Chapter 14

133 4 3
                                    

Chapter 14

[Maki's POV]

Isang linggo pa lang ang nakalipas, pero pakiramdam ko isang taon na. OA much?

Everyday lagi kong kasama si Aidan. As in!

Paano naman kasi laging bumibisita sa office namin. During lunch and after ng shift ko, andiyan siya. Kulang na lang magresign siya at mag-apply sa company namin e.

Yung mga ka-officemates ko naman, kilig na kilig sa kanya.

'Whattacatch!!!' sabi ni She. Kulang na lang magtitili ang bakla sa kilig at tuwa.

Natutuwa naman ako sa reaksyon nila. Pero tuwing sumasagi sa isip ko na less than 3 months na lang kami ni Aidan, nakakaramdam ako ng lungkot.

Ako yung taong di madaling ma-in love. Kaya medyo sigurado akong di pa ako na-iin love kay Aidan. Medyo lang naman.

Pero nagtataka ako kung bakit ganun na lang ang impact niya sa akin.

Pag gising ko sa umaga, hinahanap ko agad yung 'Good morning' message niya. Tuwing lunch naman, I'm half-expecting na pupunta siya sa office namin para sabayan ako maglunch. Parang hinahanap ko siya.

Matatawag mo na ba yun na "Love"?

Sorry na. First time ko lang kasi kung sakali.

Minsan nga tinanong ko siya kung nasaan yung office niya. Sagot niya sa Makati daw. Kaya bigla akong mabilaukan sa kinakain ko. Sa Eastwood pa kasi yung office namin. Kala ko diyan lang din sa Eastwood yung office niya, effort pa pala siya pumunta dito.

Kaya natutunan ko nang i-appreciate yung pagpunta-punta niya sa amin. Kahit rin namang sabihin kong wag na siyang pumunta ng lunch and after shift ko, pupunta pa rin siya. Matigas talaga ang ulo niya.

Nakokonsensya tuloy ako.

-------

Saturday.

May "date" kami ni Aidan. Di ko alam kung san. Sabi ko siya na ang bahala magplano.

Dapat magkikita kami ng 3pm. Kaso 3:50pm na wala pa siya. Kahit tumawag ako sa phone niya, di sinasagot.

Ni hindi rin nagtetext ang loko. Napagsawaan na yata ako.

Maya-maya, nakatanggap ako ng tawag from an unknown number.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

"H-hello?"

"Hello, is this Maki?"

"Yes, speaking." Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

"This is Shawn. Aidan's cousin."

"B-bakit?" siyete. Halata na sa boses ko ang panic. Pati yung kamay ko nanginginig na sa takot.

"Naaksidente si Aidan, he's in a critical condition. You have to go here immediately. I'll text you the details," tapos binaba na niya yung phone.

Aidan...

Napaupo ako sa upuan at naluha.

Aidan...

Nagflashback lahat ng moments namin. Kahit sa maikling panahon na iyon, mga less than 3 weeks, medyo napalapit na rin ang loob ko sa kanya.

Pinalitan ko ng maong pants ang dress na suot ko kanina. At nagmamadaling lumabas papunta sa ospital kung nasaan si Aidan.

-------

Pagkarating ko sa ospital, sinalubong ako ni Cale.

"Ano ba kasing nangyari?" tanong ko sa kanya.

"Di ko alam yung mga detalye e, kadarating ko lang rin a few minutes ago," sagot niya.

Lumapit kami sa isang doctor.

"Hi, you must be Maki," nakipag-shake ng hands si kuya. "I'm Shawn."

"Ah, ikaw pala yun,"

Tumango siya.

"He's my brother," sabi ni Cale.

"Ah. Kaya pala parehong gwapo," sabi ko.

Ngumiti si Cale at Shawn.

"Kamusta si Aidan?" tanong ko.

Yung mukha ni Shawn naging seryoso.

"As of now, inooperahan siya ng mga colleagues ko. I don't know yet. Aidan is a strong man, kakayanin niya iyon," sagot ni Shawn.

Maya-maya, tinawag si Shawn ng isang nurse. Umalis na siya kaya kami na lang ni Cale ang naiwan.

Awkward silence...

Sabay kaming nagbuntong-hininga ni Cale.

"Alam mo ang swerte mo kay Aidan," umpisa niya.

Napatingin ako sa kanya sa bigla. "Bakit naman?"

"Never pa kasing nain-love ng ganito si Aidan. Yeah, he was a flirt. He had so many GFs before. Pero never din niyang pinakilala or kinuwento sa amin, " he smiled. "And, when I saw him look at you... I thought, 'Wow, naiinlove din pala tong gagong to'."

"Bakit ba kasi ang dami niyang GF dati?"

"Pampalipas oras. Bored kasi siya. At malungkot."

Napansin niya yata na mukha pa rin akong confused.

"Nung naghiwalay yung parents niya, sumama yung twin brother niya sa mom nila. Kaya naiwan si Aidan sa tatay niya."

"Hindi ba niya hinanap yung twin brother and mom niya?"

"Hinanap niya. Pero recently lang sila nagkita ulit. I don't remember when exactly... Uncle Tyler is one of the most stubborn and strictest person I know. So lumaki si Aidan sa ganun. Hindi niya naranasan yung maglaro sa labas kasi madalas pinapag-aral lang siya ng dad niya sa study room nila. Home-schooled din siya until high school. Pero he is very smart. Nag summa cum laude siya nung college. Sa college, sobrang dami niyang friends pero only a handful of them are the ones he really trusts. Hindi siya yung taong madaling mag-open up. He gradually changed nung nameet niya again yung brother niya. Pero cautious pa rin siya sa tao... At kahit na sa harap mo mukha siyang masayahin, deep inside para pa rin siyang bata na naghahanap ng kalinga ng ina,"

"Ah, I see..."

Nalungkot ako lalo. Bakit ba kasi biglang kinwento ni Cale ito? Pakiramdam ko naging masama ako sa kanya. Parang maluluha tuloy ako. Pusong mamon kasi ako.

"Uy, wag kang umiyak. Baka malagut ako niyan kay Aidan," sabi ni Cale. Pinunasan niya yung luha ko gamit yung panyo niya.

"Salamat..."

Nakaupo lang kami ni Cale, pareho kaming tahimik.

Wala pang 15 minutes lumabas na mula sa operating room ang doctor.

"Its a success," sabi niya sa amin. "But, it will take time before he can wake up. Ililipat na namin siya sa ICU for further observation" tapos umalis na siya.

Medyo lumuwag na ang paghinga ko after malaman ko yun. Di ko mapigilang maluha ulit.

Si Cale naman binigay na yung panyo sa akin.

"Di kita pinaiyak ah," sabi niya.

Ngumiti naman ako.

Sana magising na si Aidan soon.

AlwaysWhere stories live. Discover now