Chapter 17
[Maki's POV]
From: Mr. Manyak
To: Maki
I miss you :)
Ang clingy nitong si Aidan. Pero kinilig ako dun ah.
From: Maki
To: Mr. Manyak
Magpagaling ka na. Di yung kung anu-ano pinagtetetext mo! :P
Nasa labas lang naman ako ng kwarto niya at katabi si Tony. Kelangan pang mag-text? *Kilig*
From: Mr. Manyak
To: Maki
I love you too! :*
Siomai.
Kainis ka, Aidan.
Bakit mo masyadong pinapatibok ang puso ko?
Nagring ang cellphone ko. Si Jerome ang tumatawag.
"Hello, Jerome... napatawag ka?"
Si Tony napatingin sa akin nung binanggit ko ang pangalan ni Jerome. Balak pa yata niyang tanungin kung sino si Jerome kaso nagring din yung cellphone niya. Tumayo siya at lumayo sa kinauupuan ko para sagutin iyon.
"Maki?"
"Yes?"
"I heard that your boyfriend met an accident,"
Parang lasing to ah. He's slurring.
"Kanino nanggaling yang balitang yan?"
Nagbuntong-hininga siya.
"Maki. I need to talk to you,"
"Bakit? Para saan?"
"Wala na ba talaga akong pag-asa sa iyo?"
"Jerome, may boyfriend na ako,"
Bigla kong narinig ang pagbasag ng bote.
Asan ba tong taong to?
"Jerome?"
"Maki... Kung hindi rin lang magiging tayo, mas mainam pang mawala na lang ako..."
Hala. Anong pinagsasabi nito?
"Jerome? Asan ka ba?"
May narinig akong mga taong nagsisigawan sa background.
"Hoy kuya! Wag lang tatalon!" sabi nung isang boses.
Tatalon? Tatalon si Jerome?
Magpapakamatay ba tong lalaking ito?
"Jerome? Nasaan ka? Pupuntahan kita,"
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at lumabas mula sa ospital.
"Jerome, nasaan ka?" ulit ko.
Naputol ang linya.
Kainis!
Tinawagan ko si Kris. Agad naman niyang sinagot ang phone niya.
"Kris?"
"Maki!!! Kanina pa kita tinatawagan! Si Jerome!"
"Nasaan si Jerome?"
"Nasa Williams Bridge (oops, reader. imbento lang po yan ni author)! Tatalon na siya!"
"Pupunta na ako diyan!"
Nagpara na ako ng taxi at pinamadali ang driver papuntang Williams bridge. Buti na lang at medyo magkalapit ang ospital dun. Sana umabot ako.
---
Pagdating ko sa Williams bridge, maraming tao ang pumipigil kay Jerome na tumalon.
Wasak talaga ang itsura niya.
Nung nakita niya ako, bumaba si Jerome mula sa pagkakatayo niya at tumakbo sa akin.
Niyakap niya ako ng mahigpit. Yung pisngi niya basa. Basa sa luha?
"Maki, please don't leave me,"
Yakap yakap pa rin niya ako.
"Mapaguusapan naman natin ito. Bakit ka pa tatalon dun?"
Nakita ko sina Kris at She lumapit sa amin. Pareho silang tahimik.
"Anong nangyari?" tanong ko sa kanila.
Kumalas ako mula sa pagkakayakap ni Jerome. Pero yung kamay niya mahigpit pa rin ang hawak sa kamay ko.
"I think its better if tayo muna ang mag-usap," sabi ni Jerome.
Mukhang bumalik na siya sa katinuan niya. He gained back his composure. Pero lasing pa rin.
"Lets go somewhere quiet," tuloy niya.
Si Kris susundan din sana kami kaso pinigilan siya ni She.
Sinundan ko naman si Jerome.
E ano ba naman magagawa ko. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin. At ayaw ko naman na maulit yung kanina.
Ano kayang paguusapan namin?
---
Nagdrive si Jerome papuntang park. Umupo kami sa isang bench.
Ni isa sa amin walang imik.
"Maki," umpisa niya. "Wala na ba talaga akong pag-asa sa iyo?"
Ang kulit naman nitong taong to.
"Ilang ulit ko nang sinabi na may boyfriend na ako, Jerome," sagot ko.
"Kilala ko ang boyfriend mo. Siya si Aidan Taynne. Isang notorious playboy. Alam mo ba yun, Maki?"
"Oo."
"Sasaktan ka lang niya, Maki. After ilang weeks or months, baka iwanan ka lang niya,"
Actually, in less than 3 months maghihiwalay na talaga kami. Pero di ko sinabi yun.
"Concerned lang ako sa iyo, Maki. Dahil mahal na mahal kita." sabi niya.
Alam mo yung feeling na nakokonsensya ka dahil di mo deserve yung bait ng tao sa iyo. Di ako makasagot kasi wala talaga akong masabi sa sinabi niya.
Ilang ulit na niyang sinabi na mahal na mahal niya ako. Noon pa niya sinabi na handa niya akong pakasalan. Noong college pa kami. Pero di ko siya pinapansin. Mas priority ko kasi ang pagaaral at nung nagtapos kami pinariority ko ang trabaho.
Bakit naman kasi di ka matinag, Jerome... Ako tuloy ang nahihirapan sa iyo...
Edi sana nagka girlfriend ka na. Nung college pa.
Bakit mo kasi ako hinintay...
Ang tagal ko ng sinabi sa iyo na hindi magiging tayo pero umaasa ka pa rin...
"Jerome." pangalan lang niya ang nasabi ko. Di ko na alam ang sasabihin sa kanya. Nung una pa lang kasi sinabi ko na na hindi magiging kami. Hindi. Dahil hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.
Niyakap naman niya ako bigla.
"Maki. Ang tagal kitang minahal... pero dun lang sa isang playboy ka mapupunta? Bakit ganun?"
Ang higpit ng pagkakayap niya sa akin. Pakiramdam ko di na ako makahinga.
Maya-maya'y kumalas siya sa pagkakayakap. At tiningnan ako sa mga mata.
Kahit medyo madilim nun at tanging yung street lamp lang ang liwanag sa area na iyon, kitang kita sa mga mata niya na basang-basa ito ng luha at punum-puno ng lungkot.
Di ko na-predict na after nun, bigla niyang akong hahalikan...
YOU ARE READING
Always
RomanceAno kayang mangyayari sa love story ng ating bidang NBSB kung bigla syang magkaroon ng relationship with someone she just met? Just read and find out! :))