Chapter 18
[Maki's POV]
"Sabihin mo na kasi, Maki," umakbay pa si kuya Xander sa akin.
"Kasi ano po..." paano ko ba uumpisahan? Kasi naman tong si kuya Xander.
"May boyfriend na si Maki!!!"
Ay fried palaka!
Nasabunutan ko si kuya.
Nanlaki lalo mga mata ng mga magulang ko.
"Ba't di mo sinabi sa amin agad?" tanong ni mama.
"Kasi po biglaan..." sagot ko.
"At alam nyo po ba kung sino?" sige pa kuya, di lang sabunot aabutin mo mula sa akin.
"Sino?" tanong ni papa.
"Kilala niyo pa ba si Aidan Taynne?" abot tenga yung ngiti ni kuya.
"Pamilyar yung name na yun..." sabi ni mama.
Kumuha ng isang business magazine si papa. Nagscan-scan sa mga pahina.
"Eto ba yun?" pinakita niya sa amin yung magazine. Nandun si Aidan na nakabusiness suit.
'Aidan Taynne: The Philippines' Most Eligible Bachelor' ang title ng article.
Ba't ngaun ko lang yan nakita? At nalaman?
"Siya nga po," sagot ni kuya. Abot tenga pa rin ang smile niya.
"Ang swerte mo naman anak," sabi ni papa. Tapos nag-apir sila ni mama.
"Mabasa nga yang article na yan," sabi ni mama. Inabot sa kanya ni papa yung magazine. Ako naman sumilip habang binabasa niya.
'Handsome, sexy and rich Aidan Taynne is the country's most eligible bachelor according to StarSurvey's online poll.'
Ano daw? Sikat ba tong taong to para umabot sa isang online poll ang pangalan niya?
Kung sa bagay, mayaman at gwapo siya. Not to mention, mabait at gentleman pa... Anak ng tokwa, kinikilig ako ng di oras iniisip pa lang siya.
"Kailan mo ipakikilala sa amin ang future brother-in-law ko, Maki?" tanong ni kuya.
Nagulat ako sa tanong niya. Wala kasi akong intensiyon na ipakilala si Aidan sa kanila. Less than 3 months na lang ang validity ng kontrata namin. After nun wala na kami.
"Napaka-busy niya noh, wala siyang time para makipaglokohan sa iyo, kuya," sagot ko.
"E nasa ospital siya ngayon di ba? Surely, di naman siya busy habang nagpapahinga sa ospital," banat ni kuya.
"Ano ka ba? Nagpapahinga yung tao tapos bubulabugin mo sa ospital? Loko ka rin noh!" sabi ko sa kanya.
"Pero kailan ba, Maki?" si papa ang nagtanong.
"Gusto ko ng makilala ng personal ang future son-in-law ko," pati si mama nakisakay.
Ano ba naman to.
"Boyfriend ko lang yun, di ko pa naman aasawahin!" sabi ko.
"Kunsabagay," sabi ni papa. Hinaplos haplos pa yung baba niya.
"Matulog na tayo. Lumalalim na ang gabi," si mama dahan-dahan kaming inakbayan papuntang kwarto namin.
Mabuti naman at tapos na usapan na ito. Nakahinga rin ako ng maayos.
---
After ng work ko kinabukasan, dumiretso ako sa ospital para bisitahin si Aidan. Yun na kasi naging routine ko simula nung naaksidente siya.
"Hi," bungad ko pagpasok sa room niya. May dala akong prutas at nilapag iyon sa maliit na lamesa sa tabi ng kama niya.
Medyo madilim ang expression ng mukha ni Aidan habang nakatingin sa phone niya.
"Bakit ganyan expression ng mukha mo?" tanong ko sa kanya.
Nagbuntong-hininga siya at niyakap ako.
"Dad is coming," sabi niya.
"That's good right? At bakit ngayon lang?"
"He came from a business trip in the US. And he is still forcing me to marry Kate,"
Nagbuntong-hininga siya.
"Baka naman pag sinabi mo na may girlfriend ka na hindi ka na niya ipakasal dun sa Kate na yun," sabi ko. Umupo ako sa tabi niya.
"I don't think that would work. My dad is very stubborn. Namana namin yun ni Tony mula sa kanya. We won't stop at anything to get what we want,"
"Baka pag nag-explain ka or something... You have to try..."
"I did that already. I did explain. Sinabi ko na sa kanya that I'm not yet ready for marriage. Lalo na sa Kate na iyon. But he just won't listen. He wants the marriage to further expand our business," Hinawakan niya ang mga kamay ko. At tumingin sa mga mata ko. "Don't worry. Just believe in me, okay?"
Ang mata niya nangungusap. Hindi ako naka-hindi. Ang lakas lakas rin ng tibok ng puso ko. Kaya tumango lang ako.
Niyakap niya ako ng mahigpit. "I won't let you go without a fight,"
Parang nagkakatotohanan na tong pagkukunwari namin. Nakalimutan na yata niya yung tungkol sa kontrata na hanggang 3 months lang itong relationship namin. Siguro habang maaga pa kailangan ko ng lumayo. Pero ayaw ko... Pero kung ito ang mas makakabuti para sa amin...
Aidan... Tingin ko mahal na kita... Pero mahal mo rin ba ako? O nagkukunwari ka lang para makatakas sa isang marriage na ayaw na mo?
KAMU SEDANG MEMBACA
Always
RomansaAno kayang mangyayari sa love story ng ating bidang NBSB kung bigla syang magkaroon ng relationship with someone she just met? Just read and find out! :))