CHAPTER 11: Sufferings

13 2 0
                                    

ELLIANA'S POV

Galit.Poot.Pagkamuhi.Yan yung nararamdaman ko ngayong nasa harap ko siya! Oo! Ang magaleng kong tatay! Anong ginagawa niya dito sa tabi ng nanay ko!?May pahawak-hawak pa siya sa kamay na akala mong alalang-alala siya!Iniwan niya nga kame ng ilang taon ee!Ilang taon kameng nagdusa! Inalala niya ba kame?Hindi!Kase kung oo?Binalikan niya kame!Ay mali!Kung mahal niya kame at mahalaga kame sa kanya dapat hindi niya kame iniwan! Takteng buhay yan oh! Tapos ngayon magpapakita siya samen?Para ano?Guluhin uli kame?

"A-anak.."

Mukhang napansin nako ng BUTIHIN KONG TATAY.Anlakas naman ng loob niyang Tawagin pakong anak.

"Wala akong tatay"

Diretso kong sabi sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya. Nakita ko na nasaktan siya.So what?Dapat lang naman na masaktan siya! Kulang pa nga yan ee!

"A-anak..Patawarin moko. Nandito k--"

Di ko na siya pinatapos. Di ko kailangan ng explanasyon niya.

"Umalis kana"

Sabi ko na nakapagpatigil sa kanya. Tsk.

"Ang sabi ko umalis kana!Hindi mo ba narinig?!Oh sadyang mahina ang utak mo at hindi mo naintindihan!"

Singhal ko sa kanya nung akmang hahawakan niya ko. Nandidiri ako sa kanya! Alam kong masama ang ginagawa ko pero di niyo ko masisisi nasaktan ako.

"Mapatawad mo sana ako anak. Pinagsisisihan ko n---"

Di ko na ulit siya pinatapos. Hangga't maaari ayokong makinig sa kanya. Baka.Baka mamaya magpaloko nanaman ako. Sawang-sawa nakong bilugin at maloko!

"Di ko kailangan ng pagsisisi mo!Umalis ka sa harap ko at wag na wag ka ng magpapakita pa ulit samen!Layuan mo ang Pamilya ko!"

Tuluy-tuloy kong sabe at binuksan ko ang pintuan na ang ibigsabihin ay pinalalabas ko na siya.Lumabas naman siya ng nakayuko. Lumapit ako kay mommy at hinawakan ang kamay niya.Mukhang nahihirapan nanaman siya. Ang lungkot ng aura niya. Dahil nanaman to sa lalake na yun e. Bakit kasi nagpakita nanaman siya samen.Hinding-hindi ko na ulit hahayaan na masaktan niya kame!

Nagulat ako sa biglaang pagbukas ng pinto at pumasok si Jade yung kapatid ko, 1st yr highschool Palang siya ngayon.

"Elliana!"

Galit na galit siya. Ganyan siya paggalit walang galang di niya ko tinatawag na ate. I know it has something to do doon sa TATAY KUNO namen.

"Oh jad----"

Hindi ko pa man natatapos yung sasabihin ko ng sampalin niya ko.

"Jade?Bakit mo ko sinampal?"

"Ikaw ang dapat tanungin ko ng ganyan!Bakit?Bakit binastos mo yung daddy!"

Sabi na ee. Sabi na dahil to sa matandang yun.

"Jade!Iniwan niya tayo!Tapos ngayon parang ala lang sayo!Ipinagpalit niya tayo!"

*pak

Oo!sinampal niya ko ulet. Naiyak nalang ako. Matapos lahat ng sakripisyo ko para sa pamilya nato. Ako pa rin pala yung masama sa huli. Pinoprotektahan ko lang naman sila. Kase ayaw ko silang masaktan ulit. Pero bakit ako pa yung mali?

"Ate!Gusto ko ng ama!Gusto kong maranasan magkaroon ng isang ama!At ngayong nandito na siya!Itataboy mo sya?Ha?!"

Humahagulgol na kame pareho.Naiintindihan ko naman pareho naming gustong maranasan ang magkaroon ng ama. Pero ala kasi siyang alam. Wala siyang alam sa mga paghihirap namen, sa mga paghihirap ko.Kaya hindi niya ko naiintindihan.

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon