--- continuation of Chapter 8
Mga sampung minuto kaming di nagsasalita sa isa't-isa. Pano naman kasi kaka-BV tong katabi ko.
"Mukhang cool yung kapatid mo," sabi niya habang nagdadrive.
"Di ko kelangan ng opinyon mo, magdrive ka na lang. Ba't pa kasi ako pumayag sa ganito, tsss,"
Sa gilid ng mata ko, napansin kong ngumiti siya. Tssss.
"Alright. By the way, cute ka rin pala kapag naka-dress, ano?"
Nagbuntong-hininga ako. Ayokong makipag-usap sa kanya. Ayoko!
"Sa ukay-ukay mo ba yan binili?"
Loko to ah. E ano ngayon kung dun ko nga binili? Umurong ako palayo sa kanya. :P
"Alam mo ba kung san tayo pupunta?" tanong niya.
Di ako sumagot. Nakatingin pa rin ako sa view ng mga puno na nadadaanan namin.
"Malamang di mo alam," tapos humagikgik ang loko. " Papaano pala kung sa motel kita dadalhin?"
Lalong kumunot ang noo ko. Bwiset to ah.
"Alam mo naman kung ano ginagawa ng taong nagpupunta doon, diba?" sabay tawa.
"Hmmmmmmp!"
This time, tinapik niya ako sa balikat. "Hoy! Physical contact is prohibited!!!" kinurot ko yung kamay niya.
Umaray siya at binalik yung kamay niya sa pagmamaneho.
"Ang sakit naman! Di naman physical contact yun. I didn't even touched your skin!"
"Yun na din yun,"
"Suplada naman nito,"
"Think what you want to think,"
Silence ulit.
"Alam mo, nung una kitang na-meet akala ko ang bait-bait mo," sabi ni Aidan.
"Akala mo lang yun!"
"Kaso suplada ka pala,"
"Buti alam mo na ang katotohanan!" sagot ko.
Ngumiti siya. Baliw yata to. Kanina pa ngiti ng ngiti.
"Kain muna tayo, ah. Ayokong magutom ka mamaya," sabi niya tapos biglang lumiko palapit sa isang five-star na restaturant. Dun kaya kami kakain? Wag! Di bagay sa get-up ko!
Unfortunately dun nga. Dun nagpark sa harap mismo ng restaurant si Aidan.
Naman oh! Dito pa ako dinala nitong si Aidan sa isang mamahaling restaturant. Sana man lang sinabi niyang dadalhin niya ako dito.
"O bat ang tahimik mo?" tanong niya. Mabilis siyang lumabas sa sasakyan at binuksan yung pintuan sa side ko bago ko pa man ito mabuksan.
Medyo nakonsensya ako sa pagtataray sa kanya. Kahit papano naman medyo naging mabait siya sa akin. Nag-isip ako ng isang insidente kung san nagsuplado or something siya sa akin. Walang insidenteng ganun. Lalo akong nakonsensya. Siomai!
"Diyan mo ba balak kumain? Kasi ako gusto ko dun sa loob, para kumportable,"
Kanina pa pala siya nakatayo sa tabi ko. Kahiya!
Dali-dali akong lumabas sa kotse niya at pumasok na kami sa restaurant.
Ang daming couples na nandun. At ang sosyal ng mga damit nila. Parang may cocktail party na aattendan. Kami lang ni Aidan yung medyo casual yung suot. Pero siyempre yung kasama ko mukhang modelo kaya base sa standards ng restaurant na to (ay, nagimbento ng standards si atey? :P) pasado na si Aidan. Ako? Ako yung alalay niya. Idagdag mo pa yung awkwardness namin sa isa't-isa. siguro mga 12 inches ang layo namin sa isa't-isa habang naglalakad papunta sa table namin.
ESTÁS LEYENDO
Always
RomanceAno kayang mangyayari sa love story ng ating bidang NBSB kung bigla syang magkaroon ng relationship with someone she just met? Just read and find out! :))