Chapter 13
[Maki's POV]
Buong araw akong bangag.
Hindi ako makausap ng maayos sa office kasi hindi ko talaga makalimutan yung nangyari kahapon.
After kasi naming magkatitigan ni Aidan, bigla na lang niya akong hinalikan.
Hinalikan niya ako sa harap ng Hyperion at ni Demetra. Habang busy sila sa pagkwentuhan ng kung anumang topic na di ko talaga maalala.
Mahilig talagang manghalik tong mokong na ito.
Pero after nun kiss na iyon, hindi naman ako nakaramdam ng inis. Parang nabitin pa nga ako e.
Kaso di ko pinahalata sa kanya at sa iba. Kahiya noh.
Naghiyawan yung Hyperion after ng kiss na iyon. Si Demetra naman abot tenga ang ngiti.
At bukod sa backstory ni Aidan, may isa pa akong nalaman.
Actually daw, nauna ng nakwento ni Aidan yung backstory niya kay Cale. Tapos nagrequest siya kay Cale na kung pwede gawan ng kanta yun. Kaya yun. Nabuo ang kantang "Always".
Sabi pa nga ni Cale, may naiisip na naman daw siyang kanta para sa amin. "Eternal Kiss" ang title.
Wow ah.
Bongga.
As if magiging "Eternal" kami ni Aidan. E hanggang 3 months lang tong pagkukunwari namin.
Nakaramdam tuloy ako ng lungkot.
3 months.
Maraming pwedeng mangyari sa loob ng 3 months... Pero napakabilis rin ng panahon.
Nagliligpit na ako ng gamit ko para makauwi na. Kasabay ko ulit si Kris umuwi ngayong araw.
Iniisip ko nga kung sasabihin ko sa kanya ang tungkol kay Aidan... Wag na lang kaya muna?
"Nalunod ka na ba?"
"Ha?" napalingon ako. Si Kris yung nagtatanong.
"Ang sabi ko kung nalunod ka na ba?"
"Nalunod?"
"Ang lalim kasi ng iniisip mo,"
"Ah, wala lang yun. Di importante."
"Talaga?"
"O-Oo..."
Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Biglang nagflash yung mukha ni Aidan sa isip ko, naalala ko yung moment na bigla niya akong hinalikan. Napapikit tuloy ako involuntarily.
"May boylet ka noh?" sabi ni Kris.
"H-Ha?"
"Ramdam ko, meron! Sa wakas!!!"
"Tsk. Kris naman e,"
"Wooh! I'm so happy for you friend!" sabay yakap niya sa akin. "Sino ang maswerteng nilalang na ito?"
"Kris naman e, umuwi na nga tayo. Masyado ka ng stressed. Kung anu-ano na yung naiisip mo,"
Hinila ko na siya palabas.
Hanggang paglabas namin ng building halatang excited na excited siya.
"Sino ba kasi, Maki?" nagpa-cute pa siya sa harap ko. "Sino?"
Di ko siya sinagot. Paano ko maeexplain yung sitwasyon namin ni Aidan? Its complicated!!!
Tatawid na sana kami nang biglang may humintong itim na kotse.
For some reason, parang alam ko na kung sino ito... pero umaasa akong hindi siya iyon.
Bumaba mula sa kotse ang driver. Nakashades pa ang loko.
"Hi, ladies!"
Ang mga mata ni Kris, naghugis-puso. Well, figuratively speaking lang naman.
"Hi!" sagot ni Kris.
"Hi Maki. You and your friend can hop in. I'll take you home," tinanggal niya ang shades niya. Ang gwapo niya.
Siomai...
Heto na naman si puso. Lumalakas ang tibok.
Binuksan niya ang pinto at pinapasok ako. Tapos inalalayan niya rin si Kris na makapasok sa kotse.
Si Kris lalong bumongga ang excitement. At panay tingin kay Aidan.
Si Aidan naman, pansin ko lang rin ah, panay tingin sa akin. O nagiging feeler lang ako?
Pagkasakay ni Aidan sa driver's seat, agad-agad na nagsalita si Kris.
"I think I have met you before," sabi ni Kris.
Oo. Siya yung naka-shades na guy sa club, Kris.
"Really? I don't remember seeing you before," di ko alam kung nagpepretend lang tong si Aidan na di niya maalala e. Bakit nung ako, alalang-alala naman niya yung feslak ko?
Kinilig ako bigla.
Tofu, ang landi. >__<
"Sa club, Aidan. Siya yung kasama ko," sagot ko. Hoping to refresh his memory.
"Ah. I see," tumango-tango siya. "Nice to meet you. I'm Aidan Taynne."
Nagturn siya mula sa driver's seat para makipag-kamay kay Kris. Si Kris naman mukhang nain-love na. Di ko mapigilang maging proud. Kahit di ko naman siya tunay na boyfriend at alam kong mag-e-end ang kontrata in 3 months time. Pagbigyan na please.
"I'm Kris Samaniego," todo flash ng smile.
After nilang mag-shake ng hands, nagprepare na para magdrive si Aidan.
Habang nagda-drive siya, halatang may gusto siyang sabihin. Sumusulyap kasi siya sa gilid ng mata niya. Peor kung anuman yung sasabihin niyang yun, naunahan siya ni Kris.
"Paano kayo nagkakilala ni Maki, Aidan?" tanong ni Kris bigla.
Nagkatinginan kami ni Aidan. Sumenyas ako na manahimik na lang siya at ako na ang magpapaliwanag.
Obviously, either slow siya at di nagets ang senyas ko or gusto na nitong makatikim ng sapak mula sa akin.
Kinuwento na naman niya yung kinwento niya sa Hyperion kahapon. Pareho ko silang inoobserbahan.
Si Aidan, habang nagkukwento, yung mata niya nag-i-sparkle. Iniisip ko tuloy na baka di naman pala talaga imbento yung kwento niya...
Si Kris naman nanlalaki ang mata sa gulat. Tapos panay tingin sa akin. Yung expression niya nalilito.
After ng mahabang istorya ni Aidan, sa akin tumitig si Kris.
"Ba't di mo naman kinwento sa akin yun?"
Paano ko ba kasi sasabihin sayo, Kris? Huhubels...
"We're just starting pa naman kasi, Kris. Maybe thats why Maki haven't told you yet," pagdadahilan ni Aidan.
Saludo ako sa iyo Aidan. Ang galing mong magdahilan.
Tumango-tango si Kris. Pero pakiramdam ko talaga bukas sangkatutak na tanong ang ibabato niya sa akin.
Nakupo, humanda ka na Maki...
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Always
Любовные романыAno kayang mangyayari sa love story ng ating bidang NBSB kung bigla syang magkaroon ng relationship with someone she just met? Just read and find out! :))