Chapter 20
[Maki's POV]
Pinasamahan ako ni Aidan kay Cale para pumunta sa mall upang bumili ng dress.
Bakit?
Para daw mukha akong presentable sabi ni Aidan. Binatukan ko nga ang mokong. So ano ang iniimply niya? Na hindi ako mukhang presentable ang pang-araw-araw na damit ko?
So anyway, sa mall...
Pumasok kami ni Cale sa isang shop na mukhang mamahalin ang mga damit.
Umikot-ikot kami sa shop. Si ateng saleslady naman sunod ng sunod sa amin. Extra attentive siya. Napansin ko rin na maraming batang kababaihan ang nasa labas ng shop na pinasukan namin. May isa pa nga na tumili ng pangalan ni Cale. Pero karamihan sa kanila nagbubulungan.
Alam ko na ang pinagbubulungan nila.
Kanina ko pa kasi naririnig habang papunta kami sa shop na ito.
Sino daw ako. Ako ba daw ang bagong prospect ni Cale. Malandi daw ako. And more.
Inignore ko na lang sila. Wala akong pake.
Di ko nga lang sure kung naririnig ni Cale yun. Hindi siguro. Nakangiti kasi siya the whole time.
Bingi yata ang loko.
May kinuha siyang pulang dress sa isang rack.
"This would look good on you," tapos inilapit niya sa akin. Tinitingnan kung bagay ba.
"Sukatin mo nga," sabi niya. Ako naman tumango at dumiretso sa fitting room.
Paglabas ko sa fitting room, nakita ko ang tuwa sa mukha ni Cale.
"It doesn't look good on you, Maki. It looks great. We'll take this na ba?"
Tumingin-tingin ako sa ibang dress na nasa racks.
Hindi ako makapili dahil napakaganda ng mga ito. Pero since sinabi ni Cale na bagay sa akin ang dress na kakasukat ko lang okay na yun sa akin.
"Okay na ako dito," sagot ko.
"We'll take this then. Ang bilis naman nating pumili. I was expecting na tatagal tayo ng at least 30 min dito. Wala pa yata tayong 15 min dito e," sabi niya. He turned para pumunta sa cashier.
Hinabol ko siya. "Magkano ba iyan?" tanong ko. Nilalabas ko na ang wallet ko ng pigilan niya ako.
"No need," tapos ngumiti siya. Ang napakagwapong ngiti niya. That smile that melted even the hardest of heart (I think, haha).
"O-O sige..." Nasilip ko yung price nung pinasok na sa paper bag yung damit. Napalunok ako. Katumbas yata ng kalahating buwan ng sahod ko yung presyo ng damit.
Kinuha na na ni Cale ang paperbag tapos hinawakan niya ang kamay ko habang lumabas kami ng store. Nabigla ako. Kasi kanina naman wala kaming skin contact tapos ngayon holding hands.
Anubehh... Nagiging assuming ako... Siguro hinawakan niya ang kamay ko para hindi humiwalay sa kanya, ang dami kasing babae sa labas ng shop.
Paglabas namin, napatili ang mga babae. Nginitian niya ang mga ito.
May naka-eye contact ako sa isa sa kanila. Glare wasn't the word. Kinilabutan ako sa tingin niya/nila sa akin. Umiwas ako ng tingin at napapikit. Gusto ko ng umuwi. Wah!
Ang awkward lang kasi yung iba sinundan pa kami hanggang maglunch kami sa isang restaturant. Ewan ko kung napansin rin ni Cale. Parang hindi na naman yata.
---
Restaurant...
Naupo kami sa may gilid sa dulo ng restaurant. Nirequest yun ni Cale (syempre sikat e), for privacy daw.
YOU ARE READING
Always
RomanceAno kayang mangyayari sa love story ng ating bidang NBSB kung bigla syang magkaroon ng relationship with someone she just met? Just read and find out! :))