Chapter 3

247 2 0
                                    

Chapter 3

[Maki's POV]

"Parang di ako bagay dito," bulong ko kay Kris.

Ngumiti lang si Kris sa akin. Kakarating lang namin sa bar ng kaibigan niya. Napansin ko napaikli ng mga suot ng mga babae dito, ako yata ang pinaka-manang sa kanila. Naka- knee length skirt kasi ako at naka -sleeveless pero pinatungan ko ng jacket. Manang na kung manang. Di kasi ako sanay na nakikita yung braso ko.

"Ano ka ba, Maki? Okay lang yan, ang cute cute mo kaya!" Sabay pisil sa pisngi ko.

May lumapit na babae kay Kris, nagbeso sila.

"Hi Krissy!" Ang daring ng suot ni atey. Yung higanteng boobs niya parang gusto nang kumawala sa damit niyang hapit na hapit. Parang nakaramdam ako ng hiya para sa kanya, gusto ko tuloy i-offer yung jacket ko.

"Hi Jenny! Siyanga pala, Jenny meet Maki. Bestfriend ko! Maki, si Jenny, yung may-ari nito,"

"Hi Maki! Nice to meet you!" Magbebeso sana si Jenny, kaso umiwas ako.

"Uh, sorry, di ako kasi sanay sa mga beso-beso," pagdadahilan ko. Di kasi ako sanay sa mga touchy na tao. Kahit nga si Kuya Xander, nagaalangan paminsan kung ikikiss ako sa pisngi.

"Okay lang. May mga sensitive din akong friends," sabi ni Jenny sabay ngiti. Ngumiti rin ako sabay tango. "Sige, Kris. iwewelcome ko lang yung ibang mga guests. See ya!"

"Oh ano Maki, tara! Dun tayo sa may maraming boys!" hinila ako ni Kris malapit sa pwesto ng bartender. Tumabi siya sa isang gwapong lalaking nakashades. Gwapo kasi ang tangos ng ilong at ang ayos manamit. Ang neat ng look niya. Yun ang mga type ko e. Mukhang nakaconcentrate siya sa paginom.

"Hi!" Ngumiti si Kris sa kanya. Ngumiti din si kuyang gwapo sa kanya tapos bumalik sa paginom.

"Mukhang pa hard to get si kuya ah," bulong sa akin ni Kris. Tumango lang ako.

Dapat pala nagdala ako ng notebook para matake-note yung mga ginagawa niya. Mukhang marami akong matututunan ngayon. Makikita ko ang skills of seduction ni Kris ngayon.

Tumayo si Kris at lumapit lalo kay kuyang gwapo. "Hi, I'm Kris. What's your name?"

Biglang nagring yung cellphone ni kuya. "Sorry, I need to take this call. See you." Aniya at nagmamadaling umalis.

Mukhang di gumana ang charm ni Kris.

"Sayang yun ah. Okay lang. There are plenty of fish in the sea." Sabi ni Kris at umupo na ulit sa tabi ko. Nagorder siya ng margarita. Ako naman iced tea. Sorry naman, di kasi ako mahilig uminom.

"Hello, beautiful!" Napalingon sa boses. Tumaas ang balahibo ko ng makita kung sino yun.

Si Jerome.

At sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Bigla akong napaurong.

"Hi Jerome." sabi ko. Nakakashock.

"Fancy meeting you here. Destined talaga tayo sa isa'i isa, Maki, my dear."

"Hoy Jerome. Layuan mo nga ang bestfriend ko. Di pa nga kayo, hahalikan mo na agad?" Tumayo si Kris at piningot si Jerome. Dun siya pinaupo sa inupuan ni kuyang gwapo kanina.

"Parang nangungumusta lang. Ito naman. I missed you, dear!" Ngumiti si Jerome.

Kung titingnan mo hindi naman pangit si Jerome. Pogi nga siya kumpara sa karamihan. Mayaman rin. Nagtatrabaho siya bilang executive sa isang kumpanya. Matalino rin siya. Ano pa nga ba ang hahanapin ko, ikanga ng marami. Wala kasing fireworks. Walang spark. Ewan ko sa sarili ko. Di ko lang talaga ma-imagine na maging kaming dalawa.

AlwaysWhere stories live. Discover now