Chapter 6

4.2K 138 8
                                    

Agad na nagsalubong ang dalawang kilay ni Athron nang makasalubong ko ito. Mabilis na kumilos ang aking mga mata at agad na hinanap sa paligid ang babaeng matagal ko nang inaantay.

"Where is she?" I asked him without looking at him. My eyes is to busy looking for her.

"What the hell are you talkin' about?" He gave me a questioning look. Like he was so clueless in everything.

"Athron naman! Please tell me where she is!" I frustratedly shout.

"Sino ba yang tinutukoy mo?"

Napapikit ako ng mariin umaasa na sa pamamagitan nito ay kahit papano marelax ang nagpapanic kong kalooban.

"Si Alena. Narinig ko ang boses niya dito kaya pakiusap, wag mo na siyang itago sa'kin. Nakikiusap ako Athron. I know how mad you are to me and I understand it but please give me another chance to make things right." I hold his hand tightly. "I love Alena so much." I looked at him with my watery eyes.

"A-alena is here?" Halata sa mukha nito ang pagkabigla. "Where is she?! Damn it, tell me!!" Marahas niyang hinugot ang braso ko.

"I don't know. That's why I'm asking you dahil ikaw ang unang narito." Sagot ko sabay tulak sakanya papalayo sa akin. Narinig ko ang malakas na mura nito. Based in his reaction its pretty obvious that he didn't see her sister yet too.

"Tandaan mo ito, Bullet. Oras na malaman kong nagbalik na nga si Alena, hinding hindi na ako papayag na makalapit kapang muli sakanya. I won't allow you to hurt her again. Once is enough." Puno ng galit at poot na sabi nito sa'kin bago niya ako iniwang mag-isa sa veranda.

Pilit kong pinakalma ang aking sarili ng mapag-isa na ako. Niyakap ko ang aking sarili habang naka tingala sa kalangitan na puno ng mga bituin.

Ilang minuto ang lumipas nang may marinig akong tunog ng takong na animo ay tumatakbo. Pero dahil abala ang isip ko sa pag-iisip kung saang banda ng mundo ko ba hahanapin si Alena ay hindi ko na ito pinansin pa.

"Shayne!!!! What the fuck are you doing there?!" Walang gana akong napabaling sa hingal na hingal na si Dara.

Ano nanaman bang problema nito?

Mabilis itong tumakbo papalapit sa akin na para bang hindi ito nakasuot ng killer high heels.

"Ano nanaman bang ----- Shit!" Napamura nalang ako ng walang sabi-sabi niya akong hinablot at kinaladkad pabalik sa grand hall.

"Pwede ba dahan-dahan lang, Dara. Para ka namang may hinahabol na ewan."

"Shut up and just follow me, idiot!" Nabigla ako sa biglang pagsigaw nito sa'kin. "Prepare yourself especially your heart for the next few minutes to come. This night might be the last time you hear your heart beating." Sabi niya pa at mas binilisan ang pagtakbo.

Hingal na hingal na kaming dalawa ng marating naman ang main door ng grand hall. Bago pa kami pumasok ay humarap muna sa akin si Dara.

"Goodluck, Shayne." Nginitian niya muna ako bago ako muling hinila papasok sa loob ng grand hall.

Pagkapasok namin ay nakita ko na abala na ang lahat sa pagtikim ng pagkain na naka serve sa kanilang harapan. Agad naman naming tinahak ang papunta sa table na nakalaan sa amin. Hindi pa man kami tuluyang nakakalapit ay ramdam ko na may kakaiba.

Lahat kasi sila ay tahimik at animo parehong malalalim ang iniisip. Nabigla pa nga si Dale ng tapikin ko ang balikat nito.

"Ayos ka lang?" Nagtatakang tanong ko dito.

"Ha? A-oo. San ka ba galing?" Balik na tanong naman nito sa akin ng makaupo na ako sa upuan. Lihim ko namang tiningnan si Athron na tahimik lang.

Hindi naman nakaligtas sa akin ang panginginig ng kamay ni Dale kaya agad ko itong hinawakan dahilan upang mabigla ito.

"Relax." Mahinang sabi ko.

"Ladies and Gentlemen. The President together with the Vice President will be roaming around. Enjoy the night" Ani ng Emcee ng event na 'to.

Akmang susubo na ako ng pagkain ng mapansin kong may dalawang tao na nakatayo sa harap ng mesa na inuukupahan namin. Pag-angat ko ng aking tingin ay dito ko mas lubos na naunawaan ang lahat ng salitang binitiwan sa akin ni Dara kanina.

I saw her. I saw my Princess in her red long gown and now standing right in front of me. A sudden smile flash in my lips while I was looking at her beauty. Pero agad ding nawala ang ngiting iyon ng mapansin ko na nasa tabi pala nito ang babaeng kinaiinisan ko. Muntik ko ring makalimutan kung pa'no ang tamang paghinga ng bumaba ang aking mga mata sa magkahawak na kamay ng dalawa.

And the next thing she said almost killed me.

"Mom, Dad. I would like you to meet my fiance, Joyce Ayen Cruz." She said coldly.

Alena's Painful Revenge (gxg) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon