CHAPTER 12: BLUSHING

32 1 2
                                    

ELLIANA'S POV

Monday na naman. Ayaw ko mang pumasok dahil sa nangyari kahapon ay wala akong magawa kundi pumasok. Scholar lang ako. Sayang din ang matutunan ko. Pagkatapos ng nangyari kahapon ay di pako lumalabas sa kwarto ko. Hindi pa din ako kumakain. Nakauwi na si mommy kahapon hinatid siya ng magaling kong TATAY samen at siya na din nagbayad ng bill sa ospital dahil MAYAMAN naman siya. May silbi din naman pala yung yaman niya. Sabagay, Mahal na mahal niya nga yun at nagawa niya kameng ipagpalit e.

Bumangon nako at ginawa ang daily routine ko. Kelangan kong pumasok kesa magpakaemo ko maghapon!Pagkatapos kong maligo at magbihis ay nagluto nako ng pagkain namin. Maaga pa naman. 7:30 palang may isang oras pako.

Matapos kong magluto ay saktong alas otso na. Hindi na ko kumain dahil wala pa rin akong gana. Papasok nako ng university! Kung tutuusin may kaya-kaya na kami ngayon kesa dati. Ginhawa na ang aming buhay kaya nga buwisit na buwisit ako ng makita ko yung matandang yun!Ayos na ang lahat saka pa siya babalik!

*beep beep (busina ng sasakyan daw yan XD)

"Ay kabayong buntis!"

Napatalon pako sa gulat ng marinig ko ang busina!Letseng driver yan!Nakatabi naman ako a!

"Elliana!Sakay na!Sabay na tayong pumasok!"


Si rhiana lang pala yung sakay nung kotse.Oo nga pala magkaklase kame.


"Okay lang ba bes?"


Tanong ko. Pero deep inside gusto ko na talagang sumakay. Hahaha!



"Oo naman bes!Pasok kana dali!Nakasimangot na ang driver!Haha!"



Sumakay nako dahil nakasimangot na daw ang driver e. Sino ba ang driver? Sinilip ko naman kung sino ang driver.


0_________0



"Ikaw?!Hoy lalake!Anong ginagawa mo dito?"



Siya kase yung driver!Si nickolo! Kaya pala nakasimangot daw. Eh lage namang nakasimangot to may bago pa ba don?

"Kotse ko to e !Bakit?!"


Di nako sumagot. Kotse niya daw e, baka mamaya palabasin ako e.


Nag-uusap lang kame ni rhiana sa back seat minsan napapatingin ako sa rearview mirror ng sasakyan at nagsasakto naman nakatingin din pala si nickololo kaya nagtatama ang mata namen siguro nakikinig siya sa usapan namen. Chismoso!


Ilang sandali pa ay nasa school na kame. Hindi naman kasi ganoong kalayo ang school sa bahay.




"Bes.tara na."


Aya ko kay rhiana para bumaba na kame. Kaso nauna siyang bumaba at humarang sa pinto. Eh?Problema neto.

"Bes. May pupuntahan pa pala ko baka malate ako mauna kana ha. Sabay na kayo ni nickolo. Bye-bye!"

Sabi niya at kumaripas na ng takbo naiwan naman akong inaabsorb pa yung nangyare.Iniwan niya lang naman kame ni Nickolo.


"Hoy babae!Baba na! Pinagbuksan na ulit kita ng pinto!Dumadami utang na loob mo saken ha!"


Kita mo tong Nickololo na to. Pinagbuksan lang ako ng pinto utang na loob ko na agad sa kanya. Bumaba nako kase nanggagalaiti na si Nickololo.


"Salamat ha!Salamat talaga sa pagbubukas ng pinto!Tatanawin kong utang na loob sayo yun habang ako'y nabubuhay!"



Sabi ko at naglakad na palayo. Naramdaman ko namang sumunod siya saken. Magkasabay na kame ngayon at hindi lang yon pati yung mga estudyante dito sinasabayan kame. Hindi pala sabay. I mean nasa likod namen sila. Oo nga pala!sikat nga pala tong si Nickololo sa school. Varsity e!


Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon