***Dear Readers, mapapansin po natin na medyo may moodswing si ate Maki. Pagpasensyahan na at ganun talaga siya. Parang laging may dalaw. At weird talaga siya tulad nating lahat (Ooops! Tinamaan ka ba? Ako kasi OO!) :))***
Chapter 9
[Maki's POV]
Ano kaya yung ibig sabihin niyang hindi sa club ang una naming pagkikita? Nangloloko ba siya? Kahit anong pangungulit ko kasing gawin ayaw sabihin ni Aidan, kaya napagod na rin ako sa pangungulit.
Itunuon ko na lang ang atensyon ko sa dinadaanan namin. May onting idea na ako kung san kami next na pupunta.
Sa concert ng Hyperion. Siguro? Sana!
Napansin ko kasi na palapit kami sa daanan na papunta sa Araneta Coliseum.
At ang guess ko ay VIP ticket ang binili nitong si Aidan. Siyempre, mukhang rich siya. Would he settle for anything less?
---
10 Minutes Later...
Tama ang hinala ko. Sa concert nga ng Hyperion. Buti naman marunong tong makaalala... utang pa kaya niya sa akin yung nung muntik na kong ayain dito ni Jerome noh!
At ngayon, nandito ako sa CR. Mag-aayos muna ako bago ko makita ng personal si Cale.
Si Cale my labs! <3
Oo fangirl ako! SUPER FAN GIRL NIYAAA! Pero secret lang. Hindi nga alam ni Kris yun e! XP
Talagang nakatatak na sa isipan ko na VIP kami e, noh. Tapos biglang di pala. Ay naku! Kung di pala sayang effort ko! At maiinis talaga ako kay Aidan!
Nakarinig ako ng tatlong katok. "Tagal mo naman! Tumatae ka ba, Maki?"
Anak ng tinapa! Nakakahiya, narinig yata nung iba na nasa cubicle. Kainis naman tong lalaking to. Ang bait ko na nga sa kanya kanina! Tss.
Mabilis akong lumabas ng CR at hinila siya papuntang exit.
"Oh ba't sa Exit?" tanong niya. Natatawa pa ang loko.
Binitiwan ko ang kamay niya.
"Loko-loko ka kasi! Sinabi mo na ngang tumatae ako tapos binanggit mo pa yung pangalan ko!"
"Bakit? Ikaw lang ba ang bukod-tanging babae sa mundo na tumatae?"
"Hindi... Pero binanggit mo kasi pangalan ko!"
"Kilala ka ba nila? May nakakkita ba sa iyo?"
"Hindi... Pero kasi..."
"Yun naman pala e. E ba't ka nagagalit sa akin?" ngumiti pa lalo ang baliw.
"Di naman ako nagagalit e,"
"E ba't ka lalabas?"
"Kasi nahiya ako sa ginawa mo!" pasigaw kong sabi. Yung mga fans ng Hyperion tumingin sa direksyon namin. -___-
"O wag ka ngang sumigaw. Kahit tumae o umutot ka sa harap ko, ok lang sa akin. Wag ka kasing mahiyain... at moody," tapos ngumiti ulit siya. This time, his smile is wider.
Hinawakan niya yung kamay ko. At dahan-dahan akong hinila sa... EXIT???
"O ba't lalabas tayo?" tanong ko. Bumabalik na naman inis ko. Na may halong takot. Nakuu! Cale! Di na kita makikita?
"Kala ko ba ayaw mo na?"
"Sino may sabi? Sayang yung ticket na binili mo!" muntik ko ng sabihin na "VIP ticket" buti na lang di ko nasabi. Kung hindi aasarin niya akong "Assuming".
VOUS LISEZ
Always
Roman d'amourAno kayang mangyayari sa love story ng ating bidang NBSB kung bigla syang magkaroon ng relationship with someone she just met? Just read and find out! :))