Chapter 18
[Maki's POV]
Hindi yun natuloy.
Dahil biglang may humila sa braso ni Jerome bago pa man nito maabot ang labi ko.
Ako naman di ako nakagalaw. I was sat there, frozen.
Actually kanina pa nga nung nalaman kong balak magsuicide ni Jerome, di na ako makapag-react ng tama.
It took me a while to realize na si Cale ang humila sa braso ni Jerome.
Napatayo ako.
Sinuntok ni Cale si Jerome.
Ang lakas ng suntok. Narinig ko yung impact at natumba si Jerome.
"Cale!" Nilayo ko siya mula kay Jerome. Na tumatayo habang nakahawak sa panga niya.
"Gago!" Sigaw ni Jerome, "Maguusap lang kami ni Maki tapos eeksena kang gago ka!"
"Sinong gago? Gago!" sigaw din ni Cale.
"Cale, tama na. Jerome umalis ka na dito..." sabi ko. Gagana ba tong pangaawat ko sa kanila? Maski ako natatakot. Baka magsuntukan sila dito.
Napatingin silang dalawa sa akin.
"Tandaan mo tong araw na to," sabi ni Cale.
"Tatandaan ko talaga, gago!" sagot ni Jerome. Then he raised his middle finger. Tapos umalis na siya.
Napansin kong nagclench yung jaw ni Cale. Galit na galit talaga siya.
Ilang minuto din ang lumipas para mag calm down sya. Tsaka rin ako nakahinga ng maayos.
"I'm sorry," aniya. "Tara, iuuwi na kita sa inyo,"
"Hindi, ok lang. Magcocommute na lang ako," sabi ko.
Tiningnan niya ko ng maigi. "Its alright, Maki. Hahatid na kita."
Dahan-dahan niya akong hinila papunta sa kotse niya.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at inayos ang seatbelt ko.
Ang weird. Di ako nagfafangirl ngayon sa kanya. Samantalang nung dati, iniimagine ko lang ito kilig na kilig na ako...
Medyo matagal-tagal din bago nabasag ang katahimikan.
"Alam mo ba yung way sa amin?" tanong ko.
"Hindi e," sagot niya.
Natawa ako. Lakas pa ng loob nitong magvolunteer na ihatid ako di naman pala alam yung way sa amin.
"Sorry," sabi niya.
"Hindi. Ok lang. Expected na yun. First time mo lang naman ako ihatid sa amin,"
"Hindi,"
"Huh?"
"Sa kanina,"
"Sa kanina?"
"Di ko napigilan sarili ko kaya ko siya nasuntok,"
"Ah yun. Bakit ka sa akin nagsosorry?"
"Di ko talaga kasi nacontrol sarili ko... Baka kasi natakot kita or something,"
"Wala yun sa akin. Nagulat lang ako,"
Tumago-tango siya. Maya-maya, sumulyap sa akin. Tapos binalik niya yung tingin sa kalsada. Nakita ko yun out of the corner of my eye.
Binalewala ko lang. As if naman chinecheck-out niya ako.
Ang Pogi-pogi niya tapos ako di naman ganun kaganda.
Feelingerang palaka lang magiging peg ko kung magassume ako.
---
Pagdating namin sa bahay tsaka siya nagsalita ulit.
"Sorry ulit sa nagawa ko kanina, Maki," sabi niya.
"Ano ka ba? Wag ka ngang magsorry sa akin,"
Kay Jerome ka dapat mag-sorry sa isip isip ko. Pero di ko na sinabi sa kanya. Nakakaawa kasi mukha talaga siyang nagiguilty.
Hinintay niya akong makapasok ng gate ng bahay namin bago siya pumasok ng kotse niya. Kumaway pa siya sa akin bago siya pumasok ng kotse.
Anak ng tinapa. Parang scene lang sa isang nobela ah.
Biglang sumagi sa isip ko si Aidan. Sana gumaling na siya soon.
Pagbukas ko ng ilaw sa sala namin, nakaabang si kuya Xander sa sofa.
"Parang pamilyar yung mukha nung lalaking yun..." bungad niya.
Nilapitan ko siya. "Wag kang maingay kuya!"
"Bakit? May ginagawa ka bang kalokohan? Wala naman di ba?"
Batukan ko tong taong to e.
"Pero parang nakita ko na yun e," patuloy niya. Sumisilip pa ulit sa bintana kahit wala na dun yung kotse ni Cale.
"Aha! Yun yung vocalist na patay na patay ka!" sabi niya. Napatayo pa siya tapos bumalik sa pagkakaupo.
"Sabeng wag kang maingay e,"
"Kala ko ba may syota ka na? Ba't iba yung kasama mo?"
"Pinsan yun ni Aidan, kuya. Di ba nga na-ospital si Aidan?"
"Ah. So hinatid ka lang nun. Wow. Bigatin pala yung future brother-in-law ko!"
Ang lakas talaga ng boses ng mokong na to. Lumingon ako para icheck kung may tao sa may kusina.
Saktong-sakto, andun si mama at papa.
Anak ng talaba naman oh...
"Future brother-in-law? Anong sinasabi ng kapatid mo, Maki?" tanong ni papa.
Lumapit sila sa kinauupuan namin. Tiningnan ko ng masama si kuya.
Shokoy ka talaga, kuya! Masisira plano namin ni Aidan dahil sa iyo e!
"Sabihin mo na kasi, Maki! O ako na ang magsasabi?" sasabunutan ko na talaga tong taong to e.
"Anong sasabihin mo sa amin, Maki?" si mama ang nagtanong.
"Are you pregnant?" nanlaki ang mata ni papa. Isa pa to e.
"Hindi po noh!" sagot ko.
"May first boyfriend na siya!" ang lakas talaga ng boses nitong si kuya Xander.
Yung reaction naman ng magulang ko, ang benta.
Todo emote e.
Nanlaki ang mga mata nila tapos yung shape ng bibig nila parang malaking letter O.
Alam na kung san nagmana tong kuya ko sa pag emote.
YOU ARE READING
Always
RomanceAno kayang mangyayari sa love story ng ating bidang NBSB kung bigla syang magkaroon ng relationship with someone she just met? Just read and find out! :))