--- Continuation
Nagtagal ng mahigit tatlong oras ang concert ng Hyperion. Kahit tatlong oras yung concert, napaka-energetic pa rin ng Hyperion boys at ng kanilang mga fans. Kinanta nila ang tatlong hit songs nila nung patapos na ang concert. Hiyawan talaga ang mga fans. At isa na ako dun.
Ang huling kantang kinanta nila ay yung "Always", ang latest number 1 hit nila. Nagbigay ng maikling introduction si Cale tungkol dun. Maya-maya'y, tinawag kami ni Cale para pumunta sa ibabaw ng stage. Habang kinakanta yun ni Cale, hinawakan ako ni Aidan sa kamay at humarap sa akin. Medyo bumilis nga ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa kilig sa boses ni Cale o sa pagkinang ng mga mata ni Aidan habang tinititigan ako.
Buti na lang at nag-ayos ako bago pumunta sa concert. Nakakahiya naman kasi kung makita ng audience si bruha at ang mga gwapong lalaki (Aidan + Hyperion) sa stage.
---
"Always" by Hyperion
Written by: Cale Ashton of Hyperion
(SONG ORIGINALLY WRITTEN BY JENNOAKSIE)
I never believed in love
So I'd always played around
I never thought I'd meet you
Coz soulmates are for fools
Yet when I saw you right then and there
My heart leapt and I was frozen
I never knew this day would come
You changed my heart
You made this man believe
That he can make it through
Through the ups and downs of life
Be there with me always
Coz, baby, look me in the eyes
There are many people around
But you're the only one I see
Coz, lady, you'll be my last
You're the one I want to kiss
You're the only one, my love for always
Now I know that to be with you
Is just where I am supposed to be
I never felt like this before
So please don't ever leave me
You could be just a fleeting dream
A dream thats truer than true
After this night embrace me tight
I won't ever let you go
Coz, baby, look at me in the eyes
There are many people around
But you're the only one I see
Coz, lady, you'll be my last
You're the one I want to kiss
You're the only one, my love for always
You are the one I love
My last love
Let me be with you for always.
---
Pagkatapos ng concert, dumiretso kami sa dressing room ng Hyperion. Ang lola mo naman sobrang excited kasi mamimeet na niya in person ang nagagwapong Hyperion boys. Siopao! Fuma-fangirl na naman ang lola niyo!
Medyo dumistansya amigo lang ako kay Aidan, kasi after nangyari yung "sweetness" sa stage parang ang awkward na tumabi sa kanya. Ewan ko. Feeling ko lang. :P
Kaya ayun nasa magkabilang dulo kami sa couch. Ang awkward talaga...
Maya-maya isa-isa ng dumating ang members ng Hyperion.
Unang dumating si Cale. Si Cale my labs (Ngek, ang lande!).
"O bat ang layo nyo isa't-isa? May LQ ba kayo?" tanong ni Cale. Kami naman ni Aidan, nagkatinginan.
"Ang init kasi e," pagdadahilan ko sabay ngiti. Umupo si Cale sa upuan na malapit sa akin.
Sina Skye at Tyler naman ang next na pumasok. Umupo si Tyler sa gitna namin ni Aidan. Napatingin ako kay Cale, na mukhang nagpipigil ng ngiti. Tapos pumasok na si Joon kasabay si Demetra. Mukhang napakalalim ng pag-uusap nila.
"So everyone's here," umpisa ni Cale. "Guys, this is Maki, my cousin's girlfriend,"
Nakipag-shake ng hands sa akin yung mga miyembro ng banda. Siopao! Ang popogi nila.
"Hi, I'm Skye. Nice to meet you," ngumiti ako.
"Nice to meet you as well," sagot ko.
Si Skye Trueheart ang guitarist. He has piercing green eyes with blond hair. Siya ang may pinakamaraming fangirls sa Hyperion. Siya rin daw ang pinakagwapo. Siya rin ang may pinakamaraming endorsement deals among the members.
"I'm Tyler," and I shook hands with him.
Si Tyler Acres ang drummer. Ty ang tawag sa kanya ng mga tao. Siya ang pinaka-athletic sa banda. Madalas siyang nakikitang mag-guest sa mga variety shows. Currently airing din ang first drama niya.
Si Yoo Joon William Bae - Lefebvre ang bass. Haba noh. Kaya Joon for short na lang. Isang French-Korean. Pero sa tagal ng stay niya dito sa Pinas, medyo fluent na siya sa tagalog. Siya lang sa tatlo ang walang dugong Pinoy. Pero ayon sa kanya pusong Pinoy naman daw siya.
Lastly, si Cale Ashton. Isang singer/songwriter/composer/mode/actor. Oh diba, ang multitalented ni Cale! Kilig much!
"Ehem, ehem!"
Napatingin ako sa direskyon ni Aidan. Nakatingin lang siya sa akin.
"Mukhang nagtatampo sa iyo si kuya Aidan ah. Tabihan mo na kasi, Maki," sabi ni Cale. "Si kuya Aidan kasi pakipot pa,"
Si Ty biglang tumayo at pumunta sa may gilid ng kinauupuan nina Joon at Demetra.
Hinawakan ako sa kamay ni Cale at dahan-dahan tinabi kay Aidan. Tapos hinawakan naman ni Aidan yung kabila kong kamay. Abot tenga yung ngiti ng mag-pinsan.
Anak ng tokwa naman oh. Parang pinaglalaruan ako ng dalawang to.
"So, Maki, how did you and Aidan met?" tanong ni Cale.
Nagkatinginan kami ni Aidan. Siomai! Anong sasabihin namin? Di pa namin napaguusapan yung isasagot sa tanong na yan!
Si Aidan naman ngumiti lang. "Next question, please," sabay hawak ng dalawa niyang kamay sa kaliwang kamay ko.
"Oh, please, I'm kinda curious," si Demetra naman ang nagsalita. Yung boses niya medyo husky.
"Alright," sabi ni Aidan.
Alright? Alright?! Wag niyang sabihin magiimbento siya ng story right then and there?!
"But its only my side of the story," tuloy pa niya.
My side your pwet!
"Your side?" tanong naman ni Ty.
"Yes. Maki doesn't know about this," sabay ngiti hanggang tenga.
"Let's hear it," sabi ni Skye.
"Okay. It all began two months ago..."
Two months ago? Aynako! Aidan masasabunutan talaga kita after nito!
ESTÁS LEYENDO
Always
RomanceAno kayang mangyayari sa love story ng ating bidang NBSB kung bigla syang magkaroon ng relationship with someone she just met? Just read and find out! :))