CHAPTER 16: I Miss You EX?!?!

26 2 1
                                    

ZIYAH'S POV

"Hoy!Hoy!Hoy!San ka pupunta?"

Pigil saken ni vincent nung akmang aalis na ako ng tambayan nila. Matapos kasing umalis ni Elliana at nickolo at matapos din magwalk-out ni alex dahil sa ingay namen umalis na din si drake. Kaya ang ending naiwan ako kasama nung kutong lupang Vincent na to!

"Sa impyerno.Ipapasundo kita kay satanas" sabi ko at tinalikuran na siya. Pero ang kutong lupa humarang sa harap ko.

"Hindi ka pwedeng lumabas!"  Sabi niya habang nakadipa ang mga kamay at parang hinaharangan akong dumaan. Tinaasan ko lang siya ng kilay at binangga siya sa pagdaan ko pero aba sinundan parin ako. Peste!

"Ano ba Vincent?!Kanina pinalalabas mo kame ngayon pinipigilan mo ko?!Ano bang gusto mong mangyare ha!" Singhal ko sa kanya. Swear!Nakakawala ng poise tong kutong lupa sa harapan ko.

"Stay with me" Sh*t !Ano nanaman drama ng isa na to?

"Yuck!Mandiri ka nga Vincent!Umalis ka dyan sa harapan ko bago pa ko mapuno at dumapo sayo tong kamao ko. Tabe!"

Tinulak ko siya at lumabas na ng tambayan. Good thing. Parang hindi naman niya ako sinundan. Oh?San ako pupunta ngayon?Si Elliana kase iniwan ako e.
Umupo nalang ako sa isang bench dito sa ilalim ng puno.

By the way, I'm Ziyah Chatton, one of Elliana's Bestfriend. Actually four kameng magbebestfriend dito. I mean, kame yung madalas magkakasama ewan ko lang dun sa iba kung san lupalop ng university nagsususuot.Well, you will meet them soon.So balik tayo saken, I'm a happy go lucky child what do you Expect?I'm the only daughter of Jean Marco Chatton ,one of the richest man in the Philippines but I'm not that spoiled brat like you think well, let's say that My attitude depends on my mood ;)

"Alam mo nakakatampo ka.." Nabalik ako sa realidad ng naramdaman kong may tumabe saken. Nilingon ko siya . Si kutong lupang vincent nanaman pala. Inirapan ko nalang siya. Wala akong panahon sa drama niya.

" Yung babaeng kalandian ni Alex binawal mo ...samantalang saken hindi.. Bakit ba ang concern mo sa kanya?Saken ala kang pake..." Sabi niya na may tonong  pagtatampo. Seriously?Nagseselos ba siya kay Alex?Duh!Kinakapatid ko si alex!Malamang concern ako dun kase pinababantayan siya ni tita saken.

"Wala kang pake" Sabi ko at tumalikod na ulit ng magsalita siya.

"Ikaw lang ang nagpahirap saken ng ganito..." Matapos na yon ay tumayo na siya. Nakatalikod pa din ako sa kanya. Ewan ko ba kung bakit hindi ako gumagalaw. Akala ko umalis na siya pero napasinghap ako ng maramdaman ko siya sa likod ko. Sh*t!

"Pero.. wag kang mag-alala.. Handa akong mahirapan.. Para sayo.." after saying that he left, leaving me speechless. Geez! What's with that guy?

NICKOLO'S POV

Inaya kong magmall si Elliana para may tagabuhat ako ng bibilin ko. Whahahaha!Sayang naman kase ang kagwapuhan ko kung mapapagod lang ako kakabuhat diba? ;)
At ngayon nga ay nakasakay na kame sa kotse ko. Di pa kame nakakaalis actually . Kanina pa kame nagkukulitan na magsuot siya ng seatbelt.

"Isa!Magsuot ka na sabe e!" Muling pangungulit ko.

"Ayoko nga!Ang kulet naman oh!"

Ako pa daw makulet.Tsk. Fine. Ayaw nya de wag. Wag mong ipagpilitan kung ayaw ,pinahihirapan mo lang sarili mo.

"Fine. Mauntog ka sana." Sabi ko at pinaharurot na ang kotse ko ng sobrang bilis. Nakita ko naman siyang napanganga at naghanap ng makakapitan.Buti nga sayo :P

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon