Chapter 8

171 3 0
                                    

Chapter 8

The MakAidan 3-Month Contract

--------> Ew. Si Aidan nakaisip ng name na yan. Pagbigyan na. Pero ang eewie talaga e. Blegh! - Maki

1. Do not date a person of the opposite gender until the end of the contract.

2. Do not flirt with the opposite gender. (Si Aidan din nakaisip niyan. Hello, siya kaya yung mas prone na magagawa iyan.)

3. Kisses or any other physical contact is prohibited. Unless required by each other's family or friends.

4. Do not tell anybody about this contract. Even your bestfriend.

5. Be sweet when in front of each other's family or friends.

6. Do attend family functions of each other's family.

7. If someone discovers the existence of this contract, it will be considered null and void.

Signed,

Maki and Aidan

-------

[Maki's POV]

2:32PM

Kakatapos ko lang magbihis para sa "date" namin ni Mr. Manyak. Pababa na ako ng hadgan ng marinig kong nagbubulungan sina papa, mama at kuya.

"Ba't may magarang kotse sa harap ng gate natin?" tanong ni mama kay kuya.

Magarang kotse? Anak ng tilapia. Biglang lumakas tibok ng puso ko.

"Sure kang hindi ikaw ang bumili niyan?" tanong naman ni papa sa kanya.

"Hindi ah. Baka dun sa kapitbahay natin?" sagot ni kuya.

"Kaninang alas-dos ko pa napansin yan e," sabi ni papa.

"Naku, baka sa kapitbahay nga," tumangu-tango si mama.

Lumingon si kuya at nakita niya ako. "Ba't ka nakaayos ngayon? Kotse ba yun ng Jerome na yun?"

Nagmake-up kasi ako ng onti at nagdress na hanggang tuhod. Nakaheels din pero di gaano kataas.

"Pasilip nga," dali-dali akong pumunta sa may bintana para silipin kung kaninong kotse yung nandun.

Ang tigas talaga ng tae ng Manyak na yun! At pinark pa sa harap ng gate namin ang kotse niya! Don't tell me kanina pa yun andun.

"Hindi yan kotse ni Jerome. Ford kotse nun," sagot ko.

"Ah ganun ba," tumingin sa akin si kuya mula ulo hanggang paa, "Ba't ang ganda ng ayos mo ngayon? May ka-date ka ba?"

Ayokong umamin. Ayoko talaga. Ayokong ipakilala yung Manyak na yun as my boyfriend sa pamilya ko! Ayoko!

"Wala!" Lumihis ako ng tingin. "Gusto ko lang magpaganda ngayon." Umupo ako sa sofa namin at binuksan yung TV. Sila naman pinalibutan ako.

"Anak, di naman kami magagalit kung makipag-date ka. Nasa wastong edad ka naman na. Pero ang pakiusap lang namin, sana isang mabuting lalaki ang i-date mo," sabi ni mama.

Tumango ako with matching ngiti. "Di naman talaga po ito date e."

Nagbuntong-hininga si papa. Mukhang di naniniwala tong mga to ah.

Ba't pa kasi nagpark yung mokong na yun sa harap ng gate namin! Sabi ko sa convenience store e. Naiinis ako kaya tinext ko siya.

To: Mr. Manyak

From: Maki

HOY! BAKIT MO PINARK YUNG KOTSE MO SA HARAP NG GATE NAMIN?! Di ba sabi ko sa convenience store?! Nalimutan mo na ba kung san yung daan papuntang convenience store?! I'm sure madadaanan mo kasi yun papunta dito e!!!

Wala pang isang minuto nagreply na si Mr. Manyak.

To: Maki

From: Mr. Manyak

Why let you walk all the way to that convenience store when I can just pick you up here.

Lumakas ang tibok ng puso ko. Di ko alam kung kinilig ako o kinilabutan o magkakaroon ng sakit sa puso dahil sa inis sa lalaking toh.

To: Mr. Manyak

From: Maki

From now on listen to what I say, pumunta ka na ng convenience store. Lalabas na ako papunta dun. Go! Bago pa tayo mahuli!

I rolled my eyes. Kainis naman.

"Bago pa tayo mahuli? What does that mean? Sinong huhuli sa inyo?"

Nahampas ko yung cellphone ko sa noo ni kuya. Usisero naman kasi! Bwiseet!

"Kami ba makakahuli sa inyo ng jowa-ers mo? Huli ka na kasi e!"

Napakagat-labi ako sabay silip sa may kitchen namin. Buti na lang mukhang busy sina papa at mama sa kung ano man yung ginagawa nila dun.

"Wala akong date kuya. Wag mo nga akong pakielamanan! Wala pa kong balak makipag-date! Period! Triple exclamation point!"

"Oh, nakalimutan mo yung tandang pananong, baka magtampo!"

Baliw talaga tong si kuya, ang corny corny!!! Nahahawa tuloy ako sa kakornihan niya!

*******

At sa bandang huli, napaamin din ako ni kuya.

Kupal kase ang bwiset.

Hindi yung tungkol sa kontrata ah.

Sinabi ko lang sa kanya na ka-date ko nga si Aidan. At syempre hindi ko sinabi na kunwaring date lang yun.

At sa labas ng bahay ko yun sinabi kay kuya. Baka kasi marinig nina papa at mama.

Si Mr. Manyak naman, ang tigas ng ulo, andun pa rin sa may harap ng gate namin.

"Hoy! Wag mo ngang paghintayin yung date mo! Ano ka sinuswerte? Pasalamat ka nga dinedate ka ng isang to! Siguro ginayuma mo yan noh? Hahaha!"

Binatukan ko si kuya. Loko to ah! "Isa na lang talaga kuya at isusubsob ko na yang feslak mo sa kanal! Loko-loko!"

Itong si kuya tawa pa rin. Tssss.

Nung andun na kami sa may tabi ng kotse ni Aidan, kinatok ni kuya yung side window ng kotse. Nagslide yung window, revealing Aidan with his branded sunglasses. Oo na! Ikaw na po ang mayaman!

Tumaas ang kilay ni kuya Xander at ngumiti. "Hi!"

"Hello! Hold on," lumabas si Aidan mula sa kotse. He slid his sunglasses on his head. Shokoy! Ang hot tingnan!

Aidan held out his hand. Nagshake sila ng kamay ni kuya Xander.

"Hi! I'm Xander! Maki's brother. And you are?"

"I'm Aidan."

And I'm outta here. I wish... :P

Siniko ako ni kuya. Binigyan ko siya ng malamig na titig. Bwiset sya. Tssss.

"Boyfriend ka ba nitong sister ko?" tanong ng usisero.

Tumingin si Aidan sa akin na parang nagtatanong kung ano bang tamang sabihin. Umiling ako. Siguro enough na yun para magets niya na sabihin kay kuya na hindi kami.

"Oo, girlfriend ko si Maki," sabay kindat sa akin. Si kuya Xander naman hanggang tenga ang ngiti.

SLOW BA TONG LALAKING MANYAK NA TO?

HINDI BA NIYA ALAM ANG IBIG SABIHIN NG ILING? AT IBIG SABIHIN NG MAG-ANTAY SA HARAP NG CONVENIENCE STORE?

"Kuya, alam mo---"

"Kuya Xander! If you don't mind me calling you that. I am so glad that I have finally met you!"

Kainis naman to! Di pa ko pagsasalitain!

"Kuya Xander, kasi ganito yun---"

"Oooops! Look at the time! Its almost 3PM!" may patingin-tingin pa siya sa relos niya. "I've reserved us a seat at this restaurant and I don't want us to be running late," sabay ngiti ni Aidan.

Talagang di ako pag-eexplain-in nito kay kuya ah.

"Oh sure sure! Enjoy kayo ah! Enjoy ka sa FIRST DATE mo Maki!"

Sheeeesh. Sarap batukan nitong dalawang to!!! -_______-

AlwaysWhere stories live. Discover now