Even though Lyn's kept on insisting that I should take a rest first bago ko puntahan si Bullet ay mabilis ang ginawa kong pagtutol dito. I did not flied back here in the Philippines to waste time. I came here to see her, pronto. Kahit mapilit ito in the end ang gusto ko parin ang nasunod. Halatang man sa maganda nitong mukha ang pagkadisgusto ay wala narin itong sinabi at ipinagmaneho nalang ako patungo sa ospital kung nasasaan si Bullet.
"Are you sure na ayaw mo magpahinga man lang muna, Ale?" Mula sa pagtanaw ko sa labas ng bintana ay napalingon ako kay Lyn habang nakatuon ang mga mata nito sa harapan. "Your flight from New York to here is not a joke. Pwede naman ipagpabukas 'to, e. Just get some sleep. Kahit ilang oras lang." Dagdag pa nito bago lumingon sa akin saglit at muling ibinalik ang mga mata sa daan.
Wala sa sarili naman akong umiling bago muling tumingin sa labas ng bintana. "I wanna see, Bullet. I wanna touch her. Feel her... Protect her." Halos pabulong ko nang saad.
"How is she, anyway?" Mabilis akong muling tumingin kay Lyn nang biglang pumasok sa isip ko ang tanong na iyon. All this time wala akong kaedi-ediya kong ano na ang kalagayan ngayon ni Bullet.
Hindi nakaligtas sa mga mata ko kung papaano humigpit ang pagkakahawak nito sa manibela, maging ang pag-igting ng bagang nito ay kitang-kita ko rin. Hindi ko tuloy mapigilang mas mag-alala kay Bullet.
"She's....fine." Mahinang sagot nito sa akin nang hindi man lang tumitingin sa gawi ko. Halata ang pagka-diskomportable sa boses nito. Liar. Gusto ko sanang sabihin ang katagang iyon kay Lyn pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. I knew Lyn for quite long now, and I already knew whether she's telling the truth or not.
Marahan nalang akong tumango at hindi na nagsalita pa. Marahil ay ayaw lang niya akong mag-alala masyado kay Bullet. "Everything... Everything will be okay, soon, Alena. Let's just trust her." Dinig kong sabi ni Lyn sa kalagitnaan ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi na ako nakapag-react sa sinabi niyang iyon nang bigla niyang inihinto ang sasakyan sa harap ng isang matayog na gusali.
Robles Medical Hospital
Basa ko sa isip ko sa malaking signage sa pinakaharapan ng gusali. May nakikita pa akong mga nurse at doktor na naglalabas masok sa main door ng ospital. God, I'm finally here. Sabi ko sa isip ko habang abala ang mga mata ko sa pagtingin sa mangilan-ngilang mga pasyenteng naglalakad-lakad sa labas.
"Her room is in the second floor. Right beside the nurse stations there." Ani ni Lyn habang nakatanaw din sa harapan. Fuck! Parang gusto kong mag-back out dahil sa sobrang nyerbeyos. Pati yung mga kamay ko nanlalamig narin at namamawis. "Hey relax." Biglang sabi pa nito ng lumingon ito sa akin at napansin marahil ang pagkatuliro ko at pagka-diskomportable sa tabi nito.
Akmang bubuksan ko na ang pintuan sa tabi ko ng bigla akong pigilan ni Lyn. "Are you sure about this, Ale? I mean, this can wait for tomorrow." Mabilis naman akong tumango at lumabas ng sasakyan. Mahirap na't baka mamaya ay mapapayag na ako ni Lyn sa gusto nito dahil sa kabang nararamdaman ko.
Hinintay ko muna itong umibis ng sasakyan nito upang sabay na kaming pumasok sa loob.
"Let's go inside." Agad na yaya nito sa akin nang makalapit ito sa gawi ko at naunang naglakad. Walang imik naman akong sumunod dito. Habang papasok kami ay agad na binabati si Lyn ng mga staff na nakakasalubong namin. Gayon din ang mga doktor at mga nurse. Halatang kilalang-kilala na ng mga ito si Lyn. May ilan rin na binabati ako at tanging pagtango lang ang isinasagot ko sa mga ito.
Nang makarating na kami sa harap ng elevator nang muling magsalita si Lyn. "Ale, mauna kana muna sa itaas, ha. May pupuntahan lang ako saglit." Biglang sabi nito sa akin at pinindot ang open button bago humarap sa akin.
Mas dumoble tuloy ang kabang naramdaman ko nang marinig ko ang sinabi niyang iyon sa akin. "K-kung samahan nalang kaya muna kita." Halos nauutal nang sabi ko dito. Hindi ko alam pero parang natatakot akong harapin si Bullet ng mag-isa.
"Saglit lang ako. Promise. Susunod din ako agad sa'yo sa taas. Kakausapin ko lang saglit si Doktora Robles." Pahayag pa nito sa akin.
"P-pero.." I was about to insist myself to come with her nang biglang bumukas ang bakanteng elevator. Hindi na ako nakapagsalita nang marahan akong iginaya ni Lyn papasok habang nakatayo ito sa labas.
