Chapter 21

1.9K 43 0
                                    

Yvonne

Anong oras na pero wala pang taong bumalik sa room ko.

Nag-ayos na ako sa sarili ko at tinanggal ang napakahalang na contact lens. Buti na lang at pwede ito sa pangtulog for 1 week kundi bulag na talaga ako ngayon.

Sinuot ko ang jeans at isang blouse para ready na akong umalis kung dumating man si Papa o si David.

Habang inaayos ang buhok ko, nakakapagtaka rin dahil may nagsisigawan na nagbubulungan sa labas.

"Will you really kill that woman?"

"We'll get rid of Yvonne. I promise."

"Shut up. You can't kill without your gun." Singka ng isa.

Ng marinig ko iyon agad ako naghanap ng paraan para makalabas sa kwarto ko. Sunod sunod ang katok at ang pag attempt nilang buksan ang pinto pero inilock ko ito. Binuksan ko ang bintana at tiningnan kung ilang palapag ang layo mula sa akin.

Pinagbuti ko ang pag baba na hindi mabalian. Maingat kong ginapang at diniin ang kuko ko sa puno para hindi mahulog pero lumakas ang hangin at nahulog ako. Ng makarating ako sa ibaba bigla na lang nagdilim ang paningin ko tapos naipikit ko na ang aking mga mata sa sobrang sakit ng likod ko.

"Miss!" bigla akong napayakap sa kung sinuman. Tiningnan ko ito pero di ko magawa dahil masakit ang mata ko. "I saw you fall from the tree! Tara ipapasok kita sa hospital."

"N-no." I stuttered. "Someone is trying to kill me. Please help me get away from them."

"What?" tumango lang ako bilang tugon. "Hahaha I really pity you, Yvonne. You attempt to escape but failed?"

Lumaki ang mga mata ko at tiningnan ko kung sino iyon. Siya yung boses ng lalaki kanina!

May sinaksak siya sa bandang likuran ko at napasigaw ako sa sobrang sakit.

"H-hindi mo ako pwedeng patayin!" Hineadbang ko siya kahit masakit ang ulo ko at tumakbo palayo.

Hindi ko alam kung saan ako papunta but I kept running and running until I couldn't feel my legs and my heart is beating so, so fast.

Trees were everywhere but I kept running until I couldn't breathe anymore. Ng may makita akong gate, sinubukan kong akyatin ito, nagbabasakaling may tao sa loob pero hindi ko nagawa at nahulog lang ako.

"Tulong po..." I closed my eyes and rested at the corner of the cold and dark place.

"Apo! May babae, tulungan mo ako dito! Duguan siya..."

Naramdaman kong may nagdala sa akin at pinatulog sa isang kama.

Binuksan ko ang aking mata at sinilip ang buong lugar. Bago ang buong paligid sa akin at maliit rin ito kumpara sa bahay namin.

Amoy na amoy ko ang aroma ng pagluluto ng Sinigang kaya sinundan ko kung saan ito nanggaling. "Gising ka na pala, ija."

Isang matandang babae na may suot na duster at ngiti sa mukha nito ang nakakuha sa aking atensyon. "Sorry kung ito lang ang bahay namin, ija."

"N-nasaan po ako?"

"Nasa bahay ka namin. Nakita kasi kitang duguan sa may junkyard kaya agad rin naman dinala dito upang gamutin ka. Malayo layo kasi dito sa probinsya ang mga hospital e."

"Probinsya?"

"Oo. Sa tingin ko hindi ka taga rito." Ngiti nito sa akin. "Oh siya sige, pakainin muna kita para bumalik ang lakas mo sa pagtahi ko sayo."

Simpleng tango lang ang tugon ko at kinain na ang sinigang. Naalala ko ang sinigang na ito sa mayor doma sa amin na si Manang Nina tsaka na rin sa mukha niya. Siguro namiss ko lang talaga siya kaya napagkakamukhaan ko siya kay Manang.

"Salamat po pala sa pagtahi mo sa sugat ko, maam."

"Nanay Laurita nalang, ija." Nakakataba sa puso ang ngiti niya at nakakahawa rin ito. She really reminds me of the old maids, I know. I don't treat them as maids but I treat them as my grandmas. "Tsaka dati rin akong surgeon sa syudad, ija. Dito lang ako nagretire at ginawa lang simple ang pamamahay dahil ito ang naalala ko sa nakaraan kong pamumuhay."

"Salamat po talaga, nanay Laurita." Tumango ito sa akin at binigyan ako ng tubig. "Malayo po ba dito ang syudad?"

"Oo. Sige magpahinga ka muna pero kung gusto mo mag libot libot ka muna dito. Saka ka na bumalik kung pagod ka na at bibilhan ka muna ng gamot ng apo ko."

Iniwan nila ako sa bahay ng mag-isa kaya napalibot libot ako sa buong lugar. Nakita ko ang lalaking nagtangkang pumatay sa akin kaya tumakbo ulit ako palayo sa lugar nila.

Masakit pa rin ang sugat ko pero dapat makalayo agad ako. "Manong may police station po ba dito?"

"Ay nako ija medyo malayo layo pa."

"S-salamat po."

Tumakbo lang ako ng tumakbo at palihim na sumakay sa jeep na hindi nagbabayad. Pero imbis na makakarating ako sa ibang lugar, nagparking lang ito kaya agad rin naman akong lumabas at tumakbo.

Gabi na at hindi ko na alam ang daan pabalik sa bahay nila Nanay Laurita. "Ate!"

Tiningnan ko ito at siya yung apo ni Nanay Laurita kaya agad naman akong napayakap sa batang babae. "Kanina ka pa po namin hinahanap."

"Patawad talaga. May gusto kasing pumatay sa akin."

Inalalayan ako ng bata na bumalik sa bahay ni Nanay Laurita. "Ija, apo, may bisita tayo. Ang inaanak ko nandito."

Pagkaharap ng lalaki sa akin, nagulat ako dahil siya si David. "Yvonne, I have been looking for you! Buti na lang at naka on ang GPS sa cellphone mo." He blew a loud sigh and hugged me.

"Inaanak ka ni Nanay Laurita."

"Oo. Magkaibigan sila ng lola ko at dito rin kami nagpapahinga kapag summer."

Tiningnan ko siya sa mata niya at halatang nag-alala ito. Bigla na lang akong kinabahan na parang may kung anong nagpainom ng coke sa puso ko.

"Why did you go?"

"May humahabol kasi sa akin. Binabantaan nila ang buhay ko."

"Idescribe mo kung ano ang anyo niya."

"His hair is dyed red and it's curly. He has up rounded cognac eyes. May scar siya sa kilay—"

"Tobi Staux..." pumikit ito at kinuyom ang kamao niya. "Siya ang half brother ni Nico. Magkapatid sila sa ina."

"So? Ano naman ang kinalaman ko di—"

"They are sent to kill the both of us."

"ANO?!"

"Yeah. We have to get out of here fast."

Tumakbo ito palabas at sinunod ko naman siya. Akma sana siyang pumasok sa kotse n may bumaril sa gulong ng kotse niya. Lihim siyang napamura pero rinig na rinig ko iyon. Inabot niya ang baril sa likod niya at binaril ang lalaking may planong barilin kami.

Takbo lamang kami ng takbo hanggang sa dumating kami sa pinakamadilim na bahagi ng gubat.

"Sheet!"

"Anong oras na?" tanong ko.

"10:57 P.M." hinawakan niya ang hita ko kaya akma ko siyang sampalin pero napigilan niya ito.

"What are you doing? Just give me your phone."

Binigay ko naman sa kanya ang cellphone ko at malakas itong napamura. Bumuntong hininga siya at tiningnan ako.

"We'll look for a place to stay. I'll keep guard hanggang sa mag-umaga na."

Naglakad lakad kami at may nakita kaming abandonang bahay kaya pumasok kami doon. Napakapit ako sa kanya ng mahigpit dahil sa totoo lang takot ako sa mga ganito.

"Scaredy cat. You do know that you're shaking right?"

"Shut up." Inirapan ko ito at pumunta kami sa rooftop ng bahay kung saan kami nagpahinga. 

The Arranged Marriage (Under Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon