Chapter 4
[Maki's POV]
Ang weird ng panaginip ko kagabi.
May humalik daw sa akin na gwapong lalaki. Matangkad siya with matching blue eyes.
Pumikit ako at pinilit alalahanin yung panaginip ko...
"Hi Kate, Kate's friend," sabi ni kuyang gwapo.
"Who's this?" tanong ng isang babae. Nakaplunging neckline si atey. Taray!
"My girlfriend," sagot ni kuyang gwapo. Napatingin ako kay kuya. Magsasalita n asana ako kaso naunahan ako ni ateng plunging neckline.
"Doesn't look like it, prove it,"
"Okay," si kuyang gwapo dahan-dahang yumuko at hinawakan ang pisngi ko. At hinalikan ako. Sa lips.
Oo. Tama. Tumpak.
Sa lips.
Kinuha ni kuyang gwapo ang first kiss ko. >_<
Pero imbes na magalit, nagulat lang ako. Iba kasi yung feeling. Napakagentle ng halik niya. Ang init ng mga labi niya. At ang lambot.
Tapos na ang halik niya pero tulala pa rin ako. Di ko alam kung napansin nina Kate and Kate's friend yung reaksyon ko.
"You want me to do it again?" tanong ni kuyang gwapo pero alam kong para kay Kate yung tanong.
Umiling si Kate at hinila si Kate's friend palabas ng CR. "B*tch!" rinig kong sigaw niya.
Matagal-tagal rin bago kami nagkausap ni kuyang gwapo.
"Sorry for involving you," aniya.
Hindi ako makangiti dahil sa shock. Tanga na kung tanga. Di lang talaga ako makareact.
Ano bang sasabihin ko? Anak ng tilapia...
"I'm Aidan by the way," inabot nya ang kamay niya.
"I-I'm Maki," inabot ko rin ang kamay ko.
Palabas na kami ng CR ng bigla niyang sinabing "I owe you one,". Napalingon ako.
Nakangiti si kuyang gwapo este Aidan pala. Ang puti-puti ng ngipin niya. Argh! Kelangang pigilan ang kilig! >_<
Tinitigan ko lang siya. Ano ba, Maki! Titig ka lang ng titig!
"Are you okay, Maki?" tanong niya. Englisherong palaka. Marunong kaya tong magtagalog? Nakarating kami sa may pwesto ng bartender. Pinaupo niya ako sa malapit sa pader at tumabi siya sa akin.
"Yes. I'm okay. I was just shocked... That was my first..." tinakpan ko bigla yung bibig ko. Palakaa! Muntik ko ng masabing first kiss ko yun.
"That was my first, too!" Sabi niya.
Sumimangot ako. Weh? Hindi ngaaa? -_-
"It's the first time I kissed a stranger on the lips," sabi niya.
Aaah, okay... kala ko first time din niyang mahalikan sa labi...
"First time ko namang mahalikan sa labi," pabulong kong sabi. Ngumiti si Aidan. Naintindihan mo ba yun kuyang Englishero? :P
"Isang basong tubig nga," sabi niya kay kuyang bartender.
Buti na lang medyo madilim kaya di niya nakitang bumilog ang mata ko... O_O
"N-Nakakaintindi ka ng tagalog?" okay... parang tanga lang... malamang, kakarinig mo lang sa kanyang magtagalog e.
"Yes. I am half-Filipino," sagot niya.
Nakakaloka. Narinig kaya niya yung sinabi ko kanina?
"So, its your first time to be kissed on the lips, hmmmm... interesting..." ngumiti siya at tumingin sa labi ko. Napatingin ako sa nilagay na basong may tubig ni kuyang bartender.
"Just kidding!" Naku, ang cute talaga ngumiti ni kuya!!! "Before I go, here is my card." Inabot niya sa akin yung calling card niya. "If ever you need anything, just call me! I owe you one, right" sabay kindat.
"Sure," sagot ko. Siguro kung hindi ganyan kagwapo si Aidan, nasampal ko na siya. Pero may something sa kanya na kakaiba... hindi ko lang mapinpoint kung ano...
"Thanks talaga! Sige, bye!" Nagshades si Aidan at umalis.
Nung nakaalis na si Aidan, bigla kong naalala si Kris. Dali-dali akong umakyat papunta sa kanya.
Nakita ko siyang nakahiga na sa mahabang upuan, buti na lang medyo tago itong pwesto na ito. Umupo ako sa tabi ni Kris. Tulog na ang loka. Tinawagan ko si kuya Xander para sunduin kami.
Ilang minuto ang lumipas, dumating na si kuya. Siya ang nagbuhat kay Kris.
Hello? Mas maliit ako kay Kris, di ko siya kayang buhatin.
"Lakas talaga uminom nitong kaibigan mo,"
Tumango lang ako at sinundan si kuya papuntang kotse niya. Inaantok na ko kaya di ko na masyadong napakakinggan yug mga sinasabi niya... Zzzzz...
YOU ARE READING
Always
RomanceAno kayang mangyayari sa love story ng ating bidang NBSB kung bigla syang magkaroon ng relationship with someone she just met? Just read and find out! :))