ELLIANA'S POV
"Di naman ako nagpapatawa . Seryoso ko e! Ganyan naman kayo e!Akala niyo biro lang lahat ng sinasabi ko!Hindi niyo alam totoo na pala tong nararamdaman ko! Hmp"
Eh?Anong drama ni nickolo?May pawalk-out walk-out pa?Juicecolored!Pumatol daw ba sa bata! Ay nako. Nickolo!
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad palayo samin. Nang mapansin niyang hindi kame sumusunod sa kanya ay saka lamang niya kame nilingon. " Di mo man lang ako susundan baby?" Nakangusong tanong niya.
"Eh?Ano ka chicks?" Nang-aasar na tugon ko.
"Napakahard mo sakin baby, nakakasakit ng damdamin" nagtatampong saad niya habang nakahawak sa dibdib.
"Wala akong pake sa nararamdaman mo" pagkatapos ay nilingon ko na ulit ang mga bata. Mabibigat ang mga paa namang humakbang pabalik si nickolo sa kinaroroonan namen. May pawalk-out walk-out pa di naman pala mapapanindigan. Arte. Tss.
Binalingan ko ulit ng tingin si nickolo na nasa tabi ko na ulit. "Oh bakit bumalik ka?"
"Joke lang naman yun baby. Di naman kita kayang iwan. Lalo na't may asungot dito"
Tiningnan naman siya ng masama ni drake. Alam na siguro nito na siya ang pinariringgan ni nickolo.
"Ako ba yung tinatawag mong asungot?""Oh wow pare. Akalain mo nga namang nagets mo yun. Wow!Tumatalino ka na pare" Wika ni nickolo habang tinatapik ang balikat ni drake.
Nginisian naman siya nito "Matagal nakong matalino pare."
Napailing-iling nalang ako sa pag-aaway nanaman nila.
Binalingan ko na ulit ng tingin ang mga prutas. Este mga bata.
"Ate?Bakit po sila nag-aaway?" Inosenteng tanong ni mango.
Ang ganda ko kase kaya nag-aaway sila. Whahaha.
Tiningnan ko ang dalawa na nagbabangayan pa din. Ibinaling ko ang tingin kay mango at nginitian siya.
"Ganyan talaga sila magmahalan bunso""Magmahalan po?Eh diba po parehas silang boy?" Nagtatakang tanong ni Apple.
Nanlalaki naman ang mata ni grapes na parang may natagpuan siyang ginto.
"Ohmyghad!BAKLA PO SILA?!" Di makapaniwalang tanong ni grapes. Sa tingin ko siya ang pinakamatalino sa kanilang magkakapatid.
Ginulo ko ang buhok ni grapes. "Hmmm. Parang ganon na nga"
"Waaaa!Magugunaw na talaga ang earth. Lahat na ng mga gwapong lalake naging bakla . Ohmyghad" Pakikay na sagot ni Apple.
Tinawanan ko lamang sila pagkatapos ay inabot ko na ang tinapay na binigay ng dalawa. "Sa inyo nalang hati-hati kayo a"
Inabot naman nila agad yun pagkatapos ay ngumiti ng malawak. "Salamat po ate. Ang bait-bait niyo po." Masayang sabi ni mango.
"At ang ganda pa" pahabol ni grapes.
Yiii.. Hindi talaga nagsisinungaling ang mga bata. Hihihi.
"Oy wag nga kayong magsalita ng ganyan. Lalake ang ulo" Natatawang wika ni nickolo. Tiningnan ko lamang siya ng masama at inirapan.
Humarap na uli ako sa mga bata upang magpaalam. "Pano mga bunso. Alis na kame ng mga itlog na to a. Magpakabait kayo. "
"Sige po ate. Salamat po. Babye"Halos sabay-sabay nilang tugon.

BINABASA MO ANG
Just A Dream
Novela JuvenilWhat if you NEED to set someone Free? Someone..Who is very special to you. Someone..to whom you promise to spend your lifetime with. And someone..You can't live without. Are you willing to sacrifice HIM for THEM? Are you going to wake up and accept...