CHAPTER 10: Stranger

15 2 2
                                    

ELLIANA'S POV

"Jacob!Dali!Dalian mo magmaneho please!"

"Sh*t! D*mn!Mapapatay ko talaga yung lalake na yon!"

"Huminahon ka lang Jacob and just focus on driving"

"Elliana sige nga!Paano ako hihinahon?!Urgggh!"

Galit na galit siya at pinagsusuntok ang manibela. Nasasaktan akong nakikita siyang ganyan. Ako din naman nasasaktan  sa nangyari  pero kailangan kong kumalma. Hindi makakatulong kung magpapanic at magwawala ako.

"Jacob..Please..Calm down..Baka maaksidente tayo"

Umiiyak nako. Natatakot ako. Natatakot at nasasaktan ako sa mga nangyayare. Bakit kelangang ganito?

"I-I'm sorry Elliana..D-don't cry"

Tumango nalang ako at wala ng nagsalita hanggang sa makarating kame sa ospital. Dali dali kaming tumakbo sa ICU. Sakto namang paglabas ng doktor.

"Doc?Anong pong nangyare?"

Sabay pa naming tanong sa doktor. Nakatingin lang kame sa doktor at naghihintay ng isasagot niya. Pero  umiling lang yung doktor. Para naman akong pinagbagsakan ng langit at lupa don. Wala na. WALA NA SIYA.

"Doc?Hindi!Hindi!HINDI DOC!HINDI PWEDE YUN!BUHAY SI ATE EE!BUHAY SIYA!"

Umiiyak na si Jacob at pinagsusuntok ang pader. Inaawat ko siya pero ayaw niyang paawat. Diko siya masisisi. Napakasakit malaman na wala na ang ate niya. Oo!Yung ate niya yung isinugod sa ospital.Si ate vivian.

*Flashback

( sa Sasasakyan)

*kring kring kring

"Hello"

(Hello po? Kilala niyo po ba si Vivian Thomson? Naaksidente po kasi siya. Isinugod namin sa ospital)

Cellphone ni ate vivian ang gamit niya!Takte! Naaksidente?!

"What?!Panong!?Sang ospital?!"

(Nabangga po nagdrive ng lasing.Makati Golden Hospital po)

Diko na siya pinatapos magsalita at sinabi ko na agad kay Jacob. Kaya halos paliparin nanamin ang sasakyan makarating lang dito.

(*A/N. HEhe!Wala akong maisip na pangalan ng ospital!)

*end of flashback

"Jacob.Tama na.. sigurado akong ayaw kang nakikitang ganyan ni ate"

Niyakap ko siya para tumigil siya sa kakasuntok sa pader. Alam kong mahirap to para sa kanya. Halos ate nalang niya ang kasama niya buong buhay niya dahil busy sa trabaho ang parents niya.Maswerte pa rin ako dahil kahit wala akong Daddy. Kasama ko naman si Mommy. Oh sh*t! Oo nga pala si mommy! Di ko pa nasasabi sa kanya na nandito ko sa ospital!
Kelangan ko nga din pala puntahan si mommy pero..Kelangan din ako ni Jacob.

"Elliana..Elliana..H-hindi.H-hindi niya pwedeng Kunin si ate s-saken..E-elliana..D-diko kaya..Kasalanan ko to e!Dapat di ko nalang siya iniwan mag-isa!Dapat sinamahan ko siya!Antanga-tanga ko!Antanga-tanga ko Elliana!"

Sabi niya habang inuuntog ang ulo sa pader. Ako?Eto. Wala man lang akong magawa para sa kanya. Umiiyak lang ako habang nakayakap pa din sa likod niya para pigilan siya.

"Sssshh..J-jacob..Hindi mo kasalanan,Wag mong sisihin ang sarili mo.Mahal ka ng ate mo at ayaw ka niyang nakikitang nagkakaganyan,Sigurado kong masaya na ngayon ang ate mo sa langit kay---"

"Anong masaya nako sa langit?at bakit kayo umiiyak dyan?"