"Second floor. Okay?" Paalala pa nito sa akin. "Go, push that button now." Pukaw pa nito sa akin nang hindi man lang ako kumilos sa kinatatayuan ko.
Nanginginig man ang mga kamay ko sinunod ko nalang ang sinabi nito. And the moment I pushed that button the door closed instantly. Kasabay no'n ang panghihina ng mga tuhod ko. Mabilis akong napahawak sa gilid upang doon kumuha ng suporta upang hindi ako tuluyang matumba. I can even see myself reflection shaking on the glossy metal door of the elevator in front of me. Pinilit kong pinakalma ang sarili ko. Mahirap na't mag-isa pa naman ako dito sa loob.
Ilang minuto lang ang lumipas ay narinig ko na ang pagtunog ng elevator tanda na narating ko na ang palapag na sadya ko. Kasabay din no'n ang agad na pagbukas ng pinto sa aking harapan. Pakiramdam ko ay nalagutan ako ng hininga nang agad na bumungad sa akin ang nurse station na sinasabi sa akin kanina ni Lyn. May apat na nars akong nakita mula dito.
Tatlong babae at isang lalaki. Sabay-sabay pa silang napalingon sa gawi ko, halata pa sa mga mukha ng mga ito ang pagkabigla at pagkalito habang nakatingin sa akin na nanatili parin sa loob ng elevator. Maya-maya pa ay nagsalita ang isang nurse na babae at binati ako.
"Magandang umaga ho, ma'am." Magalang na bati nito sa akin. Lihim muna ako nagpakawala ng malalim na hininga bago humakbang palabas ng elevator. "Ano pong maipaglilingkod namin sa inyo?" Magalang na tanong nito sa akin.
Lihim akong napatingin sa isang silid na di kalayuan kasunod ng nurse station. Habang nakatingin ako sa nakasarang pintuang iyon ay bigla naman bumilis ang pagtibok ng puso ko. D'yos ko.
"I wanna visit, Bullet Shayne." Mahinang pag-iimporma ko at mas lalong lumapit sa mga ito. "Pwede ba?" Pasalamat nalang talaga ako't hindi ako nautal habang nagsasalita sa kabila ng kabang nararamdaman ko.
"Oo naman po, Ma'am. Halika po kayo. Dito po." Ani naman ng lalaking nurse at iginaya ako papunta sa pinaka-unang silid.
I thank him when I was finally standing in front of Bullet's room. Sinabihan niya lang ako na tawagin lang ko lang daw sila if ever na may problema bago niya ako tuluyang iniwan. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto at maingat na itinulak ito pabukas.
Pakiramdam ko tumigil bigla sa pagtibok ang puso ko nang tuluyang bumungad sa akin ang babaeng mahal ko na payapang nakahiga sa isang kama. Kasabay nun ang mabilis na pagtulo ng mga luha ko nang tuluyan na akong nakalapit sa kama nito. Mas lalo ko tuloy nakita kung gaano kaputla ang maputi nitong mukha. Pansin ko rin ang pagod sa maganda nitong mukha kahit nasa malalim ito sa pagkakatulog. Even the thing that placed in her nose to helped her breath almost broke me into million pieces when I saw it.
"Bullet.." Humihikbi kong sambit sa pangalan nito sabay hawak ng mahigpit sa malamig nitong kamay.
Paulit-ulit ko lang sinasambit ang pangalan niya habang nakaluhod at umiiyak dito. Umaasang sa pagtawag ko sa pangalan nito ay magising ito mula sa pagkakahimbing.
"Wag mo ngang iyakan yan, Ale. Hindi pa naman patay yan para iyakan mo. Gigising pa yan at papaligayahin ka. Kaya naman tahan na." Narinig ko ang magiliw na boses ni Lyn mula sa aking likuran. Pero alam ko at ramdam ko na sa kabila ng magiliw nitong boses ay nakakubli ang lungkot. Lungkot na nakahit anong ngiti nito ay kitang-kita naman sa mga mata nito. Hindi ako nagsalita habang paluloy parin ang pag-iyak ko. Mas lalo ko namang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Bullet na hawak-hawak ko. "Shayne won't love to see you crying because of her. So better stop and be strong for her, Ale. Kasi alam naming lahat na sa pagkakataong ito ikaw at ikaw lang ang may kakayahang ibalik ang dating saya sa mga mata niya." Naramdaman ang pag-upo nito sa upuang naka-pwesto sa likuran ko.
"Kaya naman isa lang sana ang hiling ko. Please, please lang don't leave her this time. Just don't. Please. Wag mo nang wasakin ang puso niyang wasak na wasak na ng dahil sa pagmamahal sa'yo. Give her all the reason to live, Alena. Show her how beautiful and wonderful life is. Kasi alam ko sa pagkakataong ito ng buhay niya. Isa nalang ang hiling niya. Yun ay ang samahan mo siya sa pinakamahirap na parte ng buhay niya."
"Kaya mo namang gawin iyon diba? Kung mahal mo talaga siya, kakayanin mo ring masaktan tulad niya."
![](https://img.wattpad.com/cover/59480849-288-k623862.jpg)