Chapter 27

1.6K 35 0
                                    

Trix

Paano ko ba ito sasabihin sa kanila kung di ko rin kayang tanggapin. Sorry talaga sa lahat, sorry sa mga mistakes ko, sorry talaga!! Trixie Sofia Santos kaya mo to. It's better to tell them since they are my friends.

Para na akong baliw na palakad lakad sa loob ng kwarto ko. Buti na lang nakuha ng atensyon ko ang malakas na katok. Agad akong pumunta sa harap ng pinto pero tinitigan ko lang ito. Palakas ng palakas ang katok nila.

"Hoy, papasukin mo na kami! Sayang ang beauty ko dito." Sigaw na sinabi ni Carlisle."Gutom na kami. May handa ka bang pagkain o juice man lang?"

"Open the door at magchika ka na dali. Manood pa ako ng Netflix ngayon." Ani Cherry.

Binuksan ko ang pinto at tinulak nila ako para makapasok sila. Feel at home silang pumunta sa living room at nanood ng TV. Bumuntong hininga ako habang nakakuyom ang kamao ko.

Kaya ko ba talagang sabihin? They will over react.

"So what's the matter?" tanong ni Yvonne.

Tiningnan nila ako at napaupo ako. Parang sinusuntok ang dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Para akong inaatake ng Asthma ko.

"Guys, wag kayong mashoshock ha."

"Na touch-mobile ka ulit?" sabat ni Carl na ikinatingin naming apat. "You know touch touch na masarap ba. It's a word in the bekinary." We all sighed at him. He's really gay, hindi halata sa mukha.

"Buntis ka ba?" Cherry said and shook her head.

"Paano mo nalaman?"

"Totoo nga.ang boyprend mo ba ang ama o ibang lalaki? Kaya bang panindigan ng boyprend mo ang bata kahit di niya totoong anak? Hindi ka ba nagcareful mabubuntis ka naman?" Carl asked.

"Let her talk first, geez." Cherry sighed. "Trix, sure ka ba talaga?"

"Yeah. Are you really sure that you're pregnant? Baka—"

"I did the pregnancy test." Natahimik silang lahat at biglang tumulo ang luha ko. "I-I don't know what to do. I can always do an abortion right? Malaking kahihiyan ito kina mommy—"

"Huwag mo ipalaglag ang bata. Hindi niya kasalanan kung bakit disgrasyada ang nanay niya."

"Christine!"

Umiyak na lang ako habang nakayakap kay Yvonne. She patted my back as my tears fall down into my face. Christine is definitely right. Isa talaga akong disgrasyada.

"May plano ka bang sabihin kina tito at tita?" Yvonne then asked me.

"Hindi ko sasabihin sa kanila. Mama is busy with her work in London while Daddy is busy with his 2nd family. I do have you guys, right? Kayo lang ang itinuturi kong pamilya. It's really horrible."

"I'm sorry for the harsh words, insan." Christine blew a loud breath and sat beside me. Hinarap ko siya at pilit na ngumiti sa kanya. "Wag kang ngumiti. You are not okay, you don't have to smile."

Tahimik ulit kami at napatitig na lang ako sa dalawang mga kamay ko. Isa talaga akong malaking kahihiyan.

"Pero si Dash ba ang daddy ni Baby?" tanong ni Cherry

"Hindi. Naghiwalay na kami ni Dash before the night I knew I was pregnant and another thing is hindi ko naalala kung sino yun. I don't know where to find my baby's dad."

"Have you tracked him?" Carl asked and looked at me.

"I woke up in a hotel and I don't recall his face or the things we made after the party."

"Paano na yan? Lalaki ang baby na walang ama?" Cherry asked.

"It's okay, tayong lima na lang ang magpapalaki sa baby," Carlisle said. "How hard can it be when the baby has 5 mothers at ang isa ang pinakamaganda."

"One for all. All for one!!" I smiled at them and we hugged each other.

I know they won't let me down hindi ko talaga alam kung ano ang magagawa ko kung wala sila. They are simply the best people.

"A-anong gusto niyong kainin?"

"Wag ka ng mag-abala sa amin. Mag relax ka muna." Cherry smiled. "Manuod ka na lang ng kdrama."

Sila na ang gumawa sa mga Gawain ko sa condo. Kung titiisin mas malaki pa ang condo ko kesa dati kong bahay. I bought the condo because I know I'll be miserable in that house, no mom to call, no dad to hug. It's only me and the quiet place.

Nagpahinga muna ako sa kwarto ko at pinilit ang sarili na balikan ang gabi kung saan nakipagparty ako.

Sino ba talaga siya? Baka kakilala ko o kaibigan man lang. But whoever he is, I hope he'll accept the baby kahit na hindi niya ako jojowain basta may ama lang ang anak ko, okay na talaga yun.

I sighed and watched kdrama on my phone. Di naman ako makatulog e, ililibang ko na lang ang sarili ko sa mga oppa na kung ikumpara mo sa ibang lalaki, masasabi mo talaga na sweet sila. Guys in fiction are really out of this world, mahirap ang makikita ng ganun.

"Trix?" Carl opened the door and smiled at me. "Umuwi na ang mga pinsan mo."

"Ikaw hindi ka pa aalis?"

"Nope! I'm staying. Wala kang kasama baka maano ka pa. Kawawa naman si future inaanak ko." He giggled.

How I wish to make him straight again, para sa ganun. Siya na lang ang ituturing na am ang anak ko.

"Can I hug you?"

"Bes, huwag kang tomboy." He chorted and opened his arms. "You can hug me."

I hugged him really tight and sniffed his jacket. His fragrance is really calming and relaxing.

"Sige, baka mainlove ka pa sa akin nyan. Di tayo talo no?"

"Siyempre. Hindi rin naman ako pumapatol sa bakla." Tawa ko. "Sana lalaki ka na lang."

"Ew, you're so gross. I'll never be straight. Ang ganda ko masasayang lang." he flipped his imaginative hair and posed. "Ako ang Kendall Jenner ng Pilipinas."

"In your dreams." I rolled my eyes. "Ang layo ng mukha niyo." Kasi maganda siya at gwapo ka.

"Wala ka talagang support." He pouted then jumped into my bed. "Dito muna ako matutulog okay? Malaki rin naman tong bed mo."

"Pa chansing ka bang bakla ka?"

"Ikaw chachansignan ko? Sino ka si Chris Evans, James Franco, Channing Tatum? Huwag na lang, aalis na lang ako dito."

"Okay umalis ka ng bakla ka. Panira ka ng gabi,"

"Hehe joke lang. Lablab kaya kita, my twinnie!" He hugged me and I felt that my heart thumped fast. "Alabyu." Para akong kinalibutan sa 'Alabyu' niya. It sounded so husky and sexy, more like a muscular man than a homo.

Natulog na kami sa isang kama at awkward kaming nakatalikod sa isa't isa. "Trix..."

"Hmm?" hindi pa rin ako humarap sa kanya. "Bakit?"

"What if I was straight?"

"Edi habulin ka ng mga babae at bakla."

"At kung ikaw ang liligawan ko?"

From that moment, hindi ko siya sinagot ang pinilit na matulog. Ilang oras na rin ang lumipas at di ko magawang makatulog dahil lang sa simpleng tanong niya.



A/N

Short update, sorry talaga. Sobrang sabaw ko ngayon. Ilang araw na rin kasi ako nakakaranas ng writer's block. Wala akong ideya kung paano papahabain ang isa ka chapter. Ayaw ko rin kasing irewrite at bago ang laman ng isang chapter kaya heto ako ngayon. Sorry po talaga.

The Arranged Marriage (Under Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon