ELLIANA'S POV
Natapos na ang letseng truth or dare na yon . Buset!Dahil sa lecheng truth or dare na yan!Nawala ang pinagkakaingat-ingatan kong first kiss!
"Kainis. Kainis. Kainis. Kainis." Sunud-sunod kong sabi , nasa kwarto na kame. Pinapanik na kame after akong halikan ng pesteng si nickolo, nabadtrip kase si ma'am kaya pinatigil na ang laro. Kanina pa tulog ang mga kasama ko pero ako daig ko pa piniprito dito sa kama dahil biling lang ako ng biling.
"Elliana,ano ba matulog kana nga. Kaingay mo dyan." Sita saken ni Ziyah. Siya kase pinakamalapit saken.
"Tss. Nakakainis kase" sumbong ko na parang bata sa kanya.
"Aiiish.ngayon ka pa nainis eh kanina nga hindi mo nagawang itulak man lang, osiya!Antok na antok na ko!Jusko!Ayokong maging zombie bukas sa lalim ng eyebags ko!" Sermon niya saken at nagtalukbong na ng kumot.
Oo nga naman elliana!Kanina hinayaan mo lang siyang gawin ang gusto niyang gawin sayo tapos ngayon manghihinayang ka.
Tss. Makalabas na nga lang. Di ako makatulog. Buset naman!
Dahan-dahan akong tumayo. Kinuha ko yung jacket ni drake at inamoy.. hmp. Ambangoo!Ito muna susuotin ko, bukas ko na isasauli susulitin ko muna. Sinuot ko na nga ang jacket ni drakey ko at dahan-dahan lumabas ng kwarto. Lumakad ako patungo sa veranda . Ipinikit ko ang aking mga mata. Dinama ko ang malamig na simoy ng hangin."Ang lamig naman" sabi ko sabay yakap sa sarili ko. Nanatili padin akong nakapikit.
"Punta ka sa impyerno mainit don" Halos mapalundag naman ako sa gulat ng may marinig na nagsalita. Ang dilim kase dito kaya hindi ko maaninag kung nasan yun. Inilinga-linga ko pa ang paningin ko.
"Looking for me?"
"Ayy HmMpp!" Bago pa man matapos ang pagsigaw ko ,tinakpan na nito ang bibig ko. Tss. Bakit ba lage kong nakikita yung lalake na to sa mga panahong ayaw ko siyang makita? Sino pa nga bang lageng sumisira sa araw ko?Edi si Nickolo lang naman!
"Hindi ako tatanggapin sa impyerno! Masyado daw akong mabait!" Confident na sagot ko sa kanya habang nakapamewang sa harapan niya.
"Ows talaga lang ha?" Pang-aasar nya saken habang nakasmirk.
"Oo!Ikaw ang nababagay sa impyerno!Kampon ka ng kadiliman!"
"Oh?Sorry na baby. Nagagalit ka ba dahil sa kiss ko?Bakit nabitin ka ba?Gusto mong dagda---" diko na siya pinatapos magsalita at pinaghahampas ko na siya. Pesteng nickolo!Nakuha pa kong asarin!
"Aarrgh!Buset ka nickolo!Nakakainis ka!Magnanakaw ka!Y-you!!You pervert!Manyak!You stole my first kiss!How dare you!"
"A-aray!Aray!Aray!sadiAray! Sadista ka talaga ! " daing niya habang pinaghahampas ko siya.
"Nakakainis ka!I hate you!I hate you !I hate you a lot! D@mn you!" Hinawakan ako nito sa dalawang braso para di ko na siya mahampas. Magwawala pa sana ko kaso naisip ko na wala din akong mapapala, hindi na maibabalik ang first kiss ko. Shet! Kailangang tanggapin ang masakit na katotohanan na kay nickolo "Gurang" Simpson napunta ang aking first kiss.
"Sshh. Tama na. Sobrang saket na ng mga muscles ko sayo e" Mahinahong sabi nito habang hinihimas yung mga parteng hinampas ko kanina. Hawak-hawak parin nito ang dalawang braso ko. Shet!Ayan ka nanaman elliana! Naestatwa ka nanaman diyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/63524188-288-k808567.jpg)
BINABASA MO ANG
Just A Dream
Novela JuvenilWhat if you NEED to set someone Free? Someone..Who is very special to you. Someone..to whom you promise to spend your lifetime with. And someone..You can't live without. Are you willing to sacrifice HIM for THEM? Are you going to wake up and accept...