VINCENT'S POV
"Ziyah babe!Ready ka na ba?" Tanong ko sa magandang binibini sa tabi ko. Darn. Iba ang tama ko sa babaeng to.
Tiningnan niya ko. Yiii. Kinikilig ako. "Yep!I'm ready!" Masiglang sabi niya. Nagningning ang mata ko at kinuha ang mga dala niyang bagahe.
"Ready ka na sa honeymoon na-AWW!Aray ko naman ziyah babe!" Protesta ko ng hampasin niya ako sa braso. Sadista talaga. Kaya mahal na mahal ko to e.
"Honeymoon ka dyan!Maglubay ka nga!Di pa nga tayo kasal!" Napatakip siya ng bibig sa sinabi niya. Ngumiti naman ako ng pang-asar sa kanya.
"Yiiie!Gustu rin!Pakasal na nga tayo ziyah babe!Excited nako sa honeym--Aw!Joke lang naman e!"
"Tse!" Pagsusungit niya at lumakad na papunta sa bus. Ngayon ang alis namin sa Baguio. Maaga pa nga actually. Napaaga lang ang pagsundo ko sa kanya sa kwarto nila.Excited na kase kong makita siya. I missed her so much kahit maghapon kameng magkasama kahapon.
"Ziyah babe!!!Wait for meeeee!!" Sigaw ko at akmang hahabol na ng makita ko sila nickolo at elliana na nagjajack en poy. Seriously?Bata?
Lumapit ako sa kanila para makiusyoso.
"Hey mga brader!Wassup yow!?" Masiglang bati ko sa kanila. Pero hindi sila natinag at seryosong-seryosong nakatingin sa mga kamay nila.
"Jack en poy!Holy!holy hoy!Sinong matalo siyang unggoy!" Sabay na kanta nila. Parehas bato.
"Ey. Naglalaro kayo?Sali ko!Change the loser!"
"Ssshhh. Wag kang maingay!" Sabay nanaman na sigaw nila saken. Grabe naman tong mga to!Para namang may one million price pagnanalo sa jack en poy. Eh kung ganon lang din pala edi sana nagjack en poy nalang ako buong buhay ko. Ay ayoko din pala. Mas gusto ko palang makasama si Ziyah babe ko.
"Jack en poy!Holy!holy hoy!Sinong matalo siyang unggoy!" Bato si Elliana , Papel si nickolo.
"Bleeeh!One point for me!" Pang-aasar ni nickolo. Napaismid naman si elliana.
"Tuwang-tuwa ka naman eh 3 points nako!Bleeeh!" Nagsimula nanaman silang maglaro. Panalo nanaman si nickolo. Papel si elliana. Gunting siya.
"Yiiie!2 points kana brader!Umaasenso!" Pang-aasar ko kay nickolo at niyakap pa siya. Yumakap din naman siya sakin. "Brad pagnanalo ko dito. Ititreat kita!" Nagningning ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Talaga?San pare?Starbucks?!"
"Hindi lang starbucks pare.Maxx" Wow. Bigatin si Pare Maxx. Mahal na restaurant yun a.
"Talaga pare?Maxx restaurant?Aba sosyalin!" Tinapik ko siya sa balikat niya.
"Hindi pare maxx na candy lang. Ano ka sinuswerte?" Napasimangot ako sa sinabi niya. Balak ko pa naman sana siyang icheer ee. Hmp.
"Jack en poy!Holy!holy hoy!Sinong matalo siyang unggoy!" Pagsisimula ulit nila. Panalo naman si elliana this time. Bato siya. Gunting si nickolo. Buti nga sayo nickolo sige matalo ka sana!
"Okay. 4 points for me! One point nalang panalo nako!Ipaaalala ko lang, Pag-ako nanalo hindi ka saken tatabi sa upuan!" Ow. So yun pala ang pinagtatalunan nila. Grabe naman.
Nagulat ako ng sumulpot sa harap ko si nickolo. "Pray for me pare. Nakasalalay ang puso ko sa laro nato." Seryosong sabi niya at hinarap na ulit si elliana. Hinalikan pa niya ang kamao niya at nagsign of the cross. Seriously?
BINABASA MO ANG
Just A Dream
Подростковая литератураWhat if you NEED to set someone Free? Someone..Who is very special to you. Someone..to whom you promise to spend your lifetime with. And someone..You can't live without. Are you willing to sacrifice HIM for THEM? Are you going to wake up and accept...