Chapter 16
[Maki's POV]
"Maki, gumising ka na diyan," naramdaman ko yung halik ni Aidan sa pisngi ko. "Nagluto na ako ng breakfast natin." dagdag niya.
"Aidan? Gising ka na?"
"Oo naman. Kanina pa. Tara, kain na tayo ng breakfast,"
Inalalayan niya ako pababa ng kama at kinarga papuntang dining room.
"Ibaba mo nga ako, Aidan. Kagagaling mo lang ng surgery. Baka bumuka iyang tahi mo!"
"Magaling na ako. Don't worry,"
Dahan-dahan niya akong pinaupo sa upuan.
"Lets eat?" tanong niya.
Tumango ako.
Pareho kaming tahimik habang kumakain. Pero hindi maalis sa mukha ni Aidan yung ngiti niya. Babatukan ko na talaga to e.
"May dumi ka sa gilid ng bibig mo," sabi niya.
Akala ko pupunasan niya yung nasa gilid ng bibig ko. Tumigil kasi yung kamay niya halfway.
Instead, yung baba ko yung hinawakan niya at hinalikan ako...
-------
Nagising ako bigla.
Ang lakas kasi ng tawa ng katabi ko.
Nakita ko na katabi ko pala si Tony, siya yung tumatawa. Si Aidan naman nakangiti, yung kamay niya nasa ulo ko.
"O bat kayo tumatawa?" pataray kong tanong.
"Wala lang," sabi ni Tony.
Si Aidan todo ngiti pa rin kahit tumigil na sa kakatawa si Tony.
"Sabihin ko na ba Aidan," tanong ni Tony sa kapatid.
"Sabihin mo na!" ako yung sumagot para kay Aidan.
"Umuungol ka kasi habang natutulog ka... tapos lagi mong binabanggit yung pangalan ni Aidan," sabi ni Tony.
Feeling ko nagblush ako.
Siomai!!!
Nakakahiya!!!
"At di lang yun..." si Aidan ang nagsalita. Ang weak ng boses niya. Pinahaba niya yung nguso niya.
"Ganyan ginagawa mo kanina," tuloy ni Tony sabay tawa.
Beef Siomai!!!
Seryoso nga?!
Nakakahiya!!!
"Kiss mo ko, Aidan," tapos nagyakapan si Tony at Aidan. Pinahaba din ni Tony yung nguso niya.
Bwiset tong kambal na to ah!
"Magsitigil nga kayo!" Nagwalk-out ako.
Mukha na siguro akong kamatis sa sobrang pagblush.
-------
Umupo ako sa may mga bench sa labas ng kwarto ni Aidan.
Minutes later, dumating si Cale. May dala-dala siyang mga prutas. Tinabihan niya ako.
"Kamusta?"
"Ok naman si Aidan," sagot ko.
"Hindi. Ikaw. Kamusta ka? Nakakakain ka ba ng maayos kahit nag-aalala ka kay Aidan?"
"Sakto lang," ang tipid ng sagot ko.
Sa totoo lang, hindi talaga ako makakain ng maayos dahil sa pag-alala ko kay Aidan. Lagi akong walang gana kumain.
"Bakit? Nangayayat na ba ako agad?"
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Hindi pa naman," sagot niya.
"Hindi ka ba papasok?"
"Mamaya na lang muna," sabi niya.
"Bakit?"
"Sasamahan muna kita dito," tapos ngumiti siya.
Siguro kung di ko pa nameet si Aidan tapos magkatabi kami ng ganito ni Cale, kikiligin ako ng bongga.
Yung kilig ko dati tuwing makikita ang mukha ni Cale nawala na. Instead, parang kay Aidan nabaling.
Tuwing nakikita ko kasi si Aidan, ang lumalakas ang tibok ng puso ko. Wala naman akong heart problem noh. I checked.
At may kung anong tuwa akong nararamdaman kahit katabi ko lang si Aidan.
"Ang lalim naman ng iniisip mo," sabi ni Cale.
"Ganun talaga ako. Deep thinker," sagot ko.
Ngumiti siya. At tinitigan ako. Tapos bigla niyang binawi yung titig niya.
"Isa ka rin palang deep thinker," sabi ko.
Natawa siya.
"Not as deep as you," sagot niya.
Pareho kaming natawa. Tapos napatigil.
Insert awkward silence here.
Lumabas mula sa kwarto ni Aidan si Tony.
"Oh, Cale, nandiyan ka na pala. Kanina ka pa hinihintay ni Aidan," sabi ni Tony.
"Sige, pasok na ako," sabi sa akin Cale at nagmamadali siyang pumasok.
Umupo naman si Tony sa tabi ko.
"Close kayo?" tanong bigla ni Tony.
"Hindi naman masyado," sagot ko. "Bakit?"
"Reminder lang ah. Kung babaero si Aidan, mas babaero si Cale," ngumiti siya. "Reminder lang naman."
"Para saan?" tanong ko.
"Wala lang," sagot niya.
Kung may natitira man akong kiligness kay Cale, nawala na iyon simula ng mahulog ang loob ko kay Aidan.
YOU ARE READING
Always
RomanceAno kayang mangyayari sa love story ng ating bidang NBSB kung bigla syang magkaroon ng relationship with someone she just met? Just read and find out! :))