Chapter 6

182 3 0
                                    

Chapter 6

[Maki's POV]

"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako! Manyak! Manyaaaaak!"

Eskandalosa na kung eskandalosa pero kung safety mo na ang pag-uusapan kelangan makapal ang mukha! Kaya nagsisisigaw ako para mapansin at matulungan ng iba. Pero walang pumapansin sa akin kahit isang tao.

Anak ng tilapia naman oh!

"Hindi ka nila pinapansin kasi akala nila boyfriend mo ko. Kala nila LQ lang to. Isa pa, sa gwapo kong to mapagkakamalan ba kong manyak?" sabi niya habang hinihila ako patungong parking lot.

Nagpupumiglas pa rin ako pero di na ko sumisigaw. May hiya pa rin namang natira sa akin noh.

Tsaka napagod na rin yung vocal chords kakasigaw. -_-

Nasa parking lot na kami pero di pa rin niya binibitawan yung kamay ko.

Tumigil kami sa harap ng isang Lamborghini. Humarap siya sa akin. "I have something to tell you,"

Kung ito yung tungkol sa kahihiyan na nangyari kanina, please forget it. Bigla kong naalala na may KoYo pala sa mukha ko, Lalo akong nahiya nung sinilip ko yung white shirt niya na may bakas ng naluwa kong chewed BonChon chicken.

"A-ano ba kasi yun?" tanong ko.

"Punasan mo muna yang mukha mo," inabot niya yung panyo niya, Kinuha ko yung panyo. Sa lahat kasi ng araw na nakalimutan kong dalhin ang panyo ko, ngayon pa. Anak ng tokwa, ang bango ng panyo niya. At branded. Pinunasan ko yung mukha ko.

"Okay na ko. Lalabhan ko na lang tong panyo mo tapos ibabalik sayo. Salamat," ngeek, ano ba yung nasabi ko? Naku! Baka isipin nito gusto ko pa siyang makita! Babawiin ko sana yung sinabi ko kaso naunahan niya kong magsalita.

"Sure," aniya. "You still remember me?" Yung mga mata niya kumikislap. Argh! Don't fall for the eyes, Maki!

"O-of course!" Nakatingin pa rin ako sa shirt niya.

"Its fine, I have a spare shirt at the car," napansin siguro niyang nakatingin ako sa maduming shirt niya. "Anyway, I just want to ask you another favor."

"Ha?" Antanga lang Maki. Aneberr! -_-

"Remember the two girls at the bar yesterday? It seems that they told my dad about what happened,"

"Ha?" Aneber Maki, last mo na yan!!! -________-

"So, I was thinking... could stand as my girlfriend for the next 3 months?"

"Haaaaa?" Anak ng tilapia naman Maki oh! Sagot! "Hindi mo ba girlfriend yung kasama mo kanina?"

Ngumiti siya tapos umiling. "Nope!"

"E bat hinihipuan mo?"

"Hinipuan? She requested it.,"

"Ano ka bading? Gumogora lang sa requests nung babae? If I know manyak ka talaga noh!"

"Gumogora?"

"Oo! Wala sa itsura mong susunod-sunod sa mga demands ng isang babae,"

He looked confused.

"Anyway, do we have a deal?" tanong niya.

"Deal mo mukha mo!" tumalikod ako kaso nahatak niya ako pabalik sa kanya. Napalapit yung mukha niya sa mukha ko.

"Hahalikan kita," At sinong tinakot mo koya? Ulit-ulitin mo pa kung gusto mo! Pero syempre aayaw ako. Di ako tulad ni ateng landi kanina.

"Di pa rin ako papayag noh! What's in it for me?" nilayo ko ang mukha ko. Konti na lang at muntik na kong pumayag.

"Uh, I could give you whatever you want!" sabi niya. Tumaas ang kilay ko. Pang mataray effect ba.

"Whatever I want? Thats not enough. Come back when you have a better proposal," tumalikod na ko at di na niya hinila ulit. Nasupalpal siguro si Aidan.

Hindi yun sayang Maki! Kahit gaano pa siya kagwapo hindi pwedeng pumayag ka sa gusto niya! Ok lang yun. Kaysa makuha niya ang lahat sa iyo? Ang isip mo? puri? puso?

That was the best decision. Period!

-------

Palabas na ko ng mall ng may bigla na namang humila sa akin.

Ano ba tong araw na to? Hilaan-athon?

"Ano ba, Aidan, sabi ko sayo hindi ako---"

Nagulat ako ng makitang si Jerome pala iyon.

"Aidan? Sinong Aidan?" Tanong nito.

"Ah wala lang yun,"

"Ok. Maki, siyanga pala, may tickets pala ako para dun sa concert ng paborito mong banda," pinakita niya yung 2 sets of tickets. Tickets para sa concert ng bandang "Hyperion". Ang hottest boyband ngayon. Anak ng tilapia, mahirap tong tanggihan...

"Jerome kasi, ano..." hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Paano ba ko tatanggi habang winawagayway niya yung ticket sa mukha ko.

"Ano? Sama ka na?" Nakangiti siya. Pakiramdam ko alam niyang malapit na kong bumigay.

Sige na nga, Maki. Papayag na ako! Para kay Cale ng Hyperion!

"O---"

"Maki!"

Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino yun. Kumakaway-kaway pa ang loko papalapit sa amin ni Jerome. Buti naman at nagpalit na siya ng damit. Navy blue tshirt ang suot niya ngayon.

Napalingon si Jerome para tingnan kung sino yun. Ibinalik niya ang tingin niya sa akin, pero may konting kunot na sa gitna ng mga kilay niya.

Sasagot na sana ako e. Kaso ang bilis ni Aidan. Bigla na lang siyang nasa tabi ko at nakaakbay sa akin.

"Sino to, Maki?" tanong ni Aidan.

Lalong nagsalubong yung mga kilay ni Jerome habang nakatingin kay Aidan. Pero nung lumipat yung tingin niya sa akin, yung mga expression niya parang nagtatanong.

"Ah, e... kasi ganito yun, Jerome..." paano ko ba ito ipapaliwanag? Konting-konti na lang talaga at masasabunutan ko na tong Aidan na to e. Tss...

"Hi there, I'm Aidan Taynne. Maki's boyfriend, pleasure," inabot niya yung kamay niya.

Inabot naman ni Jerome yung kamay niya. "I'm Jerome. I guess I have to leave," dali-daling siyang umalis.

Naawa naman ako kay Jerome. Kahit ubod ng yabang yun, mabait naman yun.

"Ano yun?" inis kong tanong kay Aidan.

"What?"

"Yun! Yung akbay-akbay, 'Maki's boyfriend' thing?"

"Ah, yun ba? Wala lang,"

"So tingin mo papayag ako sa gusto mo sa ganung paraan?"

"Siguro?"

Kinurot ko yung braso niya. Ay ang tigas ng braso niya. Ang muscular niya. Tsk! Kainis, naaattract na naman ako sa pisikal niyang anyo! Tsk!

"Its going to take more than that!" Sabi ko at umalis na.

Hindi ko inexpect na hahabulin niya pa ako. Kasi naman dun sa parking lot hindi na niya ako hinabol nung pangalawang pag-walk-out ko.

Hinila niya ako. (Hilaan-athon, woohoo!)

At niyakap at... hinalikan ulit.

Paglapat ng labi niya sa labi ko pakiramdam ko umikot ang mundo.

Mahihimatay yata ako... >___

AlwaysTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang