ELLIANA'S POV
Nandito kami ngayong lahat sa mesa at kumakain ng aming almusal. Last day nanamin ngayon sa Baguio kaya wala na kaming activities ngayon. Maglilibot nalang daw kame, Bili-bili ng souvenirs, picture-picture o something na gusto mong gawin sa buhay mo. Basta ienjoy daw namin ang last day namen. Ang taray lang ng last day diba? Parang mamamatay na kame bukas.
"Elliana. Eat. Kailangan mo ng lakas mamaya." Sabi ni Drake sabay lagay ng rice at bacon sa plato ko. Binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti. Ang sweet lang. Napatingin naman ako sa katapat na upuan ko. Si nickolo. Ano nanamang problema ng isang to at ganyan nanaman siya makatingin?Tss. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya. Hindi pa din kami nagkakausap ng matino since that day. Pinaninindigan ko talaga ang paglayo sa kanya. Pero siya naman tong lapit ng lapit.
"Wanna eat my hotdog ,my princess?" Bigla naman akong nabulunan sa sinabi nitong kutonglupang nickolo sa harap. Pakiramdam ko ay pumasok ang kanin sa ilong ko. Ghad!Kinilabutan ako sa sinabi niya. Tiningnan ko siya ng masama. Nginitian lamang ako nito at iwinagayway pa ang hawak na hotdog. Gosh!
"Oh?Gusto mo ba isubo ko sayo tong hotdog ko?" Hirit pa niya at inilapit sa bibig ko ang hotdog niya. I mean yung hotdog nga sa plato niya. Narinig ko pa yung iba na nagtawanan . Yung iba nagkomento pa ng 'Ang sarap sigurong papakin ng hotdog ni Fafa nickolo' Dammit!
"H-hindi na. Busog nako" sabi ko nalang dahil nahihiya na talaga ko. Mga nilulumot naman kase ang utak ng mga nandito.
----
Nayari na ang subuan ng hotdog este kainan session namin at nandito na kami ngayon sa kwarto para maghanda sa paglilibot namin.
"Grabe bes!Bakit naman tinanggihan mo ang hotdog ni Papa nickolo!waaaah!" Kinikilig na sabi ni quincy at nagpagulong-gulong pa sa kama.
"Mukha pa namang masarap!Iiiiihhhh!!!" Sabi naman ni rhiana. Binatukan ko naman siya sa kagagahan niya.
"Hoy!Tigilan niyo nga yung kahahotdog niyo na yan!Di ako makarelate!" Saway naman sa kanila ni ziyah. Binalingan naman agad siya nung dalawa at tiningnan ng hindi makapaniwala.
"Wews. Wag ka ngang painosente ziyah!Alam namin ang mga bahong tinatago mo!" Pambabara sa kanya ni quincy. Inirapan lamang siya ni ziyah at nagtawanan sila. Ang lakas lang ng bahog nila diba?
Nag-aasaran kame ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si nickolo.
"Elliana Baby! Are you ready?Taralets!" Masayang sabi niya. Taralets?!Aba!Anong nakain nito?
"Hindi ka ba marunong kumatok?" Mataray na tanong ko sa kanya. Sige lang. Tarayan mo lang yan elliana.
"Ay eh. Sorry na baby. Wag kang matuturn-off saken. Eto na. Wait. Take two. " Pagkasabi niya non ay dali-dali siya lumabas ng pinto. Eh?Ano nanamang trip non?
*toktok toktok toktok
"Whahahahahahahaha!!!!Hahahahaha!!!" Narinig kong tawanan ng tatlong bruha nung marinig ang katok. Ano bang nangyayare?
"Ang adik ni nickolo! Whahahaha!" Tuwang-tuwang sabi ni ziyah. Habang humahagalpak sa tawa.
*toktok toktoktok
"Pwede na ba kong pumasok?Ayos na ba yung katok ko na yun baby?" Narinig kong tanong ni nickolo sa labas . Ghad!Seriously?Kumatok ulit talaga siya? Litsi.
*booogsh
Dipa man ako nakakasagot ay Binuksan na niya ang pinto at pumasok. "Ayos ba baby ko?" Tanong ni nickolo sabay kindat pa saken.

BINABASA MO ANG
Just A Dream
Roman pour AdolescentsWhat if you NEED to set someone Free? Someone..Who is very special to you. Someone..to whom you promise to spend your lifetime with. And someone..You can't live without. Are you willing to sacrifice HIM for THEM? Are you going to wake up and accept...