Chapter 1
[Maki's POV]
"Maki! Bumangon ka na nga diyan! Punasan mo na yang laway mo! Ew!"
Kapal naman ni Kuya Xander! Siya nga naglalaway diyan pag tulog e, tsktsk!
"Hoy Kuya! Hindi po ako naglalaway pag tulog noh! Kapal mo ah! Ikaw yun e, gusto mo ipakita ko pa sayo?"
Bigla kong narinig ang mga hakbang ni kuya papunta sa kwarto ko.
"Anong ipapakita? May picture? Patingin nga..." hinila nya yung drawer ko na katabi ng kama.
"Nasan phone mo?" tanong nya.
"Ano ka ba? Tingin mo ipapakita ko yun sayo, ha? Kay ate Dory muna! Siguradong pagtatawanan ka nun! Hehehe!"
Lumapit si kuya sa akin. "Asan ba? Dali na, malelate na ko sa date namin ni Dory!"
"Libre mo muna ako! Gusto ko sa Amici ah! Yung gelato dun!"
Napakamot ng ulo si kuya. "Pasaway ka! Pano kung wala naman talagang picture? edi nagmukha akong uto-uto nyan?"
"Ayaw mong maniwala sa kin? Sige..." tumayo ako para kunin yung laptop. "Tingnan mo sa FB!"
Nanlaki mga mata ni kuya. "What? You posted it already? Did you tag me?"
Ang hirap magpigil ng tawa. Hahaha! Ganyan kasi talaga si kuya. umi-english pag nagagalit na.
"Joke lng kuya! Ano ka ba? Syempre pag may kahiya-hiya kang photos sa FB, reputasyon ko rin maaapektuhan noh! Pero sa bagay, siguro hindi naman ako maaapektuhan... Sa araw-araw ba naman ng bawat linggo e pinopost mo yang pagmumukha mo!"
"Walang pakialamanan ng trip! E sa gusto ng mga girls yung pagmumukha ko e, may magagawa ka ba?"
Ngumisi ako. "Girls pala ah, nasan na dito yung number ni ate Dory..."
Inagaw ni kuya yung phone ko. Uto-uto talaga!
"Naka-off to ah..." sabi nya pagkatapos maagaw yung phone.
"Exactly."
"Palibhasa kasi naiingit ka kasi may jowa ako!" bumelat pa tong bruhong to.
"Ayyy, walang ganyanan kuya..."
"Alam ko naman e, may pagka-choosy ka!"
"Di ako choosy! Di ko pa kasi nararamdaman yung ano, yung may spark?"
Ginulo ni kuya Xander yung buhok ko. Kahit magulo na dahil kagigising ko lng?!
"Anong spark? fireworks kamo. Di bale, mararanasan mo din yun, hehehe!"
"Bwiset!"
"O sya, babuu na! May date pa kami ni Dory-babeh!"
"Ew! Babeh?! Ampangit ng petname nyo sa isa't isa! Kung ako magka-boyfriend di ako papayag na bigyan nya ko ng petname noh!"
"Suplada naman! O sige na, sige na! Lalayas na ko! Bye!"
"Ingat!"
Tsaka ako nakahinga ng maluwag pagkaalis ni kuya Xander. Sa tuwing mga boyfriend boyfriend ang pinaguusapan, naiilang talaga ako. Palibhasa kasi di pa ko nagkakaboyfriend. Pero di ako choosy ah. Di ko pa kasi nararamdaman yung spark, este fireworks pala. Yung mga kaibigan ko nagka-jowers na, ako na lang ang wala. Kaya nga parang na-OOP ako minsan sa kanila pag kinekwento nila yung surprise ng boyfriend nila nung Valentines, yung sandaang bulaklak nung birthday nila, at iba pa.
Di bale, balang araw... babangon ako't dudurugin ka! Ahehe, ang corneee!
:)))
ESTÁS LEYENDO
Always
RomanceAno kayang mangyayari sa love story ng ating bidang NBSB kung bigla syang magkaroon ng relationship with someone she just met? Just read and find out! :))