ELLIANA'S POV
"Hoy babaeng may crush saken!Tara dito!"
.
Letse!Grrr. Kainis!Bakit ko ba kase sinabe na yung Nickololo na to yung crush ko!Buset!Isang linggo na since sinabe ko sa kanyang may crush ako sa kanya. Pero para lang yun pagtakpan yung hidden feelings ko kay drake!Letse!Eto pa kamo matinde!Sa loob ng isang linggong yun alam na halos ng buong campus na crush ko siya!"Hoy babaeng may crush saken!Napakabagal mo naman. Tara kako dine e!"
Narinig ko nanaman ang sigaw niya. Tuwing naririnig ko yun napapanting talaga yung tenga ko ee. Buset!
"Tss. Oo !Eto na nga!Atat lang!" Singhal ko pabalik.
Nasa canteen kame at pinagtitinginan na ng mga tao dahil kanina pa kame nagsisigawan!
"Good!Bili mo kong drinks!"
"Ayoko!May paa ka!May kamay ka!Bumili kang mag-isa!"
"Ah ganon. Ayaw mo?Baka gusto mong sabihin ko na may crus----"
Pinutol ko na ang sasabihin niya. Ayan nanaman siya, binablackmail nanaman niya ko. Tsk!
"Oo na.Oo na.Buset!"
Sa loob din ng isang linggo naging utusan niya ko... Kung paano nangyare?Ganito yun..
*Flashback
"A-ano..kase ano..c-crush..c-crush ko si N-nickolo..."
Sabi ko ng nakayuko. Sh*t!Nakakasuka yung sinabe ko. Pero kailangan. Kailangan ko yung sabihin. Magmumumog ako ng alcohol mamaya.
"Sabi na at ako talaga ang crush mo e!Deny pa more!"
Sabi naman nung letseng nickololo na yun.Kainis!ASA naman siya!Siya may kasalanan nito e!
"Ganon. Totoo ba yun elliana?Edi kung ganon nga..Goodluck. Hahaha!"
Sabi naman ni drakey ko. Nako kung alam mo lang drake...Ikaw talaga yung crush ko ee...
"Oh pano pare!Mauna na kame!Isasama ko muna tong may crush saken ha!"
Sabi ni nickololo habang nakaakbay pa saken. Waaaa!Drakey kooooo!Help me from this monster!!!!
"Hoy lalake!Bitawan mo nga ako!Kadiri ka!"
Singhal ko sa kanya nung makarating kameng rooftop. Oo!Dito ko dinala ng lalakeng to.
"Ako pa kadiri?Eh ikaw nga tong may crush saken!"
"Wag kang assuming!Sinabi ko lang yun para di malaman ni drake na siya talaga yung crush ko!"
Sigaw ko pabalik sa kanya, totoo naman kase e.
"So ginamit mo lang ako ,ganon?"
"Oo!"
Biglang tumalim ang tingin niya saken!Sh*t!Wrong move!Pero.. talaga naman kaseng ginamit ko lang siya.
"Ah ganon, Alam mo bang natapakan ang ego ko dun?"
"Oh?Anong pake ko sa ego mo?"
"Ah ganon, pagkatapos mong gamitin yung pangalan ko, wala ka ng pake?"
"Oo!Ganon nga!"
BINABASA MO ANG
Just A Dream
Novela JuvenilWhat if you NEED to set someone Free? Someone..Who is very special to you. Someone..to whom you promise to spend your lifetime with. And someone..You can't live without. Are you willing to sacrifice HIM for THEM? Are you going to wake up and accept...