Napalingon kame sa nagsalita. Diko alam kung matutuwa ako o matatakot.

0_______________0

S-si Ate V-vivian? P-pero akala ko patay na siya?

"A-ate?ikaw ba yan?"

Sabi ni Jacob na halatang nanginginig din. Makita mo ba naman na buhay yung inaakala mong patay na e! Diko magets ang mga pangyayare!

"Ano ka ba Jacob?Sa pagkakaalam ko ako ang naaksidente!Eh bakit parang Utak mo ata ang  naalog!Haha!Naman!ako to!Lil Brother!The one and only me!"

Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Jacob at Lumapit kay ate vivian naka Cross sign pako sa daliri  habang lumalapit sa kanya. Dahan-dahan akong lumapit at nung nasa harap na niya ko. Unti-unti kong sinundot yung pisngi niya!Myghad!Totoo nga!Buhay siya!

Lumapit na din si Jacob sa ate niya at nagulat ako ng sinampal niya ito. Jusko jacob!Kanina lang iniiyakan mo ngayon sinasampal mo nalang!

"B-bakit mo ko sinampal lil bro?"

"Waaa!Ate!Buhay ka nga!"

Sabi ni Jacob at niyakap ang ate at nagtatatalon pa siya!Eh?

"Walanghiya ka Jacob!Sinampal moko para lang mapatunayan mong buhay ako!Sana sinabi mo ng ako sumampal sayo diba!"




"Letse ka ate!Pinakaba moko !Yung doktor kase sabe.."



Di na tinuloy ni Jacob ang sasabihin niya at tumingin sa doktor na nagsabeng patay na si ate!

"Hoy doc!Sabe mo patay na ang ate ko!Bakit eto at buhay na buhay siya!"

Mukhang susugurin na ni Jacob yung Doktor ng pigilan siya ng ate niya.

"Eh s-sir. Wala po akong sinabeng patay siya. Umiling lang po ako,Nagulat nga po ako nung bigla kayong umiyak at sinuntok yung pader"


Sabe ng doktor na mukhang natakot. Mukhang bata pa yung doktor.Pero oo nga naman!Wala nga naman siyang sinabeng patay na si ate!Umiling lang naman siya pero sa mga telenovela yun ang ibigsabihin nun!



"Doc!eh ano ang ibigsabihin ng pag-iling mo na yun?!"


Bakas parin kay Jacob ang pagpipigil ng galit.



"A-ang ibigsabihin po nun. Wala naman pong masyadong malalang nangyare sakanya. Kaya ako umiling. Konting gasgas lang naman po. Sasabihin ko din sana na inilipat na siya ng room kaso nag-assume na kayong patay na siya "



Paliwanag pa ng Doktor!So assuming pala kame!Kainis tong doktor na to a!Pero may point naman siya.


"Eh bakit hindi mo sinabe?!"


Ayaw talaga magpaawat ni Jacob.Hindi ko siya masisisi na Ms.Columbia sya. Kame pala .Ang hirap talaga ng Assuming.Inawat nalang namen siya ni ate Vivian at humingi ng pasensya sa Doktor.Medyo kumalma na din naman siya. Nasa ospital room kame ni ate vivian ng maisipan kong lumabas muna para tawagan si mommy.

I'm about to dial my mom's number ng makita kong lumabas ng kabilang room ang ...Kapatid ko?!Ilang beses ko pangkinusot ang mata ko bago ko makumpirmang kapatid ko nga!Anong ginagawa ng kapatid ko dito?
Tiningnan ko yung kabilang kwarto na nilabasan niya. Baka naman dinalaw lang yung kaklase niya?Pupuntahan ko nalang para makumpirma ko. Lumapit ako sa pintuan at pinihit yung door knob.

Then My world suddenly stop. I saw my mom lying on the hospital bed..but she's not alone..There's a stranger beside him.. No..He's not a stranger..He's my dad...


----------------

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon