Chapter 2

336 3 0
                                    

Chapter 2

[Maki's POV]

"So if we combined these two processes, we could save more money..."

"Nakakaantok na, Lio. Matatapos na yung shift di pa rin tayo tapos dito, oh," napatingin si Lio sa akin. Kanina pa kasi siya nagdidiscuss ng ideya niya kung paano i-improve yung mga proseso sa kumpanya namin kaso nahihirapan kaming makakuha ng magandang ideya.

"Sige na guys, break na muna tayo. Mukhang malapit na kong sakalin nitong si Art," sabi ni Lio. Tumawa lang si Art. Sa totoo lang, kanina pa ko sinisiko ni Art para sabihin kay Lio na magbreak muna kaso nahihiya ako. Pero nung narinig ko ng tumunog yung tiyan ni Art, naawa na ko sa kanya at sinabi na kay Lio na nakakaantok na siya.

"Saan tayo kakain?" tanong ni Kris. Siya ang bestfriend ko dito team namin. Habulin siya dito sa office kaso wala siyang type sa mga umaaligid sa kanya.

"Sa KFC na lang. Tagal ko ng di nakakakain sa fastfood e!" Sagot ni Erol. Nagcommit kasi si Erol na hindi kakain sa fastfood chain ng isang buwan. Healthy living na daw sya... hindi halata. :P

Anim kami sa team namin. Si Lio ang team lead, si Art, Erol, She, Kris at ako. Si Kris ang pinakaclose ko dito kasi kami lang yung dalawang babae. At saka magkatugma yung ugali namin. Siya kasi yung taong sinasabi kung ano yung nasa isip niya. Dun ako hanga sa kanya. Napaka-confident nya. Siya rin ang confidante at taga-encourage sa akin.

"Hay naku, sana lang wag nating masalubong yung stalker mo noh!" binatukan ko si She. "Ano ka ba teh, pag ganun na kasi ka-obsess sayo yung tao, nakakawala ng thrill! Nawawala yung hotness ni papa Jerome!"

"Anong pinagsasasabi mo diyang bakla ka?" binato ni Kris si She ng eraser.

"Kasi naman tong friendship natin ayaw pa magpaligaw magte-24 ka na, wala ka pa ring boyfriend as in everrr? Nakabog tuloy kita kahit di ako kagandahan!" Sinabunutan ni Kris si She. Natawa lang ako. Kunwari busy sa pagliligpit ng mga papel na ginamit namin para sa brainstorming kanina pero sa totoo lang ilang beses na rin yang sumagi sa isip ko. Mukhang tatanda akong dalaga. Yung mga lalaki namin, halatang pinipigil yung tawa. Baka magkwento na naman ng mga guy ex tong si She.

"Alam mo girl, naalala ko si Tony kay Jerome. Ang hotness ng build nilang dalawa! Pero mas macho syempre si Tony ko!"

"Bakit kasi ayaw mo pa kay Jerome? Mayaman naman siya, gwapo, macho? Ano pang gusto mo?" biglang tanong ni Kris.

At ito naman ang sagot ko na pang miss universe. Na pang-ilang ulit ko ng sinagot sa kung sinu-sinong taong nagtanong. "Di pa kasi ako ready sa commitment."

Ilang beses na yang narinig mula sa akin ni Kris pero ilang beses pa rin niyang tinatanong. Syempre umaasa syang baling araw ay magbago rin ang isip ko.

Si Art ang unang tumayo. "O sya, tara na at kumain Hilingin mo na lang na wala dun si stalker! Kung di hanggang pag-uwi bad trip ka na naman!"

Natawa ako. Oo nga naman. Sinong di mababadtrip sa ganung tao. Araw-araw ka ba naming sundan, itext, tawagan, etc. At kung tatawag o magtetext sya laging siya ang topic. Kung hindi ang sarili niya ang topic, yung kayamanan nila.

Aysaucer! Ang sakit sa ulo na makinig sa kanya!

***

Umuwi na rin kami pagkatapos kumain since tapos na yung shift namin. Sabay kaming umuwi ni Kris ngayon. Nasira kasi yung makina nung sasakyan nya.

"Maki, gusto mong gumimik ngayong gabi?" tanong nya. Yung mga mata kumikislap kislap pa o imahinasyon ko lang yun (haha).

"Bakit bigla kang nagyayaya?"

"Kakabukas lang kasi ng bar ng isa kong kaibigan kaya nangiimbita siya!"

"Ba't mo ko isasama? E ikaw ang niyayaya,"

"Hello? Chance mo na kaya yun para makakilala ng ibang guys noh!"

"Wala akong hilig sa mga ganyan e. Tsaka kung makakakilala ako ng mga lalaki doon, sigurado akong puro may mga bisyo yun... o kaya babaero!"

"Sige na, Maki! Please! Gusto ko talagang sumama ka! Please!" Niyakap niya ko tapos nagpout.

"Feeling cute! Hmp! Sige na nga!"

"Yes! Oh, magkita tayo mamayang 8pm ah!"

Tumango lang ako. Ano ba tong napasok ko. Ang hirap tumanggi sa taong napakaclose mo. Ba't ba kasi napakalambot ng puso ko ( ang kapal lang!). ;)

Pag-uwi ko sa bahay, nadatnan ko si Ate Dory.

"Maki!" Niyakap nya ko ng mahigpit. "Namiss kita!"

"Namiss din kita Ate Dory! Medyo matagal ka ring nawala. Kamusta ang Japan?"

"Nakakastress! Yung kliyente namin dun napakademanding, mababaliw na ko! Sobrang perfectionist nya! Nakakabaliw!"

Natawa ako kay Ate Dory. Mahilig kasi sya sa salitang "Baliw". Madalas bawat sentenced niya may "Baliw" na nakasiksik. Kaya nga baliw na baliw si kuya Xander sa kanya e.

"Ikaw? Kamusta work?"

"Ayun, nakakabaliw!" Binatukan ako ni Ate Dory.

"Wag mo nga akong gayahin! Hahaha!"

"Ay ate, niyaya pala ako ni Kris na pumunta ng bar... e first time ko yun... tulungan mo naman po ako kung anong susuotin. Baka kasi pag yung normal kong mga damit yung suotin ko ay baka mapahiya ko si Kris. Mga sosyal pa naman mga kaibigan nun."

Ngumiti si ate Dory at niyakap ako ulit ng mahigpit.

"Akong bahala sayo!" :)

AlwaysUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum