Chapter 7

173 3 1
                                    

Chapter 7

[Maki's POV]

At yun nga, nahimatay yung lola nyo at dinala ng kanyang Prince Charming este ni Mr. Manyak sa isang kanyang mamahaling kotse. Tapos todo paypay tong si Mr. Manyak.

"You okay?" tanong niya.

Ako naman medyo bumabalik na yung conciousness ko. At wag nyo ng tanungin kung pano ko nalaman yung mga nangyari sa itaas. Syempre nagassume ako... >___<

So pinainom niya ako ng tubig. Ah! Ang sarap ng tubig! :P

"Thanks," sabi ko. Ngumiti siya, pero bakas pa rin ang pagaalala.

"Sorry kanina ah," sabi niya bigla. Tiningnan ko lang sya habang iniinom yung tubig. Hay naku, onti na lang talaga kuya at ipapapulis na kita. Dahil ninakaw mo ang puso ko... Eeeep... corny. -_____-

Tama. Mag-sorry ka. Kasi pagkakataon ko na yun para mameet in person si Cale ng bandang Hyperion pero sinira mo ang pagkakataong yon! "Sige na, gising na ko. Lalabas na ako,"

"Ay ganun ganun na lang?" Pinigilan niya ang kamay ko ng bubuksan ko na yung pinto ng passenger seat. Lumapit pa siya sa akin. Yun bang yung mukha niya a few inches close sa mukha ko. Kulang na lang halikan niya ako ulit. Tinitigan niya ang mata ko.

Anak ng tinola!

Ang lakas ng tibok ng puso ko!

Tinulak ko siya papalayo. At kunwari inayos yung kung anuman ang gusot ng dulo ng tshirt ko. Mukhang tanga lang.

Awkwad silence...

"So, uh, yung kaninang lalaki, hindi mo yun boyfriend diba?"

Tumaas yung kilay ko. "Kung anu-anong pinagsasabi mo sa kanya kanina tapos ngayon tatanungin mo kung boyfriend ko siya? Wow ah,"

"Hindi nga?"

"Hindi ko po siya boyfriend. Pasalamat ka at hindi ko rin yun manliligaw. Pero sinira mo ang chance kong makita ng personal si Cale,"

"Sinong Cale?"

"Wala ka na don!" -________________-

"Si Cale ba ito ng Hyperion? Yung papel ba na winagawayway ng lalaking yun ay yung ticket sa concert ng Hyperion?"

"WALA KA NA DON!"

Ngumisi siya. Sarap batukan nitong mokong na to ah.

"If that's the case then your in luck!"

Nagsalubong kilay ko. In luck?

"B-bakit?"

"Basta. Kung sumama ka sa akin, malalaman mo."

Amfufu naman nitong manyak na to. Ano ako? Bata na sasama na lang bigla sayo? "Sa tingin mo sasama ako sayo ng ganun kadali? Ayos ah,"

"Ba't ayaw mo?" tanong niya. "Takot ka bang mahalikan ulit?"

"Thats none of your business!" piksi ko. Leecher! Ngungudngod ko na ulo nito sa wheel ng kotse niya e. Kaso wag na lang, kawawa yung wheel.

"Its my business now. You're going to be my girlfriend for three months."

Uminglish pa tong tofu na to. "Sino nagsabi sayong pumapayag akong maging girlfriend mo ng three months?!"

"Okaaay... for 7 months then. Kung ayaw mo ng 3 months."

Ayun na.

Di ako nakapagpigil. Binatukan ko si kuya.

Siya naman, parang natawa lang, Yun bang parang kiniliti ko lang.

AlwaysWhere stories live. Discover now