Chapter 15

116 5 0
                                    

Chapter 15

[Maki's POV]

Umalis na si Cale after niyang macheck na medyo stable na ang condition ni Aidan. Ako naman nagpaiwan.

Ayon kay Shawn, nagkaroon ng Liver laceration si Aidan. Meaning nagkaroon ng cut yung liver niya nung car accident. Mabuti na lang daw at di gaano kalalim yung laceration. Ilang months lang at magiging fully healed na yung liver ni Aidan.

Sa ngayon nakahiga na si Aidan sa ICU. Pinayagan ako ng doctor niya na bantayan siya sa ngayon.

Tinitigan ko si Aidan. Yung makinis niyang mukha puro gasgas at pasa na. Pero sa mga mata ko, ang gwapo pa rin niya.

A few minutes later, may pumasok na isang babae na mukhang nasa 50s na at isang lalaki na kamukha ni Aidan.

"Aidan..." sabi ng babae. Hinaplos niya yung kamay ni Aidan.

Yung lalaki naman tumabi sa akin.

"Hi, I'm Tony" sabi niya.

"Hello," sagot ko.

"You must be Maki," sabi ng babae na dahan-dahang lumapit sa akin. "I'm Aidan's mom. Nice to meet you."

"Likewise po," sabi ko.

"Alagaan mo ang anak ko ha," sabi ng mom niya.

Nabigla naman ako. At biglang nakonsensya. Less than 3 months maghihiwalay na kami ng landas ni Aidan. Sana magaling na siya by that time.

Nararamdaman ko na naman na naluluha ako.

Kalahati ng isip ko ay gusto ng sabihin sa kanila na peke lang yung relasyon namin kaso pag ginawa ko yun baka di ko na makita si Aidan.

"O-Opo, tita," sagot ko. Pinipigil ko ang mga luha ko.

Lumapit sa akin yung mom niya. "Alam mo, ikaw pa lang ang girlfriend na kinwento sa akin ni Aidan... Alam kong alam mo na to pero playboy talaga ang anak ko. Sa mga nakarelasyon niya, wala siyang nabanggit ni isang pangalan sa amin. Tanging pangalan mo lang ang nabanggit niya."

"At hindi lang nabanggit, mom. Bukambibig niya yung pangalan mo, Maki. Naku, kung alam mo lang... Tatawag yan sa amin tapos ikukwento kung ano yung ginawa niyo ng araw na yun, minsan hindi lang niya once kinekwento, madalas twice or thrice pa. Naumay na nga ako sa pangalan mo e." sabi ni Tony.

"Pagising ni Aidan, gawan mo ng cake, Tony. Tapos ikaw naman Maki, magpropose ka agad." sabi ng mom nila.

Natawa si Tony. "Propose agad, mom? Baka ma-heart attack naman niyan si Aidan pag nagkataon."

Natuwa ako sa kanilang dalawa. Pakiramdam ko kasi parang ang tagal ko na silang kakilala. Wala kasi akong naramdaman na awkwardness or anuman mula sa kanila.

"Okay lang yun. Ayokong maging daughter-in-law yung Katie or Kat na pinapakasal ng dad nyo kay Aidan. She's a b*itch!"

Napangiti ako.

"Ikaw na bahala sa anak ko ah," sabi ng mom ni Aidan.

Tumango ako automatically.

"Promise?" tanong ng mom nila.

Tumango ako ulit.

As if naman maki-keep mo yung promise mo, Maki.

Konsensya manahimik ka!!!

Maya-maya'y nagising na si Aidan.

Lumapit yung mom niya at si Tony sa kanya. Pero nakatingin siya sa akin.

Nilapitan ko rin siya. Nitry niyang bumangon pero pinigilan ko siya. Mukha kasing hirap na hirap siya sa pagbangon.

Ngumiti siya slightly.

"Wag ka nga munang bumangon, batukan kita diyan e!" sabi ko.

Natawa ang loko. Totohanin ko kaya ang pagbatok sa iyo? Biro lang.

Hinawakan ko ng dalawang kamay ko ang kamay niya.

Yung mga mata niya naka-fix lang sa mga mata ko. Tapos bigla na siyang nakatulog.

"Mukhang ang lakas ng tama sa iyo ng kapatid ko, Maki," sabi ni Tony.

For a moment, nakalimutan ko palang andiyan sila.

"Kahit ako hindi ako tiningnan ng ganyan ng anak ko," sabi naman ng mom niya.

Feeling ko nagblush ako.

"Mag-o-overnight ka ba dito?" tanong ni Tony.

"Oo... pwede ba?" sagot ko habang pinagmamasdan si Aidan.

"Pwede naman. Malakas ka sa amin e. May dala kang extrang damit?" tanong niya ulit.

"Wala e,"

"Tony, samahan mo na lang kumuha ng damit si Maki. Ako muna ang magbabantay kay Aidan," sabi ng mom nila.

"Sure. Tara, Maki."

Bago ako umalis, hinalikan ko sa noo si Aidan.

Bakit ko ba ginawa yun?

Ewan ko. I just felt that I had to do it.

---

Puro maliliit na teddy bear ang sa backseat ng kotse ni Tony.

Napansin niyang tinitingnan ko yung mga yun.

"Sa girlfriend ko yan, ang hilig niya kasi sa mga teddy bear." pagexplain niya.

"Patingin nga ng girlfriend mo,"

Nilabas yung wallet niya. Familiar yung itsura ng wallet nya ah.

At nilabas ang picture ng girlfriend niya.

Ang ganda ng girlfriend niya. Mukhang artistahin.

"Anong pangalan niya?"

"Martina. Marty for short."

Ang ganda ni atey.

Binalik ko na sa kanya yung picture.

"Mahal mo ba talaga si Aidan?"

Toinks!

Isang diretsahang tanong agad ah. Natamaan ako.

Ano ba sasabihin ko?

Sagot Maki! Sagot!

"Bakit di ka makasagot?"

Atat si kuya. Pinagiisipan ko pa e.

"Di mo ba siya mahal?"

"Sinong nagsabing di ko siya mahal?!" pati ako nagulat sa sinabi ko.

Ngumiti siya.

"So mahal mo nga siya?"

"Ewan ko,"

"Ba't mo siya hinalikan sa noo kanina?"

"Ewan,"

"Mahal mo siya?"

"Kulit mo rin e noh! Pareho kayo ng kakambal mo!"

Ngumiti siya.

Namiss ko tuloy bigla si Aidan.

"Ginagaya ko lang naman si Aidan. Ganyan kasi siya, mahilig mangulit."

Napatingin ako sa kanya. Sa anggulong yan, kamukhang kamukha niya si Aidan.

"Di ba nabanggit ni Aidan na ako ang serious one sa aming dalawa. Bihira lang ako makipag-biro. Kay Marty and kay mom lang. Exception ka ngayon kasi proxy ako ni Aidan."

"Nakupo. One Aidan is enough."

Natawa naman siya.

"At yung one Aidan na yun, sa iyo lang?" tanong niya.

"Sa akin lang!" sagot ko.

Nakupo. Ano ba yang nasabi ko!

At...

Pakiramdam ko nahuhulog na yata talaga ako kay Aidan Taynne.

AlwaysOù les histoires vivent. Découvrez maintenant