay Bullet.
“How are you feeling?” panimulang tanong nito.
“So fucking bored.” pagalit na sagot nito dito. Ghad! Why the hell she’s acting so rude now? Can’t she just answered it with peace? “kaylan mo ba ako balak pakawalan dito? Inip na inip na ako. Tska ayos na din naman na ako. I wanna go home now.”
“May mga test ka pa kasing dapat daanan para makasigurado na tayong pwede kanang bumalik sa dati mong kinasanayan. And I know and 100 percent sure na hindi kana nanaman babalik dito para mag undergo sa mga test na iyon kapag pinauwi kita. Knowing you, paniguradong mag bababad ka nanaman sa trabaho.” mahinahong sagot naman nito at hindi man lang inalintana ang pagsusungit na ginagawa ng huli sa kanya.
“Ilang buwan na ako dito sa ospital mo, Robles. Pwede bang hayaan mo na akong magbihis ng damit na kinasanayan ko’t hindi iyong naka-hospital gown parin ako hanggang ngayon? Damn, e wala na nga akong nararamdaman na mali sa katawan ko e.”
“No.” matigas na pagtutol nito sa sinabi ni Bullet. “If you’re gonna do that edi parang ginawa mo naring condominium ‘tong ospital ko.”
“But..” akmang magrereklamo pa sana si Bullet nang mabilis itong pinigilan ni Dra.
“You’re still my patient, Bullet Shayne. So you should obey and wear the proper dress code like what the other patient do. Fair enough, right?” taas kilay na sabi nito kay Bullet na ginantihan naman ng pagtaas din ng kilay ni Bullet.
“Anong fair ba yang pinagsasabi mo? Sila sakitin, may sakit na dapat gamutin. Samantalang ako ayos na. Malakas na. At pwedeng-pwede nang umuwi kong ‘di kalang sana kontrabida.” pagmamaktol parin nito sa magandang doktora.
I was a bit shock nang biglang itinaas ni Dra. Jane ang middle finger nito kay Bullet at ngumisi. Damn! Hindi ko inaasahan ang isang iyon. Knowing how prim and proper she is in front of her patients. Just wow. We’ve got a cool here.
“Stop complaining and just follow all my instruction, okay? And hep hep!!” nang makita nitong kokontra nanaman sana si Bullet dito ay mabilis nito agad itong pinigilan at sinasabi ang salitang alam kong gustong-gusto ni Bullet. “after this I can guarantee you na makakauwi kana bukas na bukas din.”
“Talaga?!!!” Bullet screamed in surprise.
“Bullet, lower down your voice. Ghad!” sabi ko dahil nabigla ako sa biglang pagsigaw nito. Bumaling naman ito sa akin at nag-peace sign lang bago muling bumaling sa kaharap na doktor upang kompermahin ang narinig.
“Totoo?”
Tumango naman ang kausap. “Oo, nakakaumay narin kasi yang pagmumukha mo.” saad nito kay Bullet na ikina-irap ng huli. “O heto ang mga dapat at hindi dapat mong gawin at kainin.” sabi nito sabay lahad ng isang kapirasong papel kay Bullet. “Aasahan kong susundin mo ang lahat ng nakasulat d’yan, Bullet, kung ayaw mong magbalik loob dito.”
Pagkatapos nun ay nagbigay pa ito ng ibang mga paalala kay Bullet bago ito tuluyang nagpaalam sa amin.
Kinagabihan habang naghahanda ako ng aming hapunan ay napansin ko ang pag-aliwalas ng mukha ni Bullet. Wala na akong naririnig na reklamo mula dito na aaminin kong medyo kinasanayan ko narin talagang marinig dito.
“What’s on your beautiful mind, mmmm, pretty lady?” basag ko sa katahimikan habang nagsasalin ako ng tubig sa baso at tumabi dito.
Ngumiti naman ito sa kawalan at masuyong umiling bago bumaling sa akin. “I just thinking what would be our lives after this? Would you still stay with me? Or would you rather go and leave me.... Again. Kasi sa totoo lang, Alena... Sawa na akong maiwan.” sabi nito sa akin habang bahagyang inaayos nito ang buhok ko habang may malungkot na ngiti sa labi nito. “Sawang sawa na.”