ZIYAH's POV
"Oh problema mo At nanghahaba nanaman yang nguso mo?" Tanong ko ng makasalubong ko si elliana na papunta sa canteen.
"Baka nakipagkissing scene kaya nanghahaba ang nguso.Hahaha!" Sabat naman ni quincy na kasama ko din. Tinawanan lang namin siya ni rhiana pero itong si elliana ay hindi pa rin maipinta ang mukha.
Umirap muna siya bago magsalita at bumuntong hininga. "Kase naman si Nic--" Naputol ang sasabihin niya ng may sumigaw ng pangalan niya. "ELLIIIIIIAAAANNNAAA!!!!" Binalingan namin ang sumigaw at nakita si nickolo na humahangos papunta sa kinaroroonan namin. Natataranta namang nagtago sa likod ko si elliana.
Mukhang pinagtataguan niya si nickolo. Napairap ako. "Talagang sakin ka magtatago bes?Feeling mo naman matatakpan kita?Sexy ko kaya!Duh!" Maarteng saad ko dito. Mukha naman siyang natauhan . Natataranta inikot niya ang mata na parang naghahanap ng tataguan.
"ELLLIIIIAAAANNNAAA! WAG KA NAMANG MAGTAGO OH!IT'S HARD TO FIND SOMEONE LIKE YOU!" Natawa ko sa banat ni nickolo.Ipagsigawan daw ba?Lahat din tuloy ng nasa canteen at mga nakarinig na dumadaan ay napatingin sa kanya at naghagikgikan. Feeling naman nila sila sinasabihan nun. Napatingin siya kay elliana na sobrang pulang-pula na. Maya-maya ay tumalikod na ito at natatarantang lumakad . Natawa pa nga kame kasi parang hindi nito alam ang pupuntahan.
"Mauna na ko mga bes ha!May baliw na naghahanap sakin eh!Byers!" Sigaw nito at tuluyan ng tumakbo. Nakarating naman si nickolo sa kinaroroonan namin.
Hinarap niya kame. "Nakita niyo si elliana?" Inakbayan naman siya ni rhiana. Ngumisi ito na parang nang-aasar.
"Seriously couz?Ang laos ng banat mo kanina! Whahahaha!" Natawa kame sa sinabi nito. Totoo naman kase?Madalas ko na ding naririnig ang banat na yon. Naningkit ang mga mata nito marahil ay naasar na din sa pagtawa namin sa kanya.
Inakbayan din nito ang pinsan nito. "Rhiana, laos man ang banat ko.. hinding-hindi naman malalaos ang nararamdaman ko para sa kanya. " sabi nito saka kumindat.
Interesado namin siyang tiningnan. Sila quincy at rhiana nagtatalon na sa kilig. Ako?Sanay nakong kiligin. Kay vincent palang kota na ko. XD
"So,Are you saying that you already love her?" Tanong ko rito. Umiling naman ito kaya tinaasan namin siyang tatlo ng kilay.
Agad siyang kinuwelyuhan ni quincy, "Eh siraulo ka pala e!Ang sweet mo sa kanya tapos hindi mo siya mahal?!Ano to g*guhan?!"
Natawa naman si nickolo kaya lalong nainis ang mukha ni quincy. Pinanunuod lang namin siya. Yakang-yaka na ni quincy yan. Itinaas na nito ang kamao niya na akmang lalagyan na ng black eye si nickolo ng magsalita ito Kaya nabitin ang kamao nito sa ere.
"I'm not inlove with her but... soon" sabi nito at kumindat pa. Nakataas pa rin ang kamao ni quincy sa ere kaya naman kami na ang nagbaba nun at inalayo siya kay nickolo. Sadyang matapang lang talaga si quincy.
"Pasensya kana dito ah hehehe" paghingi ng paumanhin ni rhiana sa pinsan. Binalingan nito si quincy. "Highblood much lang bes?" Inirapan lang siya nito.
Natawa naman si nickolo. "It's okay. I like your concern to your friend" sabi nito.
"I have to go. Hahanapin ko pa ang makulit niyong kaibigan" natatawang paalam nito.
"Bakit mo ba siya hinahanap kase?" Tanong ko.
"I just want to make sure that she will eat her lunch. Ayoko pa namang ginugutom ang baby ko. Masamang magutom yun nagiging tsanak. Hahaha" natatawang sabi nito at tumalikod na ulit para maghanap.
BINABASA MO ANG
Just A Dream
Teen FictionWhat if you NEED to set someone Free? Someone..Who is very special to you. Someone..to whom you promise to spend your lifetime with. And someone..You can't live without. Are you willing to sacrifice HIM for THEM? Are you going to wake up and accept...