Chapter 5

198 2 0
                                    

Chapter 5

[Maki's POV]

Ang naalala ko lang, pagdating namin sa bahay, binuhat na ko ni kuya Xander papuntang kwarto ko. Ni hindi ko na naalala si Kris sa sobrang antok. Lalong di ko na naalala si Jerome. Ansama ko lang talaga...

Anyway, kinukusot ko pa yung mata ko nang biglang umupo sa kama si kuya para tumabi sa akin.

"Sino si Aidan Taynne?" tanong niya. May hawak hawak siyang maliit na papel.

Mukhang calling card.

"Aba malay ko, itanong mo sa lolo mo!" sagot ko.

Sino ba yun? Bat ako tinatanong nito? Pero the name rings a bell... hmmm...

"Hawak hawak mo kaya tong calling card niya kagabi pa, " inabot niya yung card sa akin. "Sino pa bang tatanungin ko? Yung stuff toy mo?"

Binasa ko yung calling card.

Aidan Taynne

Businessman

0908XXXXXXX

Sino ba kasi to?

...

...

...

OMGulay! O_O

Hindi ba yun panaginip?! Totoo yun???

O________________O

"O bat namula ka bigla?" hirit pa ni kuya.

Dapak! Ibig sabihin totoo yun?

Nakiss na ko sa lips? Ng taong di ko kilala?

Well, technically, kilala ko na sya pero di yun yung point...

Oh siomai! So hindi yun panaginip?

Fuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuugdeee bar!

Hinampas ko ng unan si kuya Xander. Napakamot tuloy siya ng ulo.

"Ano ba naman to, ba't ka biglang nanghahampas ng unan?"

"BWISET!" Hinampas ko sya ng teddy bear. Napatayo si kuya para umilag.

"Makaalis na nga! This woman is so violent! Sheeesh!"

"Oh-Em-Gee," bulong ko sa sarili.

I kissed a stranger. Mali... A stranger kissed me. And I didn't do anything about it.

-------

Nagpunta ako sa mall para magpalamig at magwindow shopping. Hobby ko na ito nung bata pa ko. Pero di naman ako mahilig maglustay ng pera para makabili ng mamahaling sapatos o damit. Mahilig lang akong tumingin ng mga designs nung mga gamit.

Frustrated artist kasi ako, hehehe... Kung di ko lang kasi pinursue ang Computer Engineering, edi sana artist ako ngayon. Pero di ko naman pinagsisisihan na yun ang tinapos kong kurso. Marami din akong nakilalang kaibigan nung tinake ko ang kursong yun.

Habang palakad-lakad at patingin-tingin ako sa mga benta ng bawat store, may napansin akong lalaki at babae na sobra kung magkulitan sa escalator. Aba aba aba! Delikado yan! At sa escalator pa nangmamanyak si kuya! Yung kamay ni kuya nilagay niya sa beywang ni atey. Tapos nakapatong dun yung kamay ni atey. Tapos ang lapit pa sobra ng katawan nila sa isa't isa. Sorry, pero conservative akong tao. PDA naman kasi sila. Public place to kuya! Pero si atey naman parang gustong-gusto nya. Aynaku! Iba na talaga ang panahon ngayon! Napaka-liberated na! Kahit pa sabihin nilang nasa edad na sila, public place ito e. Konting konsiderasyon naman sa ibang taong nakakakita sa kanila.

Anyway, nagpatuloy na lang ako sa pagtingin-tingin. Maiinis lang ako pag patuloy ko silang isipin.

Hindi naman ako naiinggit sa mga mag-jowa noh. Kung yung boyfriend ko ganyan kabastos sa akin sa publikong lugar, wag na lang noh!

Maya-maya, naisip kong kumain. Ilang oras din akong nagpapalakad-lakad e. Kaya dali-daling pumunta ako sa BonChon.

Tapos napansin ko andun din si kuyang manyak at ateng landi na nakita ko sa escalator kanina. Kaka-BV.

Buti na lang talaga at nakatalikod kayo. Kundi naalala ko talaga yung mga pagmumukha nyo! -_- At... wala lang maaalala ko lang mukha nila... -___-

After ko mag-order at umupo sa seat na medyo malapit sa counter. Si kuyang manyak tumayo at pumunta ng counter. Pagharap niya tumaas yung balahibo ko.

Dapak! Siya si kuyang gwapo kagabi?!

Sinilip ko ulit yung mukha nya habang kausap niya si ateng nasa counter... sya nga yun... anak ng tilapia!

Of all the people, siya pa ang makikita ko na nangmamanyak dun kay atey kanina.

Ibig sabihin kagabi, namanyak din ako? Fudge!!! Ang tanga tanga mo talaga, Maki! Nagpamanyak ka dun porke pogi! Nanakaw tuloy yung first kiss mo!

Napakagat-labi ako sa inis. Mabilisan kong tinapos yung inorder kong chicken. Ni hindi ko nga inubos yung kanin e. Basta lang makaalis na ko dito para di ako makita at mamukhaan ni Aidan Taynne.

Tumayo na ko kahit puno pa ng chicken yung bibig ko. Pero minamalas ka nga naman!

Saktong pagturn ko para dali-daling lumabas ay saktong pagdaan ni Aidan aka kuyang manyak or kuyang gwapo (whichever you prefer).

Yung KoYo na inorder niya saktong tumapon sa mukha ko at sa bigla yung chicken na nasa bibig ko naluwa ko sa puting Tshirt niya.

Kadiri, i know.

Pareho kaming nashock. Tapos bigla niya kong hinila palabas ng BonChon.

Kill me. Kill me now. T_T

Alwaysحيث تعيش القصص. اكتشف الآن